Ansabeh 5

33 1 0
                                    

"Huwag ka ng lumingon kung gusto mong mag move on. Just move forward!" 💪

Hindi ganon kadaling mag move on sa isang painful relationship. Pero mas mahirap mag move on kung hindi naman naging kayo. Unang-una, walang label, walang "kayo". Ikaw nasaktan, pero siya hindi niya alam na nasaktan ka. Na-MU ka kasi, Mag-isang Umibig. So, may dahilan ba para mag move on ka?

Hindi naman lahat ng nag move on ay kailangan na nagkaroon ng masakit na relasyon. Pero dahil nagmahal ka at nasaktan, may karapatan kang mag move on. Walang masama kung iiyak ka. Sige lang, humagulhol ka! May mga kaibigan ka naman na pwedeng makinig sa'yo kahit ilang beses na nilang sinabi sa'yo na "Iba na lang kasi." Pero dahil kaibigan mo sila, pwede ka nilang pagtyagaang pakinggan ng paulit-ulit.

Hindi madali, pero ganon talaga. Maaaring nasasaktan ka ngayon pero darating din yong time na makaka-move on ka. Huwag mo ng alalahanin 'yong mga oras na inilaan mo sa kanya. Huwag ng balikan at masasaktan ka lang. Hindi porke masaya ka ay naka move on ka na. Dapat kalimutan na. Just move forward!

And moving on doesn't mean na kailangan mong mag engage into another relationship or maghanap ng panibagong "prospect". Why don't you start by loving yourself? That way hindi mo masasaktan ang sarili mo. Tama na ang pag e-emote. Hindi mo 'yan deserved. Darating din ang tamang tao para sa'yo, sa tamang panahon. ❤️

Note: If you have your own ANSABEH quote, you can comment it here and we will try to include it on the next articles of ANSABEH?. Don't forget to click the star button Amazers! 🌟

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANSABEH? Where stories live. Discover now