'I would be complex
I would be cool
They'd say I played the field before I found someone to commit to
And that would be ok
For me to do~'
*vibrates*"Hmmm!" Ungol ni Aila ng maalimpungatan sa alarm ng kanyang cellphone.
'Every conquest I had made would make me more of a boss to you
I'd be a fearless leader
I'd be an alpha type~'Naka pikit pa ang kanyang mga mata habang kinakapa ang cellphone na naka patong sa plastic na upuan sa tabi ng single bed na kanyang hinihigaan.
*vibrates*
'When everyone believes ya
What's that lik--Pagkatapos idismiss ang alarm ng cellphone ay agad siyang bumangon at nag unat ng mga kamay.
"Good morning papa God! Thank you for waking me up!"
Naka ngiti nyang sabi na para bang nasa kanyang harapan ang binati.
Agad naman siyang tumayo at dumiretso sa kusina upang mag init ng tubig pang kape. Matapos maghilamos ng mukha ay kumuha siya ng pandesal sa lamesa at pinalamanan iyon ng keso.
"Good morning nanay Vivian!"
Bati ng dalaga sa kaniyang ina na kakalabas lamang ng kwarto.
"Oh ang aga mo naman nak? Hindi ba't alas otso pa ang klase mo? Ano't nag aalmusal ka na eh alas singko palang ng umaga?"
Nagtataka nitong tanong sa kanya na halos hindi pa maimulat ang mata.
"Eh kashi po nyay may preshen--"
Hindi naituloy ni Aila ang sinasabi ng mag salita ng kanyan ina."Hindi ba sinabi ko nang huwag magsasalita kapag puno ang bibig? Tsaka umayos ka ng upo! Hindi ka na bata Aila, disi otso ka na"
May inis sa tono ng ina."Sorry po nay. ."
Nagpatuloy ito sa pag nguya at inayos ang kanyang pagkakaupo. Nakataas kasi ang kanyang kaliwang paa halos umabot na ang tuhod sa kanyang baba at ang kanang paa naman ay naka patong sa isa pang upuan sa ilalim ng mesa.
"Sandali lang, naiihi ako"
Ani ng kanyang ina at dire-diretsong pumasok sa banyo.Pinatay ng dalaga ang apoy sa kalan ng sumipol ang takure at agad isinalin sa termos ang kumukulong tubig. Nakita niyang lumabas na ng banyo ang kanyang ina.
"Nay, May presentation po kasi kami mamaya. Eh first subject namin yun tapos ako pa yung leader. Eh gusto ko naman po siguraduhin na maayos ang pagka present namin kaya ayun tinext ko yung mga ka group ko na pumasok ng maaga buti nalang mababait sila kaya naka close ko agad. Grabe naman kasi dun sa bago kong school Nay isang linggo pa lang mula ng mag start ang klase namin eh may pa presentation agad. Hindi ko pa nga nalilibot yung campus!"
Humihingal siyang tumigil sa pag sasalita.
Natatawa naman siyang tinignan ng ina."Hinay-hinay lang nak, para ka namang rapper niyan"
"Hehe, sorry naman Nay. ."
Naka ngiting aniya at nag peace sign pa.* * * * * * * * * * * * * *
"Nay, alis na po ako."
Paalam ng dalaga sa kanyang ina pag katapos niyang mag suot ng sapatos.
"Ay teka lang nak, sabay na tayo pa labas. Tatakipan ko lang itong almusal ng kapatid at lolo mo."
Pag katapos ayusin ang lamesa ay sabay na lumabas ng bahay ang mag ina.