Simula

45 5 0
                                    

"Hoy!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko. 

I clenched my fist when I felt something hit my head.

Pakana nanaman siguro ng isa sa mga kaklase ko. Sanay na ako sa ganitong senaryo dahil matagal nang kumakalat sa bayan na may sumpa ako. Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang pagsusulat sa notebook ko. 

We are in the middle of the class but it looks like we aren't. Umaalingaw-ngaw kasi ang kaingayan nila sa buong classroom. Wala rin namang pake ang teacher na nagtuturo sa harap kahit wala namang nakikinig. 

Laging ganito ang kalagayan sa klase. Malapit na kaming grumaduate sa junior high school ngunit daig pa nila ang mga elementary students kung umasta. Kung hindi naman kasi ako nalipat sa last section ay sana mas maayos ang klaseng pinapasukan ko. 

Simula kasi noong kumalat ang usaping may sumpa ako, pati ang mga teacher ay natakot sa'kin. Ginawa nila ang lahat para hindi ako makabilang sa klase nila kahit ako ang consistent top 1 mula pa noon. Sa huli, napunta ako sa last section.

Nang magring ang bell ay agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko at inunahan pang lumabas ang teacher na nagliligpit pa lamang ng mga gamit. Minsan ay gustong-gusto ko na silang sigawan at sabihing nakakabastos ang ginagawa nila ngunit pinipigilan ko lamang ang sarili. Kapag ginawa ko iyon ay baka lalo silang magalit sa akin at idadamay nanaman nila ang nanay kong walang kinalaman sa mga nangyayari.

Ako nalang at ang guro ang tanging naiwan sa classroom. Nakita kong nag-angat ito ng tingin noong mapansin ako. Agad na dumaan sa mata niya ang takot at padabog na nilisan ang silid-aralan. 

I smiled bitterly. Isang taon na rin ang lumipas mula noong naging ganito ang trato nila sa akin. Isang taon na rin akong nagtitiis na mabuhay para kay nanay. Gusto ko kasing makapagtapos para mabigyan siya ng magandang buhay kaya hindi pa ako maaaring mawala sa mundo.

Tumayo na ako at agad na nilisan ang paaralan. Tuwing dadaan ako ay iiwas ng tingin ang mga tao at agad na lalayo kung nasaan ako. Dahil sa araw-araw na ganitong pagtrato ay lagi nalang akong nakayuko tuwing maglalakad sa bayan. I once wished to be blind, so I won't be able to witness their ruthless stares and actions towards me.

Natanaw ko na ang bahay naming may dalawang palapag. Hindi kami mayaman ngunit hindi rin gaanong kapos sa buhay.

Nagulat ako nang makita ko ang nanay kong nagsasampay sa labas. Madalang lang kasi siyang nasa bahay at isa pa, gabi na. Dali-dali akong lumapit at tutulong sana nang bigla na lamang siyang pumasok sa loob. 

Tinapos ko muna ang mga naiwan niyang isasampay bago sumunod.

"Mano po, nay." saad ko at kukuhanin sana ang kamay niya ngunit agad niya itong iniwas.

"Huwag mo kong tawaging nanay dahil wala akong anak na halimaw!" sigaw niya.

I was shocked. It was the first time she blurted out on me, after that incident. Lagi kasing malamig ang pakikitungo niya sa akin mula noong nangyari iyon. Siguro ay naipon na niya ang lahat at ngayon niya ito inilabas sa'kin.

"Nay, huwag naman po kayong ganyan. Malulungkot po si tatay kapag narinig niyang sinabi niyo 'yan." naluluha kong tugon.

"Huwag na huwag mong idadamay ang tatay mo rito dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ko na siya kasama ngayon! Halimaw ka!" 

"Nay..." my voice cracked.

Nanghina ang tuhod ko at napaluhod nalang ako sa harap niya. I can't blame her kasi ako mismo, sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit wala si tatay ngayon dito.

Just because of that night. That night when my father called my name and he...died. 

For some reason, doon nagsimula ang sumpa ko.

Kahit sinong tatawag sa pangalan ko ay mamamatay.

And that's how I was called the girl who must not be named.

The Girl Who Must Not Be NamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon