"Huwag mong piliin ang isang bagay o tao na 'pwede na' dahil lang naiinip kang maghintay ng mas maganda."
Nagmamadali ka ba kaya kahit hindi naman karapat-dapat ay pwede na? Kung gagawin natin 'yan eh 'di parang ipinagkait natin sa sarili natin ang mas magandang oportunidad. Paano pala kung pagkatapos mong mag desisyon ay may dumating na mas maganda? Eh' di magsisisi ka kasi nangyari na. Naghintay ka na rin lang, ano ba naman 'yong maghintay ka pa ng tamang pagkakataon na dumating ang tamang para sa'yo. Kung hindi ka lubos na masaya, huwag na lang muna, dahil may pagkakataon pa para maghanap ng iba.
Kinabukasan mo at kasiyahan ang nakasalalay kaya siguraduhin mong tama ang magiging desisyon mo sa buhay. Hindi bale ng maghintay kaysa naman maging miserable ka pagdating ng araw. Tandaan, laging nasa huli ang pagsisisi. Kaya huwag mong piliin' yong pwede na because you deserve something/someone better.
Note: If you have your own ANSABEH quote, you can comment it here and we will try to include it on the next articles of ANSABEH?. Don't forget to click the star button Amazers! 🌟
YOU ARE READING
ANSABEH?
RandomANSABEH? is a collection of informal personal statements and random thoughts about life and love which provide a reader-friendly and worth thinking experience that will inspire and motivate you to make a better decision in life.