Suzanne Alfonso

7 0 0
                                    

CHAPTER 2: Suzanne Alfonso

*Suzanne's Point Of View*

Nakakainis na talaga si Mommy. Akalain nyo yun? 2 weeks kaming plano ng plano nina ate Patricia tungkol sa pagpunta namin nang Baguio tapos ayaw pumayag ni mommy na sumama ako kasi bonding daw nang mag asawa yun. OMG! Mababato na 'ko dito sa bahay bawal kasi ako sumama sa swimming ng mga friends ko,gumawa ng thesis ko sa ibang bahay, mag malling ng walang guard etchetera! Kulang nlang talaga pagbawalan narin akong huminga! Pero buti nalang talaga.. Anjan si ate Patricia. My beautiful sister-in-law. Siya lang talaga yung dahilan kung bakit ako nkakapagmalling at nkakagala off guards. Thankful talaga ako kasi dumating siya sa buhay ko ^*^. Si kuya Alfie naman ang very supportive kong kuya kaming dalawa lang ang magkapatid kaya may pagka strict din sometimes. Perfect couple sila. Sakanila nga nabuo ang pangarap kong makahanap ng kahit hindi guwapo basta pasasayahin ako habang-buhay. Drama no? Pero ansarap isip isipin.

Nakalimutan ko palang magpakilala ako nga pala si Suzanne Alfonso.18 yrs old. Bunso nina Doroteo Alfonso at Lydia Angeles-Alfonso nag-aaral sa Phoenix University. I love my parents. Kahit na minsan mahigpit sila teka... I mean madalas eh okay parin kasi lagi naman silang nandyan para sakin. May boyfriend ako, *.* pero secret lang kasi nga bawal pa daw. Si Andrew. Nakilala ko siya nung nagpunta kami ng tagaytay nina ate Patricia. Well speaking of ate Patricia, Oh yes alam nya din ang tungkol sa relationship namin ni Andrew, best friends nga kami di ba? :)

Do you wanna know one more secret?

Tatakas ako ngayon para makipagkita sakanya 😁

Of course that won't be possible without ate Patricia's help. Kunwari yayayain nyang manood nang movie si kuya Alfie para maka-sneak out na ako ng bahay. :)

--

"Uy Suzz! Sigurado ka ha kaya mo? Lagot tayo nito pag may nangyaring masama sayo." Nickname ko yung "SUZZ"= SAZ po ang pronounciation nyan.

"Oo nman ate! Ilang beses ko na tong nagawa di ba?"

"Osya sige sige.. Basta ha. Take care. Mag-aalala na ako kapag 8pm wala ka pa okay?"

"Mag-iingat ako ate.^o^ thank you!" Kiniss ko si ate sa cheeks at tumakbo na palabas ng bahay.

Naglakad ako palabas ng guard house para walang makapansin na lumabas ako.

Nang bigla na lang may tumigil na black na van sa harap ko.Tinted din yung bintana kaya hindi talaga mkikita kung sino yung tao sa loob.

Nakaramdam ako ng kaba..

Dug..dug..dug..dug...

May humawak sa likod ko

At.... At.... At....

Nakita ko si Andrew.

Pero ang pinagtataka ko lang, nung lumapit sakin si Andrew umalis nalang bigla yung black na van.

hmm? Fishy huh.

Nevermind. Baka nagpark lang. Paranoid lang siguro ako.

"Suzz okay ka lang. Tulala ka ata?" Nag-aalalang tanong ni Andrew.

"A-aahhh .. O-okay lang ako. Hehe ginulat mo kasi ako. Hehe " Fake laugh iyon. Dala na siguro ng kaba. "San nga pala tayo ngayon?"

"Do you still remember what I promised you pag naipasa mo ang midterm exam mo?" Well nagpromise siya sakin ng kung ano pero hindi ko na maalala yon. Prelim palang kasi sinabi niya na yun kaya medyo nawala na sa utak ko.

"E-eeh? Hindi eh."

"Okay. Nevermind. I'll just take you there. Do you trust me?"

"Of course I do. Boyfriend kita."

"Good. Now let's go" binuksan ni Andrew ang pintuan ng front seat ng mazda 3 niya.

Want me to describe Andrew?

sige.

Si Andrew Z. Lee, 5"11 ang height fair yung kulay nya, maganda ang built ng katawan,brown eyes, matangos ang ilong, kissable lips, mabait, dean's lister, Seryoso siya sa mga bagay na ginagawa niya, gentleman, uber sa humble at higit sa lahat he never failed to make me smile. Isa siya sa mga taong gusto kong itreasure habang buhay. Yung taong bubuo nung pangarap ko. Yung perfect partner na sinasabi ko at lalaking pinaka hihintay ko. Ang saya di ba? Sana hindi na matapos 'to.

"Andrew anlayo naman ata? San ba tayo pupunta?" Naiiritang sabi ko. Ansakit na kasi ng pwet ko sa tagal ng pagkakaupo ko.

"Relax. Malapit na tayo."

"Sige na nga. Hmp. Kung hindi ka lang cute kanina pa ko na bored dito."

"Hindi naman. Ako nga 'tong napaka swerte sayo eh. San ka ba naman makakahanap ng napaka-gandang girlfriend? Pakiramdam ko nga hindi kita masolo eh. Lagi kasing may mga tumitingin sayo. Kulang nalang pagkamalan kang artista at dumugin ka. Pero kahit na ganun. Gusto parin kita ka-date. Para naman mapakita ko sakanilang I own you already."

"Dont date the most beautiful girl in the world, date the girl that makes your world the most beautiful." Yun nalang nasabi ko (isang quotation na nabasa ko mula sa gm ng kaklase ko). Na-overwhelm kasi ako sa sinabi nya. Na-speechless tuloy ang lola mo.

"Kaya nga ikaw yung gusto ko eh. Ikaw kasi nasayo na lahat yon." Seryosong sabi nya.

Ramdam na ramdam ko talaga ang love sakin ni Andrew. Sa two years naming pagsasama hindi ko siya pinagdudahan. Selosa ako pero hindi ako nakakaramdam ng selos pagdating sakanya. He's so perfect. Lagi kami magkasama after class. Sinusundo nya ko. Ganun palagi ang routine namin. Naiiwan nya madalas sa akin ang phone niya pero wala akong kahinahinalang nakikita. Ang totoo pa nga niyan...

Ako lang ang nasa contacts nya <3

"My queen. Baba na tayo." Sa sobrang pagmumuni-muni hindi ko na napansing nandito na kami.

Sa ENCHANTED KINGDOM

Feeling ko tumigil yung mundo ko sa sobrang saya...

Gustong-gusto ko kasi pumunta dito.

When I was 12 pumunta kami nina mommy at daddy dito.

Hindi nila nagustuhan ang enchanted.

Masyado daw kasing delikado ang mga rides dito.

Ayun! Yung bump car at carousel lang tuloy ang na- enjoy ko.

Nanghinayang ba kayo sa ride all you can ticket? Me too.

Ngayon, naiintindihan niyo na ba kung bakit super saya ko?

"Oh! Andrew!"napayakap ako kay Andrew dahil sa sobrang saya na may matching patalon-talon pa.

"Sabi ko naman sayo eh... I'll make you happy."

A Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon