After the incident that night, hindi na muling bumalik si nanay sa bahay. May trabaho kasi siya ngunit hindi ko alam kung ano. Hindi naman siya ganoon dati nung buhay pa si tatay. Lagi pa siyang maagang umuuwi araw-araw para sa amin ngunit nagbago ang lahat mula nung nawala si tatay.
Nakahiga lang ako sa malambot kong kama at nag-iisip ng kung ano-ano. Limang araw na kasi ang lumipas mula noong gabing nandito pa si nanay. It was the longest time she was gone, after my father's death. Hindi ko tuloy maiwasang magpanic.
Linggo ngayon kaya mas doble ang pag-alala ko dahil alam ko wala namang pasok si nanay tuwing linggo pero hindi pa rin siya umuuwi mula kaninang umaga.
I decided to search for her. Kumilos na ako at nagbihis. Pinatungan ko lang ang suot kong kulay abong v-neck shirt ng isang plain black hoodie. Nagsuot din ako ng sun glasses at face mask, dinala ko na rin ang wallet ko. Bibili na rin kasi ako ng ulam para mamaya kaya kinailangan kong magtago. Hindi kasi nila ako pagbibilhan kapag nakita nila ako dahil nga iniiwasan ako ng lahat.
Agad kong tinago ang buhok ko gamit ang hood bago ako tuluyang lumabas ng bahay. My hair is color black with gray highlights. Ako lang ang tanging may ganitong kulay ng buhok sa bayan kaya pati ito ay kinakailangan kong itago.
Dati ay puro paghanga pa ang naririnig ko tuwing madadaanan ko sila dahil sa natural na kulay ng buhok ko, samantalang ngayon, iba na ang sinisimbulo ng kulay ng buhok ko. It became the symbol for their rage and fear.
I shook off my thoughts as I walk quietly pass our neighborhood. Kakaunti na lamang ang taong nasa labas, malapit na rin kasing dumilim.
Pagkarating ko sa sentro ng bayan, kung saan makakabili ng mga pagkain o bagay, nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa'kin. Takang-taka ako dahil hindi naman dapat ganito katahimik lalo na at linggo ngayon.
Walang katao-tao sa buong lugar kaya nakadagdag lang ito sa pagtataka ko. With nothing left to do, I decided to leave the place.
Habang bigo akong naglalakad pauwi ng bahay, nakarinig ako ng malalakas na tilian galing sa silangan. Out of curiosity, I walked towards the commotion. Doon ay nakita kong nasusunog ang mga bahay at tila dinaanan muna ito ng bagyo bago masunog ang mga ito dahil sobrang kalat ng paligid. Ngunit ang umagaw ng pansin ko ay ang purong asul na apoy. It was honestly alluring. A beautiful catastrophe.
"Ang anak ko! Nasa loob ang anak ko!"
"Jusko, ang mga gamit ko!"
"Si ate! Tulungan niyo si ate!"
Iilan lamang sa narinig kong sigaw nila. For the first time in my life, naawa ako sa mga taong kinasusuklaman ako.
I was about to sacrifice myself and help them when I heard them mentioned me and my mother.
"Baka kagagawan nanaman to ng halimaw na iyon!"
"Oo nga! Dapat talaga sa kanya ay sinusunog nang buhay!"
"Dapat pati ang nanay niya ay sinusunog nang buhay!"
"Mula nung tumira sila rito, nagkandaleche-leche na ang buhay natin!"
Hindi ako masyadong nasaktan sa mga pinagsasabi nilang masama tungkol sa'kin pero nung dinamay nila si nanay ay talagang nandilim ang paningin ko. I clenched my fist, stopping myself from starting something I'll regret. I was more than ready to help them pero ganito ang isusukli nila?
Nang kumalma ako, naglakad na lamang ako pauwi nang hindi na sila muling pinagtutuunan ng pansin. I even thought of helping but they...
For the first time, I abandoned humanity for the people who already abandoned it, a year ago.
Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si nanay na papasok pa lamang ng gate. Agad akong tumakbo pasunod sa kanya. She ignored me when she noticed me.
Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil masaya akong nakauwi na siyang muli. Umakyat siya para siguro pumunta sa kuwarto niya, kaya nanatili na lamang ako sa baba. Agad kong tinanggal ang hoodie, sunglasses, at mask ko bago ako sumalampak sa sofa.
Ilang minuto pa lamang ang lumilipas nang bigla akong makarinig ng tili mula sa itaas. Agad akong tumakbo papunta roon. Naabutan ko si nanay na takot na takot na nakaupo sa labas ng kanyang kuwarto.
"Ano'ng nangyayari nay?" agad kong tanong bago ko pa siya malapitan.
I rushed towards her as I look inside her room. Nagulat ako sa nakita. May mga itim na parang anino na gumugulo sa kuwarto niya. Nagsisimula na ring masunog ang bintana ng kuwarto. Mas nakakagulat pa dahil purong asul ang kulay ng apoy. It was the same flame I saw on the east.
"S-sino kayo? Ano'ng ginagawa niyo rito?" It was a dumb idea to ask them, but I was horrified when they answered back.
"Nahanap ka na rin namin sa wakas."
Hinahanap nila ako? Bakit? Hindi ko nga alam kung anong klaseng nilalang sila at kung totoo ba itong nakikita ko o ilusyon lamang.
Nangangatog ang tuhod ko nang sinubukan kong tumayo habang inaalalayan si nanay. Nilakasan ko ang loob ko at agad na sinubukang tumakas palabas.
Pagkababa namin, sumalubong ang napakarami pang mga anino.
"Sumama ka na sa amin."
"Ikaw ang kailangan namin."
"Pagharian natin ang mundo."
Nag-eecho ang pinagsasabi nila sa tenga ko habang paikot-ikot sila sa amin ni nanay. Natatakot na ako ngunit sinusubukan ko na lamang na maging matatag para kay nanay.
I was about to run towards the door when someone from the outside kicked it.
"Sorry, we're late." sabi ng isang lalaki at sa likod niya ay may isa namang babae.
Huh? Sino sila?
BINABASA MO ANG
The Girl Who Must Not Be Named
FantasyA name carries emotions, be it pride or disgust. But what if it goes beyond that? While a name may stir varied feelings, have you heard of her? Have you ever spoken her name? Well, you shouldn't, for she's the girl who must not be named.