Chapter 14

210 10 0
                                    

Nandito na ako sa room pero hindi pa din nawawala ang mga mapanlait nilang mga tingin...

Maya maya ay may lumapit namang babae sakin...

Hoy mataray niyang sabi sabay sipa sa bangkong inuupuan ko..

Oh?

Ano nanaman tong narinig ko na lumandi ka nanaman...hindi ka ba napapagod ha..nung una si Ash ngayun naman yung kapatid nya..

Dapat sayo sinasampal eh para matauhan..mataray niyang sabi kasabay ng isang malakas na sampal sakin..

Napa ngiwi naman ako sa sakit noon..

Tss..hindi ko na kayang Hindi sila patulan eh,umaabuso na sila masyadong nang namamanhid ang katawan ko..sabi ko sa isip ko...

Ikaw!! hindi ka ba nakakahalata na ni Isa sa inyo ehh wala naman akong paki alam..

Ashthon,Ashton,Ashton ...pagpapaulit ulit ko nang pangalan nung asungot..

Puro yun nalang ang bukang bibig nyo...gusto nyo lamunin nyo para naman walang nangbwibwisit sakin diba..kalmado ngunit may halong inis kong sabi..

Abat si Ash pa ang manggugulo sayo ha...

Sasampalin nya sana ulit ako Kaso ay naunahan ko sya mabilis kong nasalo ang braso nya at hinawakan iyon nang mahigpit hanggang sa maiyak sya..

Ano ba..bitawan mo ko nasasaktan ako..huhuhu please somebody help..

Mabilis namang  lumapit yun dalawang babae na madalas kong makitang kasama nya..,pinilit nilang tagkalin yung pagkakahawak ko Kaya naman ako na ang nagkusa at bumalik muli sa pagkaka upo..ramdam ko parin yun kirot sa pisngi ko parang naiwan yun palad nung babae eh...tss

Natapos ang klase sa tanghali na wala akong makitang Ash yung dalawa nya lang na buntot ang nakita ko..

Pumunta na ako sa canteen para mag lunch..nag order na ako nang kakain at pumili na rin ng table malapit sa may exit ng canteen..

Nasa kalahati na ako nang pagkain ng may biglang may humila ng buhok ko..

Eto babe,eto ang may gawa ..sinaktan nya ko kanina...

nagulat naman ako nang magsilapitan yung mga lalaki at kinapitan ako.

.hinawakan nila ang magkabila kong braso habang yung isa naman ay nakahak sa buhok ko..

Lumapit naman sakin yun lalaki na tinawag na babe nung babae kanina..kung hindi ako nag kakamali ay ang babeng sinaktan ko kanina at ang babaeng nagsusumbong na eto ay iisa..

Hindi ko maitatanging may etsura at mukang may dating sa buhay ang lalaking eto...ngunit sa hindi tama niyang pag suot ng uniform ay nag mumuka siyang dugyot ..,bukas kasi lahat nang botones nito..

Diba ikaw yung nagtatapang tapangan..maangas na sabi nung lalaki...asan na ,asan tapang mo.., ano naduwag ka na ba, tumiklop ka na ba..tss wala ka pala ehh..sabi nya habang dinuduro duro ang noo ko..

Pano ko makakapatol sayo ehh,mas duwag ka pa kay Velazquez ehh..

Ano!! Tanga ka ba...sabi nya habang tinatampal maman ang pisngi ko...

Ikaw ang tanga,,kung pinapakawalan nyo ko dito tapos saka mo ko yabangan ede sana patas tayo..

Mayabang ka talaga no..bitawan nyo..

Binitawan naman ako kung mga lalaki tapos ay bigla akong tinulak papunta doon sa kanina pang nag yayabang sakin...

Sakto namang pag tama ko sa kanya ay isang malakas na sampal Ang nakuha ko..Napa ngiwi naman ako sa sakit noon..bago pa ako makabawi ay suntok sa sikmura naman ang natanggap ko....narinig ko na ang sigawan nang mga estudyante...sapak muli ang natanggap ko...bago dumilim yung paningin ko..babawi ako sabi ko sa isip ko bago tuluyang pimikit...

Nagising naman ako sa isang maliwanag na silid alam kong nasa clinic na muli ako..babangon na sana ako nang biglang may pumigil saakin..

Nagulat ako nang makita ko yung unggoy sa tabi ko..

Bat ka nan-..

Hindi ko na natapos yun sasabihin ko dahil naunahan nya na ako...

I Can't Stand Without You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon