Napatakip agad ako Ng akong Tenga Ng marinig ko ang malakas na tili ni Mayve. Napatingin ako sa direksyon nito, tinatakpan niya ng kanyang kanang kamay ang kanyang bibig, na para bang pinapatahimik niya ang kanyang sarili. Pagkatapos nitong makita ang kabuuan ng painting ay tinuon niya ang kanyang pansin sa'kin.
"Ba't walang mukha?" Nagtatakang tanong nito sa akin, "Ay! Meron pala pero bakit ilong at labi lang ang kita??"
Tumingin ako sa canvas na nasa harapan ko. Isa itong lalaki, nakangiti, at ang kanyang mga mata ay natatakpan ng isang flower crown. Ito yung lalaking napanaginipan ko kagabi.
Sa pagkaka alala ko ay lumapit siya sa akin at may inabot na isang paper bag. Sa tingin ko ay regalo ito para sa akin. Tanging ngiti at ilong niya lang ang nalala ko.
"Patay na ba siya?" Tanong ni Mayve, huminga ako ng malalim upang hindi ko siya masabihan ng kung ano. Ang daming tanong eh.
"Oo! Kelan ka ba nakakita ng painting na humihinga?" Pamimilosopong tanong ko sa kanya at itong tanga ay napa isip naman.
"Wala pa akong nakikita." Nang aasar na nginitian niya ako bago tuluyang lisanin ang aking kwarto.
Pumunta lang naman siya rito para gambalain ako. Napatitig akong muli sa canvas na pininta ko. Hindi ko ito kilala pero pag dating sa panaginio ko ay para bang matagal ko na itong kakilala at nakasama noon.
Inayos ko ang mga painting materials na ginamit ko sa lalagyan bago ito tuluyang ibinalik sa may cabinet. Ang canvas naman ay hinayaan ko munang matuyo ng ilang minuto bago ko inilagay sa gilid ng aking kama.
Nilibot ko paningin ko sa aking kwarto, sobrang daming canvas na nagkalat sa bawat gilid ng aking kwarto. May mga newspaper na nakulayan na ng acrylic paints, pati sa wall ng kwarto ko ay may mga pintura na rin, sa sahig ay mga nagkalat na lalagyan ng paints, at higit sa lahat ipis na nasa kisame.
"MAYVE!" Tanging sigaw na lang ang nagawa ko ng magsimula itong gumapang pababa. "Mayve! Yung ipis!" Sigaw ko at agad akong napatakbo palabas ng kwarto. 'Di ko na naisipan pang isara ang pinto dahil sa takot.
Nadatnan ko itong naghuhugas habang nakasalpak sa magkabilang tenga ang earphone. Sumasayaw ito at nag ha-hum. Agad na napaupo ako sa sahig at niyakap ang aking mga tuhod ng maalala ko yung ipis na nasa loob ng kwarto ko. 'Di ko na mapigalang umiyak kapag naaalala 'yon.
Inalis ko ang suot kong tsinelas at tsaka iyon hinagis sa direksyon ni Mayve, "Mayve!" Napa aray ito dahil tumama ang tsinelas sa kanyang batok. Dali-dali niyang inalis ang earphones at nagtatakang tinignan ako.
"Bakit ka umiiyak?" Lumapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo.
"'Yong ipis sa kwarto ko. Nasa kisame. May ipis. IPIS." Patuloy na tumutulo ang luha ko habang sinasabi iyon sa kanya.
Tumingin siya sa aking kwarto na bukas pa ang pinto habang nakahawak sa magkabila kong balikat ang kanyang mga kamay, bigla itong napakagat ng kanyang labi. Para bang pinipigilan niya ang kanyang pagtawa.
Bumitaw siya sa pagkakawak sa balikat ko bago kumuha ng walis at dumiretso sa aking kwarto. "Sana hindi pa siya lumilipad." Sinarado niya ang pinto ang pinto at naiwan akong mag isa sa kusina.
Makalipas ang halos dalawanh oras ay lumabas na ito sa aking kwarto.
May bitbit siyang supot ng plastic at walis sa kanyang kanang kamay habang ginamit niya naman ang kaliwa sa pagsara ng pintuan.
"Wala na 'yong ipis sa kwarto mo." Nakangiti niyang sabi sa akin bago tuluyang inilagay sa basuran ang bitbit niyang plastic. "Nilinis ko na rin kwarto mo para 'di na pamugaran ng ipis. Isa pa, Mas mabuti sigurong ibenta natin Ang mga paintings mo. Para naman mabawasan yang nga tambak diyan sa kwarto mo." Suwestiyon nito. Masyado na akong maraming na ipinta, mas mabuti rin siguro na ibenta na lang ang mga iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/258350875-288-k367642.jpg)
BINABASA MO ANG
Missing Piece (Amigos Series #1)
RomansaHuman life is just like a jigsaw puzzle. You must look and collect all the pieces to build the puzzle. If you build the puzzle with no missing piece your life is complete. But if the puzzle isn't complete you must keep looking for the missing piece...