Day 1 part 4

213 5 4
                                    

Dahil mag-update na daw ako kaya eto na ang update lol.

Day 1 part 4

Nakwento ko na ba kung bakit autumn ang name ko?

Sabi ng lola ko yung mommy ko daw gustong bumalik sa korea habang pinagbubuntis ako. Pero hindi siya pinayagan na mag-byahe dahil ka-buwanan na niya nun. So ang nangyari nakakulong lang si mama sa bahay.

Ang lungkot no? Kaya siguro lumaki akong bitter kasi hindi manlang nangiti si mommy.

That same day nanganak siya at pinangalanan nga niya akong fall este autumn kasi nga yun yung season dito sa korea that time.

At bakit ba ako nagkekwento about sa pangalan ko?

Kasi nilalamig na ako! Brrrr sino bang may sabi sakin na magsuot ako ng maikling damit? At bakit hindi dito effective ang pagiging batang aircon ko. Feeling ko maya maya lang magyeyelo na ako sa lamig ng hangin. Andito pa naman ako sa gilid ng kalsada sa tapat ng hotel na nagpalayas sakin.

Bakit ba hindi nalang maging mabait ang mga nasa itaas sakin to spare me from this kind of humiliation.

"Get in" haynaku nakita ko nanaman siya ang koreanong mahilig magtaas ng kilay. Di ba kasasabi ko lang na i-spare na ako sa kahihiyan dahil sobra sobra na.

"Nado Shiro!" Sigaw ko sa kanya na ibig sabihin ay ayoko. Haha nabasa ko lang yan sa isang korean-english book dahil nacurious ako at sa lahat ba naman ng words na matatandaan ko, yan pa! Pero promise nacurious lang talaga ako.

"Tss, stuborn, if you don't get in I'll count one to three and left you here freezing to death" bakit ba kasi parapos na ang autumn at malapit ng magwinter? Bakit ba kasi hindi nalang ako summer pumunta dito o di hindi sana ako namomroblema ngayon.

"One" aba seryoso pala talaga siya na magbibilang siya. Pwed manigas siya sa kakabilang dyan.

(Sabay daan ng malakas na hangin na sobrang lamig)

Shit ka author bakit mo ko pinahihirapan ng ganito? Kanina ka pa ha!

"Two" aish ang pride mo autumn tandaan never nalalagas ang pride.

"Thr-"

"Fine! I'll come with you na! But dont you dare do unnecessary things kundi puputulan kita" banta ko sa kanya na hindi ko sure kung naintindihan ba niya or what.

"I change my mind you have to pay me this time"

"And my payment is?" Tinaasan ko siya ng kilay hindi ko akalain na ang lalaking ito na mukhang rich kid ay nanghihinginng bayad. For pete's sake hindi ba pwedeng livre ulit?

"Your shoes" he said

Here we go again.

"And if I don't want?" Tanong ko tapos pumasok sa sasaktan at inistart na niya yung engine at handa ng umalis.

"Here here! You can have it all! Just dont leave me here" Mabilis ko naman siyang pinigilan at isinurrender and pinakamamahal kong limited edition kong shoes. So sa ngayon nakapaa na ako.

I'm a shoeless pretty girl for heaven's sake!

--------------------------------------

May authors block ako huhu comment guys

Five Days With This StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon