Prologue

14 3 0
                                    

"Lalanding na daw kunwari Yung airplane, weennnnnggg" Ani ng isang batang madumi na Ang pamasok na uniporme at naglalaro ng eroplanong papel sa ilalim ng malaking puno sa kanilang paaralan.

"Bang bang bang, kunwari ako Yung pulis doon sa airport" ani Naman Ng kasama nyang batang lalaking magulo Ang pagkakabutones ng uniporrme.

"Ano ba yan kuya JK, bakit may pulis sa airport?" Naiinis na banggit ng batang babae tyaka tumayo.

"Malay mo may masasamang loob doon sa airport edi poprotektahan Kita. Babarilin ko Silang lahat, Parang ganito"

Agad namang umakting Ang lalaki na Parang bumabaril. Grade 1 lamang Ang batang babae na yun at grade 5 Naman Ang lalaki. Bagaman malaki Ang agwat ng kanilang dead ay matalik na Silang magkaibigan simula pa lamang ng isilang si Samantha. Tila tumayo na bilang kuya nito Ang batang nagngangalang JK.

Napangiwi Naman si Sam sa nakikitang ginagawa ng kaibigan.

"Tumigil ka nga kuya, Ang pangit mo" natatawang banggit nya tyaka Sya naupo sa damuhan at napasandal sa puno.

Sumunod Naman sa kanya Ang batang lalaki at umupo din sa tabi nito tyaka din sumandal sa puno. Pareho Silang nakatingin sa mga estudyanteng naglalaro sa malawak na field sa kanilang paaralan.

"Sammy, anong pangarap mo paglaki mo?" Biglang tanong ng bata tyaka napatingin sa katabi. Nag isip Ang batang babae tyaka tumayo at humarap sa kanya at nagpamewang.

"Gusto Kong maging Flight Attendant. Tapos pupunta ako ng Disney Land tapos makikita ko doon sila Princess Aurora, si Jasmine tyaka si Mini Mouse"

"Baka hindi ka tanggapin" natatawang banggit ng lalaki. Napakunot Naman Ang noo ng babae.

"Bakit Naman?" Tila niinis ito.

"Ang taba taba mo kaya, baka sumirok Yung eroplano"

Sinugod ng hampas ni Sam Ang batang lalaki na patuloy pa din sa pagtawa at pilit na sinasangga Ang braso sa bawat hampas sa kanya ng bata.

"Ambad mo Kuya. Isusumbong Kita Kay Daddy" Sabi ni Samsam habang umiiyak at litaw na litaw Ang mga bungi nitong ngipin dahil sa madalas na pagkain ng kendi.

"Edi isumbong mo samahan pa Kita"
"Tse"

Nagpunas ng luha Ang bata gamit Ang madumi nyang uniform.

"Teka si Mommy yun ah. Bahala ka dyan isusumbong Kita Kay mommy bleh" tumakbo Ang batang babae papalapit sa kanyang ina na nasa medyo malayo at pinanood lamang Sya ni JK na nakaupo pa din sa damo.

Saktong pagyakap ng batang babae sa ina ay nagulat ito sa biglang pagbuhat nya dito at umalingawngaw Ang sunod sunod na putok ng baril Mula sa pinggalingan nya.

Sa pagtalikod ng ina ay nakita ni Sam Ang mga batang nagkakagulo at Mula sa puno ay nakita nya Kung paano paputukan ng mga armadong mga Lalaki Ang kanyang ama na nakayakap sa kuya JK nya..

"DADDY!" sigaw ng bata habang patuloy sa pag iyak.

❀❀❀❀❀❀
𝚆𝚑𝚊𝚝'𝚜 𝚞𝚙 𝚐𝚞𝚢𝚜, 𝚌𝚑𝚒𝚌𝚊𝚌𝚘𝚗𝚜𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚘 𝚒𝚜 𝚋𝚊𝚌𝚔 𝚠𝚒𝚝𝚑 𝚊 𝚗𝚎𝚠 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢. 𝙸 𝚑𝚘𝚙𝚎 𝚜𝚞𝚙𝚘𝚛𝚝𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚗𝚢𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚐𝚘𝚗𝚐 𝚔𝚠𝚎𝚗𝚝𝚘 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚊𝚗𝚍 𝚙𝚕𝚎𝚊𝚜𝚎 𝚟𝚘𝚝𝚎 𝚊𝚗𝚍 𝚜𝚎𝚗𝚍 𝚢𝚘𝚞𝚛 𝚏𝚎𝚎𝚍𝚋𝚊𝚌𝚔𝚜 𝚝𝚘 𝚖𝚎. 𝙻𝚘𝚟𝚎 𝚢'𝚊𝚕𝚕

Bullets Upon The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon