AILA'S POV
"The hell I care. ."
Nakakainis yung pagka sabi niya pero pakiramdam ko nag init ang mukha ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
Ramdam ko ang mainit niyang hininga at amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Nakaharap ako sa white board at sa mga kaklase namin na nag p-present sa unahan, pero ang atensyon ko ay nasa kanya.
Marahan akong lumunok at nakita ko siyang ngumisi. Nakahinga ako ng maluwag ng ilayo niya ang mukha sa akin at umayos siya ng pag-upo.
Maya-maya pa ay natapos ng mag report ang ika-limang grupo.
"Okay, class. All your presentations are good but the group that got the highest score is the group of Ms. Montero."
Nakangiting sabi ni Ms. Garcia.
Hindi ko naman napigiliang ngumiti dahil sa aking narinig."Ms. Kyrie Han, Xandro Roberto Legaspi, Zephyra Trias and Aila Montero. Please stand up."
Agad kaming tumayo ng mga ka groupmates ko at nakangiting nag tinginan, na para bang hindi kami maka paniwala.
"They all got 98% points. Please give them a round of applause." Ani Ms. Garcia
Pinalakpakan naman kami ng mga classmates namin at pagkatapos ay umupo na rin kami.
"tsh" rinig kong ngisi ni Jackson.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at hindi na ako nag salita."Jackson Gardner, I need your presentation on friday together with Rocky Estrada, since papasok na siya bukas." Masama pa rin ang timpla ni Ms. Garcia sa kanya.
"Yea, sure" Walang galang na sagot nito. Napa buntong hininga na lamang si Ms. Garcia
"Class dismiss." at agad itong lumabas.
Physics ang next class namin. Meron kaming 5 minutes C.R. break after every subject.
Nakita kong tumayo si Jackson at lumabas.
"Omg Aila gurl! Ang handsome talaga ni papa Jackson no? You're so lucky to be his seatmate! OMG!"
Kinikilig na sabi ni Xiandro Roberto ng lumapit siya sa akin. Naka ngiti rin namang lumapit si Phyra. Sila yung ka groupmates ko kanina.
"Oo nga Aila! Sana all seatmate ni Jackson! Classmates kami since 7th grade pero never ko siyang naka tabi, lam mo yun? Palagi niyang katabi si Kyrie o kaya naman si Rocky! Ngayon nga lang naiba seatmate niyan, na umay na sigurong tumabi sa kanya yung mga yun! Hahahaha!" Sabi ni Phyra.
"Ay tama ka jan gorl! Nag kasawaan na siguro. Everyday ba naman mag kakasama! Hahahaha. Char!" Tumatawang sabi ni R. Sabi kasi ni Xiandro Roberto kanina ay "R" nalang ang itawag ko sa kanya.
Nag high five sila ni Phyra at nakitawa nalang ako kahit hindi ko ma gets mga pinagsasasabi nila. Haha.
"Uy gurl, sabay ka na sa amin palagi mag lunch ha! Para naman mas masaya, nag sasawa na rin kasi ako kay Phyra!" Pabirong sabi ni R ngunit seryoso ang mukha at hinapas ito ni Phyra sa braso.
"Ouch enebe! Yung makinis kong brasow" hinimas ni R ang braso niya.
"Ang kapal naman ng mukha mo Xiandro Roberto Legaspi Junior! Ako din nag sasawa na sayo!" Napipikon nitong sabi.
"Ito naman. Joke lang gurl!"
Natawa nalang ako habang pinagmamasdan sila. Ang saya lang nila kasama haha.