Kabanata II

41 5 0
                                    

"S-sino kayo?" kinakabahang tanong ko. Bakit ang daming kakaibang nilalang na nagpupunta rito?

Hindi naman sila sumagot at bigla silang naglabas ng armas? Niyakap ko nang mahigpit si nanay dahil baka kami pala ang balak nilang patayin kaya sila nandito. Naipikit ko na rin ang mata sa takot. Kahit naman hindi halata, takot pa rin ako kahit papaano sa kamatayan lalo na at kasama ko pa si nanay.

Ilang minuto na ang lumipas at wala pa rin akong nararamdamang kakaiba.

"Open your eyes." rinig kong sabi ng lalaki.

Even though I was full of doubt, I slowly opened my eyes. Wala na ang mga anino kanina! Agad ko ring tinignan ang nanay ko na yakap-yakap ko at nakita kong wala na siyang malay.

"Ano'ng ginawa niyo sa kanya?" galit na tanong ko.

"Don't worry, we didn't do anything. She passed out on her own." tugon ng lalaki.

"And you expect me to believe you?" madiin kong tanong. I can't help but to doubt them! Hindi ko alam ang tunay nilang pakay at kung bakit bigla na lang silang pumasok dito.

"Wala kaming pake kung ayaw mong maniwala. Paniwalaan mo kung ano'ng gusto mo." saad naman ng babae.

Nakita kong binatukan siya ng lalaki. "Pagpasensiyahan mo na siya, pasmado lang talaga bibig niyan." natatawang saad niya.

"Ano'ng kailangan niyo? Ba't kayo nandito?" matapang kong tanong kahit nangangatog pa rin ang tuhod ko pagkatayo.

"You. We need you to join us." seryosong saad ng lalaki. Nasa tabi niya lang ang babae at nakahalukipkip.

"Bakit? Sino ba kayo?" kinakabahang tanong ko. Saan naman ako sasali?

"Andami mong tanong, wala na kaming oras para riyan." saad ng babae at bigla nalang naglabas ng kung ano.

Huli na bago ko mapagtantong sleeping gas pala ito.

That was the last thing I remembered before everything went black.

***

"Hindi mo naman kinailangang gawin iyon."

"But she was garrulous."

"Masyado lang talagang maiksi ang pasensya mo."

"Nah, she was just really annoying."

Nagising ako dahil sa narinig kong mga boses na tila nag-aaway. Hindi ko muna idinilat ang mata ko at inalala muna ang lahat.

Agad akong napaupo nang maalala ang mga nangyari. I saw how I caught the attention of the three people standing in front of me. Yung dalawang nagpunta ng bahay at may isa pa silang lalaking kasama.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Puti na may halong abo ang theme ng kuwartong kinaroroonan ko. Ang kamang kaninang kinahihigaan ko ay puti at abo rin ang kulay.

I glared at them nang hindi ko makita si nanay kahit saan.

"Asan si nanay? Ano'ng ginawa niyo sa kanya? Asan ako?" sunod-sunod kong tanong.

"Chill." maikling komento ng lalaking nagpunta sa bahay.

Inirapan ko siya nang nakita kong napatingin siya sa'kin. How can I chill? They literally brought me here without my consent.

"Your mother is at the infirmary, I believe she's still unconscious. And you're at Hexlight's office." the unfamiliar man said.

The Girl Who Must Not Be NamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon