CHAPTER 1: The Secret
"Dad, I need to talk to you." Sabi ni Carl pagkatapos nyang marinig ang usapan ng Daddy at Lola Anita nya.
"C-ccarl? Anung ginagawa mo rito?" Hinila si Carl palabas ng daddy nya na galit na galit dahil nakialam siya sa usapan ng matatanda.
"Dad! Ano nanaman ba 'to? Hindi ba kayo nananawang paglaruan yung ibang tao?"
"Ano ba Carl?! Hindi ka ba titigil sa pangigialam mo?! Di ba sinbihan na kita noon na wag ka makikinig sa usapan nami-" galit sa sagot ng Daddy ni Carl
"Hayaan mo siya Rodolfo. Malaki na ang anak mo. I think it's the right time for him to know the truth about Patricia."Pag-singit ni Lola Anita
"Ma, hindi na kailangan madamay ni Carl dito."
"Kinuha ng mga Alfonso ang ate mo nung four years old ka. 16 si Patricia nun, gustong gusto siya ng eldest son ng kakumpitensya natin sa negosyo kaya ginawa nila lahat para makuha ang ate mo." Naluluhang sabi ni Lola Anita
"Teka lola, naguguluhan po Ako"
"Sinunog nila ang factory natin noon at ginipit nila tayo kaya pinilit nilang kunin si Patricia para hindi sila magdemanda. Dinala nila sa US si Patricia. Mula noon wala na kaming naging balita sa ate mo kaya hindi mo na siya nakilala."
"Nagpakamatay ang mommy mo dahil sosobrang lungkot. Wala akong nagawa. Wala! Napaka-inutil ko talaga. Kaya ngayong nakabawi na tayo isa isa naming binabalikan ni mama ang mga taong nagpahirap saamin noon." Mangiyak ngiyak na pagkakasabi ng daddy ni Carl.
"Sabihin nyo sakin kung ano ang maitutulong ko." Pagpipigil nang galit na sabi ni Carl.
"Ano ?" Sabi ng daddy ni Carl
"Pakasalan mo ang bunsong anak ng mga Alfonso" sabi ni lola Anita na mukhang pinagplanuhan na ang mga mangyayari."Pahihirapan natin ng husto ang pamilyang Alfonso saka natin kukunin ang paboritong anak nila. Si Suzanne Alfonso" madiin na sabi ng matanda.
"Mama. Teka muna wag muna tayo magpadalos dalos ng ganyan. Hindi ko nman hahayaang pakasalan ni Carl ang babaeng hindi niya nman mahal!"
"Payag ako. Gagawin ko ang lahat mapaghigantihan lang ang pagkamatay ni mommy!!!"
"Good apo. Ipapatawag nalang kita para sa arrangements okay? Tara na Rodolfo may pag-uusapan tayo." Pagkasabi ay umalis na ang kanyang lola kasunod ang daddy
Ngayon naiintindihan niya na lahat. Nauunawaan niya na ang nararamdaman ng mga daddy at lola niya dahil ngayon ganun narin ang ang nararamdaman niya.
"Suzanne Alfonso! You'll pay for this!!!"