KABANATA 2

121 18 1
                                    

Tonight

Habang nasa biyahe kanina, ramdam ko na ang pagod ng aking katawan. Agad akong umakyat at pumasok sa kuwarto upang magpahinga.

Oh, thank God, makakapagpahinga na rin ako. Wala naman akong masyadong ginawa kanina pero ang dali talagang mapagod ng katawan ko.

Humiga ako sa kama, nang may kumatok sa pinto.

“Honey?”

Si Mama ang kumakatok. “Bukas po ang pinto, Ma,” sambit ko.

Binuksan niya ang pintuan, may dala-dalang gatas. “Here's your milk, honey.” Umupo ako at ngumiti sa kaniya.

“Thanks, Ma.”

Umupo siya sa tabi ko. “Are you okay? Bakit parang ang tamlay mo? May problema ba, anak?” sunod-sunod na tanong niya.

Ipinatong niya ang gatas sa mesa.

Maging ako ay naguguluhan din sa aking sarili. Hindi ko alam kung okay pa ba ako, hindi ko alam ang nararamdaman ko, ang hirap.

I smiled at her bitterly. “I'm okay, Ma, don't worry about me.”

“Are you sure?” she asked me again.

“Opo.”

May kung anong bagay ang gumugulo sa isipan ko, nag-o-overthink na naman ako, and I hate this.

“Sige, matulog ka na, maaga ka pa bukas. Drink your milk na, para maisabay ko na sa pagbaba ko.” She hugged me.

“Good night, Ma.” Kumalas na siya ng pagkakayakap sa akin and then she kissed my forehead. “Good night, honey.” I drank my milk, at lumabas na rin ng kuwarto si Mommy.

Huminga ako ng malalim at t'saka humiga ulit, staring at the ceiling. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang tumunog ang aking cellphone. Tumayo ako agad, kinuha ko ang bag at hinanap ito. Dave sent me a message.

DAVE MUKHANG KAKONG: “Hi, Bella. Still awake?”

Agad akong nagtipa ng aking sagot ngunit tumunog ulit ito. He's calling right now. Walang pag-aalinlangan, I answered his call.

“Bella,” his voice is husky.

“Dave,” sambit ko naman.

“How are you? Matutulog ka na ba?” he asked me.

Hindi ko alam kung bakit ako nawawalan ng gana na makipag-usap. “Okay naman ako, ah, oo, matutulog na sana ako. Ikaw?” I asked him too.

“I'm waiting for your text kanina pa, pero hindi ka naman nag-text sa akin, kaya tinext kita,” sambit nito. Ramdam kong nagtatampo na naman siya, sa sobrang gulo ng isipan ko kanina hindi ko na siya natawagan o natext man lang. Nasanay na kasi kami na i-update ang isa't isa. “Oh, I'm sorry, ang gulo lang talaga ng isipan ko kanina, tapos pagod pa galing sa biyahe,” rason ko sa kaniya.

Wala akong naririnig sa kabilang linya, he didn't respond. “Dave? Are you still there?” agaran kong tanong.

“Yes, kinuha ko lang 'yong gitara ko,” he said.

“O-okay.”

“You said na may gumugulo sa isipan mo, ano naman iyon?”

Hindi ko alam kung masasagot ko ang tanong niya. Maging ako din, Dave. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema. “Wala lang 'yon,” maikli kong sagot.

Ibababa ko na sana ang tawag niya nang bigla siyang nagsimulang kumanta. He's singing my favorite song. Kaya pala kinuha niya ang kaniyang gitara.

🎵 Tonight I'm falling and I can't
      get off,
      I need your loving hands to
      come and pick me up,
      And every night I missed you
      I can just look up
      At all the stars and they are
      holding you, holding
      you, holding
      you tonight... 🎶

His voice is soft, ang ganda pakinggan habang kinakantahan niya ako sabayan pa ng pag-gitara niya. I want to hug him pero ang layo niya.

“Are you okay now? May gumugulo pa ba sa isipan mo?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.

Para bang may bumara sa aking lalamunan, naiiyak na naman ako. “Why did you sing for me?” I asked him directly.

“Because you're sad. I want you to be happy, Bella,” sagot niya.

Hindi ko na napigilan pa, I cried. “Thank you, Dave. Because of what you did, para bang nawalan ako ng problema. It gives me peace of mind.”

“Wait! Are you crying?” medyo lumakas ang boses niya.

“Tears of joy lang.” Pinunas ko ang aking mga luha, at t'saka huminga ng malalim.

“Kung ang pagkanta ko ang makakapagbigay sa'yo ng peace of mind, kahit araw-araw o gabi-gabi pa kitang kakantahan. I will do everything to make you happy.” His voice cracked.

Natawa ako sa sinabi niya. “Baliw! Paano kung mapaos ka dahil sa kaka-kanta sa akin? Haha.” Nakakatawa naman kasi talaga but I found it romantic. S'werte ng magiging girlfriend niya.

“Wala akong paki-alam, basta kakantahan lang kita,” may kagalakan niyang sambit.

“Baliw ka na talaga, kapag napaos ka, papangit boses mo. Kapag pumangit boses mo, hindi ka na makapagbibigay ng peace of mind sa akin,” I said while laughing.

“Grabe ka naman, advance mag-isip, ha?” aniya.

“Joke lang hahaha. Totoo naman kasi, imbis na peace of mind baka maging out of mind.”

Narinig ko ring tumatawa siya.

“Tss, you go to sleep na,” Dave said.

“Sige po,”

“Good night po, Bella.”

HAHA ewan ko sa 'yo, Dave.

“Good night. See you tomorrow,” I said with a sweet voice.

“See you po,” sambit niya.

Iww, is this true? Dave Gonzales saying 'po' to me? Haha.

I ended the call. You make me happy, Dave. I'm so thankful to have you.

LOVE ON BORROWED TIME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon