"Good morning people!" Napabaliktad ako sa paghiga ng marinig ko ang boses ni Mayve. Sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko ang pinakawalan nito dahilan para mainis ako.
"Ang ingay mo!" sigaw ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si si Mayve na nakangiti habang ang ang kaliwa niyang kamay nasa kanyang tenga hawak ang cellphone, ang Isa naman ay nakahawak sa doorknob.
"Gising na bebe niyo." Sabi nito sabay tawa ng malakas bago tuluyang lisanin ang aking kwarto.
Base sa tono ng pananalita nito at sa ekspresyon ng kanyang mukha ay kausap nito ang aming mga kaibigan. Kadalasan ay masungit at pala-away siya pero pagdating saming mga kaibigan niya para siyang sinapian ng sampung angel.
Dahil sa ingay niya ay nawala na ang antok ko kaya tuluyan na akong lumabas sa aking kwarto at dumiretso sa kusina. "Ako nagluto niyan," proud na sabi ni Mayve. Wala akong imik na kumain habang kausap niya parin ang mga kaibigan namin.
Omelet, fried rice at macaroni soup ang niluto niya. Sa pagkakaalala ko ay hindi niya hilig ang pagluluto, siguro naman natutunan niya nang magluto matapos ko siyang sermuman noong isang araw.
Binuksan ko agad ang cellphone ko at tsaka sumama sa group call nila Mayve. Nakita ko agad ang mag mukha ng kaibigan ko. Si Natasha ay nag aayos ng mga gamit sa kanyang bag, si Carmia naman ay nagbabasa, si Psyline ay nagluluto, samantalang si Aicel nakahiga sa kanyang kama. Madilim sa kwarto nito at tanging brightness lamang sa kanyang cellphone ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
"Baka gusto mong buksan ang ilaw, Aicel?" pag kuha ko sa atensyon niya at rinig ko sa ka ilang linya ang pagreklamo nito. "Babae! Kung gabi diyan wag ka na makipag chismisan dito!"
"Ang aga-aga galit ka. Tsaka hindi pa ako inaantok," nanliit ang mga mata ko sa kanya bago siya ngumiti at tuluyang umalis sa group call namin.
"Ikaw Carmia?" pag tawag ko rin sa atensyon nito. Agad niyang ibinaba ang librong hawak niya at tsaka tumingin ng diretso sa kamera. Halatang nagtataka ito sa bigla kong pagtawag sa kanya. "Hindi ka pa matutulog?" tanong ko at bigla na lang siyang umalis.
"Tinakot mo na naman yung dalawa." napailing naman si Mayve habang sina Psyline at Natasha ay tumatawa .
Simula nang mag-aral sila Carmia at Aicel sa ibang bansa, naging strikto ako sa kanila. Mabuti na rin 'yon dahil wala kami sa tabi nila para alagaan silang dalawa.
Nagsimula na akong kumain habang si Mayve naman ay abala sa pagkausap sa dalawa pa naming kaibigan. Simula nang mag college kami ay nagkahiwa-hiwalay na kaming magkakaibigan. Dalawa sa amin ang nag aral sa ibang bansa at ang iba naman ay nandito sa Manila. Kami lang ni Mayve Ang nandito sa Manila, Ang iba ay nasa Bicol. Doon sila nag aral dahil sa 'di rin kami sanay sa buhay siyudad isa pa mas maganda rin naman doon ang school system.
Kami ni Mayve ang nasa Manila. Sa Isang unit lang kami ng apartment nakatira, pareho lang naman kaming nasa Manila kaya sinamantala na namin. Ako sa UST at si Mayve naman ay sa PhilSCA Flying School. Mataas ang passing rate doon ng aeronautical engineering .
"Kaya mo 'yan, Azi. Kayang-kaya mo yan!" halos mabilaukan ako nang biglang mag salita si Natasha na para bang isang cheerleader. Agad akong uminom ng tabig dahil halos masamid ako sa biglaang pag salita nito.
Nag f-fly, fly pa utak ko tapos bigla-bigla niya na lang kukunin atensyon ko. Napaka demonyo talaga niya. Rinig ko naman ang pagtawanan nila, lalo na si Mayve na nangingibabaw ang tawa sa bawat sulok ng bahay.
"Tumigil nga kayo! Tahiin ko bibig niyo eh." pagbabanta ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin. "Mga siraulo!"
"Kaya mo yan," pangiinis pa nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/258350875-288-k367642.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing Piece (Amigos Series #1)
RomanceHuman life is just like a jigsaw puzzle. You must look and collect all the pieces to build the puzzle. If you build the puzzle with no missing piece your life is complete. But if the puzzle isn't complete you must keep looking for the missing piece...