CHAPTER 3

10 1 0
                                    

AILA'S POV

"Bye Phyra"' sabay naming paalam ni R kay Phyra ng makalabas kami ng school.

"Bye guys! Hoy Aila samin ka na palagi sumabay ha!" anang Phyra

"Sige." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Sa wakas! Tara Aila gala tayo!" Baling ni R sa akin ng makaalis na si Phyra.

"Hindi--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ng muli siyang magsalita.

"Hay nako alam mo bang kating-kati na akong gumala with Phyra ang kaso yang lola mo palagi nalang nagmamadali umuwi hays. Bising busy te! Mabuti nalang nandito ka na gurl! Jusko utang-uta na ako gumala mag isa ang boring kaya you know? Ano tara? Sabay ka na sakin sa car." Tumalon-talon pa sya at pumalak pak.

"Ano kasi R. . Hindi ako pwede e, may schedule ako tuwing ganitong oras." Nahihiya kong sabi sa kanya at ngumiti.

"Whaaat?! My ghad ha! Ano namang pinagkaka abalahan mo sa buhay? Nakakaloka kayo ha" dis appointed ngunit maarte niyang sabi.

"Ano kasi e, rumaraket ako. Alam mo na pang dagdag sa allowance hehe"

"Allowance? Akala ko ba scholar ka ng amo ng mommy mo? Jusko naman hindi niya pa nilubos-lubos ang pagtulong ha. Kung gusto mo sagot ko na allowance mo, basta sama ka lang lagi sakin pretty pleasee" Anang R at kinurap-kurap ang kanyang mga mata na parang nag papacute.

"Sorry talaga R." Malungkot kong sagot sa kanya. Pero joke lang yung malungkot, siyempre kailangan um-acting para maka takas.

Mga ilang minuto rin bago kami nag hiwalay ni R, sobrang dami nya kasing tanong. Paano ay ayaw kong sabihin kung saan ako pupunta sa huli ay nagsawa siya ng kakatanong niya at pinabayaan na niya akong umalis, malungkot ang kanyang itsura kaya pinangakuan ko siyang sasama nalang ako next time.

"Para po, kuya!"

Pag kababa ko ng jeep ay dumiretso ako sa simbahan pero sumaglit lang ako doon at pumunta sa katabing kanto. .

sa Golden Hearts.

Kumatok ako sa malaki nitong gate at agad naman itong binuksan ng matandang lalaki.

"Magandang hapon ho Mang Thomas!" Nakangiti kong bati sa kanya.

Nakangiti nitong ibinaba ang hawak niyang dustpan at walis tingting pagkatapos ay muling humarap sa akin.

"Magandang hapon iha, ngayon lamang ulit kita nakita ah."

Inabutan ko naman siya ng isang supot na mga puto at kutsinta.
"Nako salamat iha."

"Walang anuman po. Kaya nga po eh, may pasok na po kasi sa school. Hehe"

"Ay ganoon ba? Pero mabuti na iyan Aila, mag aral ka ng mabuti at hindi lahat ng tao e nabibigyan ng tsansang makapasok sa eskwelahan, katulad ko grade 4 lamang ang aking natapos."

"Oo naman po, gagraduate na po ako ng highschool mang Thomas!"
Masaya kong sabi.

"Mabuti naman iha. O siya sige tumuloy ka na sa loob at siguradong matutuwa sila Sister."

Ito ang GOLDEN HEARTS, home care center para sa matatanda. Karamihan sa mga matanda na inaalagaan dito ay iniwan ng ng mga anak nila dahil may sarili ng mga pamilya, ang iba naman mga nakatira lang sa gilid ng kalye at inampon ng mga madre dito at ang iba ay may iba't-ibang kwento sa buhay nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STUCK ON YOUWhere stories live. Discover now