The Revenge

2 0 0
                                    

CHAPTER 5: The Revenge

Pagkatapos mag-usap ni Eula at Carl ay napagdesisyonan nilang magtungo sa bahay ng mga Zobel para ipaalam kay Donya Anita ang mga impormasyong nakalap nila, ang bagong plano maging ang paghingi ng payo.

Pinalabas muna ng Donya si Carl upang makapag-usap sila nang personal ni Eula na siya namang nagbigay ng matinding kaba sa dalaga.

"Hija, are you sure you can do this?"

"Yes Donya Anita. Carl has given me enough time to think about this stuff"

"Sigurado kabang handa ka nang maka-incounter muli ang aking apong si Andrew?"

"P-po?" Nagtaka si Eula nang marinig niya ang salitang 'muli' mula sa donya.

"Awh. Come on Eula... Everybody in this house knows about your relationship with Andrew. Pinaalam niya sa amin iyon. Nagulat nga ako nang malaman kong iniwan ka nya para sa isang Alfonso."

"..."

"Unang kita ko palang sayo ay naramdaman ko na agad na gusto kong maging parte ka ng pamilyang Zobel. Yun din ang dahilan kung bakit hinayaan nalang namin si Andrew sa relasyon niyo at hindi na kami tumutol pa."

"Kung totoo po iyan bakit po si Suzanne hindi niya po pinakilala sa inyo? E mas mahal niya po kesa sakin yon. Nagawa niya nga po akong iwan nang walang pag-aalinlangan para sa babaeng yun."

"Maybe it's because he loves you more. Natukso lang talaga siya dahil sa physical appearance ni Suzanne but, you are also beautiful. Hindi ka lang nag-aayos. Pano mo ise-seduce si Andrew kung walang magbabago sa anyo mo na makakuha ng atensyon nya?"

--

Maganda si Eula. Mayroon siyang short black hair na tulad kay Yuna (Final Fantasy) at may napaka puting balat kung kaya hindi maipagkakaila na nagmula siya sa marangyang pamilya. Sporty si Eula kung kaya hindi siya pala-ayos sa kanyang sarili. Madalas kung may pupuntahan siya ay naka skinny jeans, sneakers at simpleng T-shirt lang siya.

--

"Hindi nman ho kasi ako mahilig mag-ayos. Hindi ko po alam ang gagawin ko."

"Don't worry hija. I'll take care of that. Basta gusto ko kayo ang magka-tuluyan nang apo kong si Andrew."

"S-susubukan ko po."

"Huwag mong subukan apo. Do it. I know you can. I trust you."

"O-opo."

Pinasaya si Eula ng balitang gusto siya nang pamilyang Zobel para kay Andrew.

Pero hindi parin niya maipagkakaila sa kanyang sarili na mayroon parin siyang hinanakit sa Andrew na ito.

"Hija. Bukas magkita tayo sa Festival Mall okay? Ipapasundo nalang kita sa driver sa Mystic Peak. Huwag na nating isama si Carl. Magbo-bonding tayo."

"Opo Donya Anita. Thank you po kasi kahit hindi na po kami ni Andrew e napakabait nyo ho sa akin." Masayang tugon niya.

" Just call me lola. Wala iyon. Matagal ko narin kasi gustong pumunta ng mall na may kasamang apong babae. Pag si Carl o Andrew kasi ang kasama ko parati nalang kaming nagmamadali kasi ayaw nila sa mga pambabaeng boutique. Pag si Andrea naman, anak ko namang babae na nanay ni Andrew e Super Market lang ang gustong puntahan. Mahilig kasi yun magluto kaya maya't-maya kung mag-grocery. Pagkatapos niya namang mag grocery ay tatamarin na siya at magyayaya narin pauwi."

" Ganun po ba... Sige po ibibigay ko po ang time ko sainyo bukas."

"Thank you apo." hinalikan siya ng matanda sa noo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon