KABANATA 7

23 4 4
                                    

"Nanay Tatay, where are we going? Parang andami dami naman nating dala? Are we going abroad?" Tanong ko sa parents ko, nagising na lang ako ng umaga at nakita silang nagiimpake ng mga gamit namin.

"Yes Maya, magbabakasyon tayo, Kami ni Tatay mo, Ikaw at si Ate mo, kasama din si Lolo mo." Mataman kong pinagmasdan si Nanay , kanina pa siya paroo't parito may kausap sa telepono, hindi din siya nagtawag ng mga kasam-bahay para magpatulong mag impake.

" Tay, anong oras ang alis natin? Diba dapat lumakad na tayo? Malayo pa ang airport dito? " Nag-aalalang tanong ni Nanay kay Tatay. " Hintayin natin ang Papa mo, kasama niya si Maria, sinilip lang nila ang sakahan at azucarera, bibilinan nila Papa ang mga tauhan na bantayan ng maige ang sakahan at azucarera habang wala tayo, huwag kang mag-alala aalis tayo tulad ng pangako ko ilalayo ko kayo dito. " Puno ng pagmamahal na sambit ni Tatay kay Nanay.

" Tay bilisan mo Tay! Aabutan na nila tayo! Maya! Maria! Kumapit kayo! " Kanina pa mabilis ang pagpapatakbo ni Tatay, dahil may mga sasakyang humahabol samin.

Maya-maya pa may humarang saming dalawang sasakyan, at muntik na kaming tumilapon ni Ate paharap!

" Baba! Bumaba kayo riyan! " Pasigaw na utos ng isa sa mga lalaking humarang samin, marahas niyang hinila ang Tatay at ang isa naman ay walang pag-iingat na dinampot ang Lolo! " Hoy bababa kayo o babarilin ko kayo!?" Sigaw ng isa pang lalaki kay Nanay habang nakatutok ang baril saming tatlo nila Ate.

" Huwag! Huwag ang Anak at mga apo ko, ano bang kailangan niyo!? Kung pera ang kailangan niyo, kahit magkano ibibigay ko." Pagmamakaawa ni Lolo, pero hindi man lang natinag ang mga lalaki ng basta na lang sinabutan si Nanay at itinutok sa bunganga nito ang baril na hawak! Tahimik akong umiyak, ng silipin ko ang Ate maitim siyang nakatitig sa lalaking may hawak ng baril.

" Bakit niyo ba ginagawa sa amin to!?" Buong pasusumamong tanong ni Tatay. Ngunit imbes na sagutin ay bigla nitong sinuntok sa panga si Tatay at hindi pa nakuntento ng tuhurin nito ang sikmura ni Tatay! Hiniklat pa niya ang kwelyo at ngumisi na tila ba nang-aasar! " Wala kong sinabing magsalita ka! Kaya manahimik ka! Kung ayaw mong sabay-sabay na sumabog ang mga utak niyo! "

Tahimik akong umiyak, takot na makalikha ng kahit munting ingay, ayokong galitin ang mga bumihag samin, habang nakatali ang aming mga pulso saming likuran, ay basta na lang kami hinila ng mga lalaking ito, kung saan kami dadalhin wala kami ideya.

" Ate! Ate! Humahangos kong sigaw, saglit ko inilibot ang paningin ko, panaginip ba iyon? Pakiramdam ko kahapon lang nangyari?

" Hey, Are you okay? Kanina pa kita ginigising, nanaginip ka umiiyak ka at sumisigaw. " Nag-alalang sambit ni Geoffrey.

" Nasaan si Ate Karina? Kailangan ko siya." Pakiusap ko kay Geoffrey.

" Ok I'll call her, don't move ok? Diyan ka lang." Saglit niya pa akong nilingon, bago tuluyang lumabas at tinawag ang Ate.

Bakit ganoon ang panaginip ko? Hindi ko maintindihan. Saan nanggaling ang mga alaala na nakita ko? Naninikip ang dibdib. Hindi ko na namalayang nag-uunahan na pala ang mga luha ko, nasasaktan ako? Bakit ganito? Ang alam ko bata pa kami ni Ate ng maulila kami sa ampunan na kami lumaki. Bakit ganon?

" Karen, ayos ka lang?." Sa sobrang pagkatulala ko hindi ko na namalayang katabi ko na si Ate, hinahaplos niya ang buhok ko habang nakatingin sakin ang malungkot niyang mga mata.

" Wala akong naiintindihan Ate.. Pakiramdam ko pamilyar sa akin ang lugar na ito, pakiramdam ko kilala ako ng mga tao dito. Wala akong maintindihan Ate,natatakot ako." Mataman kong tiningnan ang Ate, umaasang may makukuha akong sagot, pero isang malalim na buntong hininga lamang ang kanyang pinakawalan.

" Take a rest, napagod ka sa byahe, marahil nabigla lamang ang utak mo sa mga nakita mo. You're not yet ready. Don't force yourself everything will fall into right place when the right time comes. Always remember na kahit anong mangyari ako lang ang nag-iisang kakampi mo Karen." Hinalikan niya muna ako sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Bumalik ako sa paghiga. Pinilit kong makatulog hindi ako dinadalaw ng antok. Napagpasyahan kong bumangon at sumilip sa bintana. Masyadong madilim ang langit, kita ang mumunting kislap ng mga bituin. Bakit kaya naisip ng Ate na umuwi dito? Magtatagal kaya kami dito? Pakiramdam ko hindi kami ligtas dito, may kung anong takot ang namumuo sa dibdib ko. Mukang ayaw magkwento ng Ate sa akin, kailangan kong malaman ang mga sagot sa pakiramdam na ito. Sino kaya ang makakatulong sakin? Sino kayang pwede mapagtanungan?

Pakiramdam ko hindi ako nakatulog. Masakit ang ulo ko, lahat ata ng makakasalubong ko mabubulyawan ko. Hindi ako ganito, sa buong buhay ko ngayon lang ako hindi nakatulog ng maayos. Ngayon lang ako nagkaganito, imbes na magliwaliw at bakasyon ang ipinunta dito mukang sakit ang makukuha ko.

Naligo na lang ako para kahit papaano mabawasan ang sakit ng ulo ko. Isang itim na maluwang na shirt at trousers na kulay abo ang suot ko, ipinusod ko na lang ang buhok ko ng di sinusuklay.

Madali kong nahanap ang daan pababa, kahit parang mala palasyo ang laki ng bahay na ito hindi siya nakakalito, lalo pa at dinig na dinig ko ang ingay na nagmumula sa kusina.

" What are your plans now Karina?" Narinig kong tawag nung Clark kay Ate. Mukang malapit sila ni Ate.

" Wala, ano bang gusto mong gawin ko? I can't force her ok? Masyadong bago sa kanya lahat ng ito." Parang alam ko na, alam ko nang ako ang tinutukoy ni Ate. Bakit kailangan niya maglihim? Maiintindihan ko naman eh. Buong buhay ko siya ang kasama ko, siya lang ang taong pinagkakatiwalaan ko, siya ang dahilan bakit gusto kong makapagtapos ng pag-aaral, gusto kong makaahon sa hirap ng siya ang dahilan. Simpleng paliwanag lang, mauunawaan ko naman lalo at sa kanya manggagaling.

Sa halip na dumiretso ako sa kusina, dumiretso ako sa sala at lumabas ng mansion. Alam ko may garden dito, napansin ko iyon nung pumasok kami kahapon. Naglakad lakad pa ako at natanaw ko na nga ang pakay ko.

Maaliwalas, malilim at payapa. Ito ang kailangan ko para makapag-isip sa kung ano ba talaga ang nangyayari sakin. Inilibot ko ang mga mata. Iba't-ibang klase ng mga bulaklak ang nandito, halatang alagang alaga. Hitik na hitik sa bulaklak. May kulay pupa, dilaw, kahel, at lila. Mas napili kong humiga sa damuhan, ipanatong ko ang ulo ko sa aking braso at saka tumingala. Mabuti na lang at nahaharangan ng mga puno ang liwanag na nanggagaling mula sa araw.

Siguro kung nandoon kami sa kwartong aming inuupahan wala kong ganitong nararamdaman. Baka abala ko sa pag-aayos ng mga papeles para sa pagpasok ko sa kolehiyo. Gusto ko ng lumuwas pa Maynila, mukang wala ng balak lumuwas ang Ate.

" Sabi ko na dito kita makikita." Hindi ko na nilingon ang kung sino man ang nagsalita alam kong si Geoffrey iyon.

" Ano tumatakbo diyan sa utak mo Maya?" Bahagyang na ngunot ang noo ko sa narinig ko. Maya iyon ang narinig ko sa panaginip kong tawag sa akin ng Nanay at Tatay.

" Kilala mo ko? Well obvious naman kilala mo ko, mabuti ka pa kilala mo ko. Ako pakiramdam ko hindi ko na kilala ang sarili ko. Pakiramdam ko hindi ako ung Karen na kilala ko." Malungkot kong usal. Alam kong mata man siyang nakikinig sa mga sinasabi ko. Nalulungkot ako, hindi ko alam bakit ganito?

" Alam kong madami kang gustong itanong, madami kang gustong malaman, as much as I wanted to answer you, I'm not the right person. Alam ko lang kasama ako sa mga taong nakalimutan mo Maya." Bakas sa tono ng pananalita niya ang sakit at lungkot. May kung anong nag udyok sa akin na umupo at akbayan siya.

" Hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot ako, nasasaktan ako kasi pakiramdam ko malaki ang naging parte mo sa nakaraan ko Opreng." Mabilis siyang napalingon sa akin. Bahagya akong lumayo at tiningnan siya parang gulat na gulat at di makapaniwala sa narinig.

" Did you just call me Opreng? Tama ba narinig ko?" Nanlalaki pa mga mata niyang nakatitig sa akin. Oo nga bakit ganon itinawag ko sa kanya? Saan galing iyon?

" Hala! Hoy! Huwag kang umiyak! Ampanget mo!" Imbes na kumalma siya mas lalo pa atang naiyak si Geoffrey.

" You made my morning special Maya. Thank you." Marahan niya akong kinabig. Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sino ba talaga ako?

SECRETS AND LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon