Day 1 part 2

316 11 2
                                    

salamat sa pagvote ng halos lahat ng parts nitong book...salamat talaga

Day 1 part 2

Pagkapasok ko sa loob ng eroplano ay badtrip ako agad. Pano ba naman halos kalahati ng passengers ay koreano at mga koreanang hilaw. Gosh I can't breath here.

Sinamaan ko lahat ng tingin. Kaya siguro walang lapastangan ang nagkakamaling umupo sa tabi ko.
Pero hindi naman pwedeng wala akong katabi maliban na lang kung may nag-backout na at umuwi. Sinuot ko uli ang shades ko dahil ready na akong matulog ng may tumabi sa akin.

Ang amoy niya agad ang napansin ko. Hindi na ako nakatiis at tiningnan ang katabi ko at nanlaki ang mata ko.

Nakatingin siya sa harap ng diretso. Nung napansin niyang nakatitig ako sa kanya tinaasan lang ako ng kilay. Aba! Hindi pwedeng may nagtataray sa akin. Ako lang ang pwedeng mataray! Wala ng iba! Kaya tinaasan ko din siya ng kilay. Ganun lang kami hanggang sa sinita kami ng flight attendant at isuot daw ang earplugs at seatbelt dahil lilipad na ang eroplano.

Hindi ako mapakali sa upuan ko. Kating kati akong itulak ang katabi ko.

Siya ang lapastangang umapak sa papel ko! And worst koreano siya! Ilang beses ko na bang sinabi na korean siya? Anyway sinalpak ko lang ang earphone sa tenga ko at natulog. After one hour naglanding na ang plane. Nag-inat inat pa ako habang sinasadyang tamaan siya ng kamay ko.

"Will you stop that!" He hissed under his breath. Pakeelam ko ba sa kanya at tinamaam ko uli siya ng kamay ko na kunwaring nag-iinat. Dahil ayaw niyang tumayo ako na ang unang umalis. Basta ayaw ko siyang makatabi, at makadikit.

Pero dahil masikip ang daan at ako ang malas na umupo sa side ng bintana. Hindi ako makaalis dahil sa haba ng legs niya! Fuck that genes! Kanino ba niya namana ang sobrang katangkaran o sadyang maliit lang talaga ang plane kapag siya ang nakasakay?

"Will you move your legs?" Mukha naman siyang nagtaka sa sinabi ko kaya napakunot ang noo niya.

"My eggs?" Nanlalaking mata na sabi niya. Okay gwapo ka eh pero bingi!

"I said move your legs!" Nagbababaan na ang ibang passengers pero siya prenteng nakaupo pa rin.

"Oh" yun na lang ang naisagot niya saka ngumisi. How I hate how those lips curve from thin line into a grinning smile. I hate it! damn it!

Five Days With This StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon