KABANATA 1

213 23 6
                                    


BELLA'S POV:

“Dave!” tawag ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa resthouse nila. Birthday ni Tito Luke —his Dad. Inimbitahan si Mama‘t Papa, at syempre ako.

Tumingin ulit ako sa direksiyon kung na ‘san si Dave. At aba, hindi niya talaga narinig ang tawag ko?

Lumabas ako ng Sala, nandoon siya sa may dagat habang naka upo sa buhangin.

“Dave!” I shouted.

Nakakahiya, tiningan tuloy ako ng ibang nga bisita. Kainis naman kasi ‘tong si Dave, napaka bingi talaga kahit kailan.

Nag lakad ako papunta sa kaniya at ngunit hindi ko nakikita  kung ano ang ginagawa niya.

“The most bingi award goes to—Dave Gonzales.” sambit ko dahilan kung bakit siya nagulat.

Agad niyang tinago ang bagay na hawak hawak niya. Ano naman kaya ‘yon?

“Hoy, Bella! Anong bingi?” he asked me.

I flipped my hair and rolled my eyes.

“‘Wag mo nga akong tatarayan d‘yan, para kang kangkong na binilad sa araw.” pang aasar.

Aba't!

Sinamaan ko siya ng tingin dahilan kung bakit siya napatayo.

“Joke lang! Halika ka nga dito,”

Hindi parin ako kumikibo. Masakit kaya, bakit ba kasi kangkong ang tinawag niya sa akin? At isa pa, kangkong na binilad sa araw pa talaga? Ano ako? Losyang?

“Tita Beatrice si Bella po—” hindi niya na natapos pa ang pagsasalita dahil tinakpan ko ng aking nga kamay ang kaniyang bunganga.

“Hindi ka lang pala bingi ‘no? Sumbungero ka din. E, kung ikaw kaya ang isumbong ko, ha!” I said.

Kunwari galit ako haha.

Sinamaan niya ako ng tingin. Inalis ko ang aking mga kamay sa kaniyang bunganga.

Inilagay ko ang aking mga kamay sa aking magkabilang bulsa at tsaka bumusangot.

“Kanina pa kasi kita tinatawag hindi mo naman ako naririnig.” sambit ko habang nakabusangot.

“I‘m sorry, okay? I‘m just busy kaya hindi kita gaanong narinig.” pagpapaliwanag niya saakin.

Tumango nalang ako at tsaka tumalikod. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung ano kung pinagkakaabalahan niya pero hindi na, baka pagod lang talaga ako kaya paiba iba na naman ang mood ko.

Hahakbang na sana ako papalayo nang bigla niya akong tawagin,

“Bella..”

“Come here. Look, hindi naman talaga kita isusumbong kay Tita Beatrice, e'. ”

Unti-unti akong lumingon. His eyes are serious, ngayon ko palang siya nakita na ganito kaseryoso.

“I know, Dave,” I smiled at him bitterly.

He walk towards me. Kinabahan ako, hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kaba.

“Alam mo ba kung ano ang nasa likod ko?”
tanong niya.

Itong si Dave talaga, may pagka ingot talaga minsan. Pa ‘no ko malalaman? Hindi naman ako mang huhula.

“Siyempre.....hindi.” sagot ko.

Tumawa siya, nakakapikon ang tawa niya.

“Lumapit ka sa akin.” utos niya .

Hindi ko alam kung lalapit ba ako o ano, malay ko ba kung ano ang hawak hawak niya? baka isampal niya ‘yon saakin edi nga-nga ako?

LOVE ON BORROWED TIME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon