Chapter 3: Toblerone

3 0 0
                                    

Hindi ako mapakali at patuloy parin sa pag hahalungkat sa mga gamit ko. May isang bagay ako na hinding hindi pwedeng mawala at iyon ang plan roof na pinag hirapan ko.

"MAYVE!" Sigaw ko habang hinahalungkat ang mga plates na ginawa ko na nakalagay sa folder.

Kanina pa ako 'di mapakali, Hindi ko mahanap yung plates na pinaghirapan kong matapos. Halos pinagpuyatan ko 'yon ng tatlong araw tapos mawawala lang?

Aba putangina!

"Ano ba at ba't ka sumisigaw?!" Tanong nito mula sa banyo. Kahit nasa labas ng kwarto ang bany ay rinig na rinig ko parin ang boses niya.

Buti na lang talaga at may built-in microphone siya kung hindi kanina ko pa siya hindi narinig.

"Nakita mo yung plates ko?" Natataranta g tanong ko, patuloy parin ako sa paghahanap sa bawat sulok ng kwarto.

"Huh?!"

"Yung plates!"

"Pinggan?!" Napa facepalm ako dahil sa tanong nito.

Humugot ako ng malalim na hininga, "p*tangina." Pabulong na sabi ko.

Kailangan ko kumalma, alam kong kahit anong oras ay sasabog ako.

"PLATES! HINDI PINGGAN! YUNG MISMONG PLATES SA ARCHI!" Naiinis na sigaw ko pabalik.

Hindi ko alam kung naririnig niya pa ba ako or hindi dahil wala akong narinig na kahit na anong tugon mula sa kanya. Hindi ko na siya ulit inistorbo at patuloy lang ako sa paghahanap. Sinubukan kong hanapin sa mga cabinet ng kwarto, sa ilalim ng kama, sa kusina at sala, wala talaga.

Saan ko ba 'yon nalagay?

Umupo ako saglit sa kama at nagisip sa kung saan ko ba nailagay ang plates na ginawa ko, kailangan ko rin pakalmahin sarili ko. Ilang minuto ang lumipas at kumalma na ako tsaka ulit nagpatuloy sa pag hahanap sa kwarto.
Hapon ko ito ipapasa, ngayong araw. Hindi pwedeng bukas at baka hindi na ito tanggapin ng prof namin.

Ayoko ng tres.

"Azi," isang malalim na tono ng boses ang narinig ko dahilan para mapatalon ako sa gulat. "S-sorry." Nagpipigil ng tawa na sa sabi sa'kin ni Mayve.

nakahawak lang ako sa dibdib ko, pinapakiramdaman ang puso kong kanina pa nakikipag karera.

"Sorry? Halos patayin mo 'ko sa gulat." Pinagmulatan ko siya ng mata.

"Patay agad? 'Di ba pwedeng ospital muna?" Sinamaan ko ito ng tingin. "Tulungan na kita."
Kinuha niya ang trashbin na nasa ilalim ng study table ko at inisa isang buksan ang mga gusot-gusot na papel.

Isa-isa niyang binuksan ang mga crumpled paper na nasa trashbin. Halos bagsakan ako ng langit matapos Kong Makita Ang Isang plates. 'yon Yung ginawa ko kagabi. Yung pinaghirapan kong tapusin.

"Ayan nahanap na natin." Naluluha akong tinignan siya matapos sabihin ang mga salitang iyon.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapaiyak. Pagod na ako, masakit na kamay ko, kulang pa ako sa tulog, Hindi ko na kayang Gawin pa'to. Ano na bang gagawin ko? Baka, baka bumagsak ako.

"Wag ka umiyak oy." pagsusubok nya na patahanin ako kaso wala na eh. Tumutulo na kasi ang luha ko, isipin ko pa lang na ma ttres ako sa subject ko parang gumuguho na mundo ko. "Try kita tulungan since wala naman akong schedule ng pasok ngayong umaga, madali lang yang plan roof since may guide na tayo. Papasok naman ako sa afternoon class." Sabi ni Mayve.

Missing Piece (Amigos Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon