KABANATA 8

23 6 2
                                    

Mabilis lumipas ang araw, hindi ko halos napansin na mag-iisang linggo na kami dito sa San Joaquin. Hindi ko pa din kinakausap si Ate, mukang napapansin din naman niyang hindi ako komportableng kausap siya.

Hindi kalakasang katok ang nagpapukaw ng aking diwa. Wala akong inaasahan na bibisita sa akin dito.

" Maya pinapatawag ka ng iyong Abuelo sa kanyang silid-aklatan." Medyo mahina Ngunit malinaw na sabi ng isa sa mga kasama namin sa bahay. Isa pa sa iniiwasan kong makasalubong ay ang aking Abuelo, mabigat ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ako komportableng nakikita o kahit man lang lang marinig ang boses niya. May hindi akong maipaliwanag na takot sa tuwing madidinig ko ang kanyang boses. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ko tumayo at nagtungo sa silid-aklatan.

Nasa dulong bahagi ng ikalawang palapag ng mansion na ito ang silid-aklatan, minsan na akong nagpunta doon. Napaka daming babasahin. Isa sa nakakapagpayapa ng damdamin at isipan ko bukod sa mga bulaklak at mga puno, ay ang amoy ng mga libro. May kung anong mahika ang nakapalibot sa halimualyak ng bawat pahina ng mga ito.

Nang makarating ako sa tapat ng isang malaking pintuan, kinalma ko muna ang nagwawala kong puso. Hindi ko alam kung anong nag-aabang sakin sa likod ng pintuan na ito. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako gustong makausap ng Abuelo.

Marahan at maingat na katok sa pintuan ang ginawa ko. Sa sobrang tahimik ng mansion alam kong maririnig iyon. Hindi ko na hinintay ang pahintulot ng Abuelo na pumasok. Dahan-dahang kong pinihit ang siradura. Bumungad sa akin ang nakakaengganyong amoy ng mga aklat. Magiliw kong inilibot ang aking mga mata, hanggang sa mapako ang paningin ko sa isang malaking bulto ng matandang lalaki, nakatalikod ito sa akin nakadungaw siya sa may bintana. Bagaman may katandaan na, bakas pa din ang awtoridad at nagsusumigaw na kapangyarihan dito. Muli na naman nabalot ng kaba ang aking buong pagkatao. Mabilis kong itinago ang mga palad ko sa aking likuran at dahan-dahan akong humakbang palapit sa matandang nakadungaw sa bintana. Bago pa man ako makapagsalita ay marahan itong lumingon. Ito na naman ang pakiramdam na hindi ko maintindihan, hindi ako makahinga, pakiramdam ko mahihimatay ako, hindi ko kayang tagalan ang presensiya niya.

" Maupo ka Karen." Mahina ngunit puno ng tapang ang kanyang boses. Bahagya pa akong napatalon sa gulat.

Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako, pilit kong itinago ang panginginig ng mga kamay ko. Naupo na ako sa harapan ng kanyang lamesa at baka bigla na lang akong matumba sa di maipaliwanag na takot.

" Kamusta ka?" Isang maikli at sinserong tanong ng Abuelo ko sa akin.

Makailang beses pa akong lumunok bago ko siya sinagot. " Mabuti naman ho Senyor." Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya kaya napagpasyahan kong Senyor na lamang.

Isang malalim na tawa ang umalingawngaw sa buong silid-aklatan. Bahagyang nakunot ang noo ko, may nakakatawa ba sa isinagot ko?

" Do you have any idea who am I Karen?" Bahagya pa siyang natawa matapos niya akong tanungin.

" Oho, tiyuhin kayo ng Nanay." Malungkot kong tugon, wala akong maalala tungkol sa Nanay at Tatay.

" What are your plans now? Ngayon na nandito na kayo sa San Joaquin hindi ko na hahayaan na magkahiwa-hiwalay tayo. Nawala na kayo sa akin ng ilang taon. Gusto kong bumawi, gusto kong tuparin ang pangako ko sa kapatid at nanay niyo na aalagaan ko kayong magkapatid." Mahabang pahayag niya. Bakas sa tinig niya ang pangungulila, pagsisi at lungkot.

" Hindi ko pa po talaga alam kung saan magsisimula, lahat po bago sa akin. Itong tinutuluyan ko ngayon, itong nangyayari sa akin. Pakiramdam ko namuhay ako ng puro kasinungalingan ang nakikita. Wala akong maalala sa nakaraan pero alam ko sa puso at isip ko, nabibilang ako sa kung nasaan ako ngayon." Nalilito man pinilit kong iparamdam sa kaharap ko na sinsero ako sa lahat ng sinasabi ko.

" Naiintindihan kita, hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon Iha, kaya sana huwag kang mahihiyang magtanong o humingi ng tulong sa akin, kayo na lang ang pamilya ko, I'll do anything to make it easier for you and for your Ate."  Bahagya pa siyang pumiyok, bakas sa tinig niyang pinipigilan niyang umiyak. " "Nabanggit ni Karina na gusto mong mag kolehiyo?" Bahagya kong ikinagulat ang tanong niya. Ilang araw ko ng iniisip kung paano ang pag-aaral ko? Kahit naman may ganitong bumabagabag sakin, gusto ko pa din ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

" Opo kahit madami akong tanong sa isipan ko, hindi ko nakakalimutan ang pangarap ko,ang pangarap kong makapagtapos ng kolehiyo." Kung nag-uusap lang kami ng Ate, malamang kinukulit ko na siya tungkol sa pagpasok ko sa kolehiyo.

" Anong kurso ba ang nais mo? " Mataman niya akong tiningnan habang naghihintay ng sagot.

" Gusto ko sana mag-aral ng medisina, pero pakiramdam ko hindi ako para sa ganoong propesyon." Totoo iyon, mula ng bata ako alam ko na gusto ko maging doktor, pero habang nandito ako, naisip kong hindi para sa akin ang pagdodoktor.

" Kung ganoon ano ang nais mong kurso? You can take any course you want Karen, as I've said I will do anything to make your life easier." Pag-aalo niya sa akin.

" Gusto ko pa sana maging guro." Matagal kong pinag-isipan to, naalala ko ang mga bata sa facility na binisita namin noon, nakita ko sa mga mata nila na bukod sa paggaling ay edukasyon ang nais nila. Gusto kong maging isang guro para matugunan ko ang pangangailangan nila sa aspeto ng edukasyon.

Nagtaka ko ng bigla tumawa ng mahina ang Abuelo, mukang hindi siya makapaniwala sa narinig.

" Kapareho mo ang iyong Ina, you may look like your father but you took the soft sides of your mother, gusto niya ding maging guro at gusto niyang makapagturo sa mga lugar na madalang maabot ng edukasyon." Nakakatuwang marinig na pareho kami ng Nanay. " Karina got her soft features from your Mom but his personality resembles your dad so much, tahimik, malalim at mapanganib. " Hindi nakatakas sa pandinig ko ang biglaang pagseryoso ng Abuelo.

" Don't worry Karen, bukas na bukas mag-uutos ako sa aking sekretarya na ayusin ang mga papeles mo, mag-eenroll ka sa Kolehiyo De San Joaquin. That school was founded by our family, pero don't worry fair sila sa lahat kung yan ang iniisip mo. We don't tolerate favoritism sa school na iyon. Mahabang paliwanag ng Abuelo, gusto ko sana sa Maynila mag-aral pero kailangan kong manatili dito kung gusto kong bumalik ang mga nawala kong ala-ala. " Sa parehong unibersidad kayo papasok ng Ate mo. She will be taking business course, balak niyang matuto sa pasikot-sikot. Tama ang desisyon niya dahil balang araw siya na ang hahawak sa mga negosyo at ari-arian na maiiwan ko." Lihim akong napangiti, mag-aaral din ang Ate. Mabuti naman at naisipan niyang magpatuloy, kung hindi ako nakakalimot nag-aral siya noon nahinto lan siya dahil sa akin.

Hindi na nagtagal ang pag-uusap namin ng Abuelo, lumabas na ako ng may tumawag sa kanya sa telepono.

Masarap sa pakiramdam na maipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko, excited na ako. Gusto kong makausap ang Ate.

Napagpasiyahan kong magpunta sa kwarto ng Ate. Kakatok na sana ako ng may marinig akong boses na tila nagtatalo sa loob ng kwarto. Pinilit kong ilapat ang tenga ko sa pintuan ng mas mabosesan ko kung sino ang nasa loob. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng makilala ko kung sino ang may-ari ng boses sa kabila ng pinto. Tama talaga ang hinala ko, sa takot na maalala sila ay hindi ko na tinuloy ang planong pagkausap kay Ate. Pumunta na lang ako sa lugar kung saan ko madalas matagpuan ang kapayapaang hinahanap ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECRETS AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon