Chapter 6

277 12 0
                                    

Alex POV..

Natapos ang lunes na yon na natutulog lang ako ako sa room..

Martes na ngayun at kailangan ko na ulet pumasok sa school na yon...iniisip ko naman Kung paano naka survive si alay sa school na yun..

Kung hinahanap nyo pala si alay nauna na syang pumasok,mag aaral na daw syang mabuti para makalipat sa section ko...

~school~

Pag pasok ko palang nang gate ay pinag bulungan na agad ako nang mga kapwa studyante ko..

Hala sya yun..

Nakaka awa naman sya..

Nako girl tama lang sa kanya yun..,banggain daw ba ang the greatest Ashthon no...

Sabagay sa dinami dami si papa ash pa..

Hindi ko na pinansin ang mga bulungan nila at dumeretso na ako sa locker ko..,pero pag dating ko Doon ay bukas nanaman eto...at nangangalingasaw ang amoy, meron Kasi etong mga patay na daga at sari saring dumi ng hayop..sa inis ko ay demeretsyo nalang ako sa room pero pag dating ko doon ay wala ni isang tao..

Naramdaman ko nalang ang matigas na bagay ang humampas sa ulo ko...

Pinilit kong tingnan kung sino Yun pero nag dilim na Ang paningin ko...

Ashthon POV

Nauna na ako kila Harold at Justine man chi chix pa kasi si harold at nasa library naman si Justine malapit na ako sa room namin ng makita ko ang tatlong lalaki na palabas sa room namin..benalewal ko nalang iyon at dumeretso sa loob..ngunit tumambad sa akin ang walang malay na si ungoy..,nilagpasan ko lang sya at inintay na may ibang taong dumating..hindi naman ako.. nabigo dahil maya maya lang ay narinig ko na ang ingay mga studyante..

Ohh my god

Uyy tulungan nyo..

Kayo nalang no mamaya magalit pa sakin si papa ash ehh..

Pag tatalo  ng mga eto...

Nakita kong papasok na rin si Justine ..

Pero nagulat ako nang buhatin nya si ungoy..at umalis..

Maya maya ay dumating narin si Harold bit bit ang dalawang babae..

Ohh hi bro..masyado naman yatang gustong maging top one si Justine kinakarir ang pag aaral ha..

Baka nasa clinic yun no..naka simangot kong tugon..

Naging seryuso naman ang itsura nya..mapagbiro itong si Harold pero pagdating sa aming kaibigan nya lumalambot eto..

What happen to him..seryuso niyang tanong..

Wala naman tinulungan nya lang yung ungoy na dalahin sa clinic..

Para naman siyang nabunutan ng tinik sa pahayag ko..

Thanks God..,so anong nangyari Kay miss Alex..

Sino naman yun..kunut noong tanong ko...

Tss si miss ungoy ika mo...naka ngiwing sikmat nya..

Malay ko naabutan ko nalang na walang malay Jan ehh..

Talaga ba..nagdududang tanong nya...

Anong akala mo sakin..saka kung gagawin ko yun iuutos ko nalang no..,madudungisan pa pangalan ko....

Maya maya din ay dumatin na si Justine..

Sana hinayaan mo nalang na tulungan ng iba..dismayado Kung sikmat kay Justine..

Alangan namang hayaan ko diba,wala namang ibang tumutulong sa kanya ehh..malamig niyang tugon..

Alex POV..

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid..nang tuluyang umayos Ang paningin ko ay saka ko lang napagtanto na nasa clinic ako..

Bumangon na ako pero naramdaman ko ang matinding kirot sa ulo...

Ma'am mag pahinga daw po muna kayo..Hindi na ako nag ka enteres na tanungin kung sino ang nagdala sakin dito..natulog nalang at ulet ako..

I Can't Stand Without You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon