20/20 Vision

2 0 0
                                    

Malabo na naman ang salamin ko. Di dahil tumaas ang grado kundi dahil sa walang tigil na pagluha ng mga mata ko.

Paano ko kaya sasabihing wala na kong trabaho? Na magiging palamunin na naman ako ng pamilya ko. Paano ko kaya pagkakasyahin ang savings ko? Sasapat kaya 'to hanggang makahanap ulit ako ng trabaho? Ayos lang kaya na tumulong muna ako sa bukid? Ahhh!! Ang dami kong tanong. Alas 12 na. Panata ko na. Itutulog ko na muna. Nagbabakasakaling bukas may sagot na.

Hindi ako bayani pero ganito pala ang tinatawag na death march. Sa wakas nakarating din sa bahay. Sa munting nayon. At dito, susubukan kong bumangon.

Natapos ang 14 na araw, nagising ako sa bangayan ni tatay at nanay. Hindi alam kung paano gamitin ang laptop na ikakabit sa tv at i-download ang mga awit, teksto at video. Ganito daw muna kami sasamba. Tinulungan ko sila at sapat na ang mga ngiti nila para sabihing proud sila sa anak nilang IT graduate.

Lumipas ang mga araw at hindi ko inakalang marami akong magagawa. Proyekto sa bahay, pagbaba-bike patungong kapilya upang maglinis, maghatid ng tagubilin at handog, mamalengke, magtanim sa bukid, mag repair ng sirang computer at magbenta ng computer items at nung natapos ang lockdown, nakasama sa Technical Team ng lokal. Di nagtagal nagtayo na ko ng computer repair shop and supplies. Hindi ko man inaasahan pero mas nagkaroon ng layunin ang buhay ko.

Patuloy ang panata. Ito pala ang nagagawa ng paglalagak ng pag-asa sa Ama. Na ang inakalang kong problema ay isa palang biyaya/pagpapala.
Na ang taong 2020 ay nagturo sa akin kung ano ba talaga ang mas mahalaga.
Ang sarili, pamilya at Iglesia. Ipinakita nito na kaya kong maging masaya sa kung anu ang meron sa atin, na pwede nating palaguin. Ngayon, mas luminaw na ang aking paningin. Taong 2020 ergo 20/20 vision.

Sa Paghahanap Ng Mga Maiilap Na SalitaWhere stories live. Discover now