TWO WORDS --3 *END*

158 5 0
                                    

(Gem's Point of View)

“Joshua, tumigil ka naiinis na ko!” Medyo iritang sabi ko.

Nag-pout naman siya sa harapan ko. “Eeeeeh, bat ba ayaw mo? Ang cute kaya nito!” I rolled my eyes.

“You're so childish Joshua, I wont wear that okay?” Sabi ko.

“Bili na Gem! KJ nito!” Sabi niya habang winawagayway sa harapan ko yung headband na may bunny ears.

Nandito pala kami ngayon sa mall, it's our first date.

Alam kong masyadong komplikado ang lahat sa pagitan namin, pero I set those things aside. Mahal ko si Joshua and I know that he loves me too. That's what important right now.

“No.” Madiing sabi ko.

“Hay, sige na nga, pasalamat ka talaga mahal kita.” He said with a wink.

Jusko. Ang sweet talaga ng lalaking to. Hinawakan niya ko sa kamay.

“Lika na, kain na tayo.” At hinila niya kong papunta sa may foodcourt.

Habang kumakain kami, hindi ko mapigilang mapangiti.

Why am I so lucky?

I mean, hindi ko inaakalang may magmamahal pa pala sakin. Napakaswerte ko.

“Gem ko, baka matunaw ako niyan, its rude to stare at people you know..” Ginaya niya yung pagsasabi ko dun sa last line.

“That's my line, dont steal it.” I said with a half grin.

“Hehehehe, dun nga tayo naging close eh.”

Napangiti ako, oo nga naman.

Nakakatawa lang kasi hindi ko inexpect na I would love Joshua this much.

“Alam ko.”

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

“Aaah, ang hirap nitong Trigo, ayoko na!” Napasimangot ako sa narinig ko. Si Joshua yun, nagseseatwork kasi kami ngayon sa Trigo, by the way mag seatmate na ulit kami.

“Tsk, Joshua gawin mo yan.” Sabi ko.

Hinawakan niya yung kamay ko, agad ko namang binawi yung pagkakahawak niya. Nasa classroom kami ngayon eh! Baka mamaya may makahalatang may something na samin.

“Bakit? Kailangan ko ng inspiration...”

“Nasa classroom tayo Joshua.”

“Tsk, ang hirap ng ganito Gem..”

I smiled bitterly at him.

It almost been three weeks. Three weeks na puro pagpapanggap.

Pag sa classroom civil lang kami sa isat-isa, wala dapat makahalatang mayroon kakaiba saming dalawa. Mahirap na, baka makarating kay Daphne....

I felt a bit of guiltiness,

Si Daphne....

She doesnt deserve any of this, she's also my friend. Pero nagagawa ko siya—namin siyang lokohin.

Pero wala kong magawa, hindi ko mapigilang magmahal. Hindi naman natuturuan ang puso diba?

“Nahihirapan din ako Joshua..” Hinawakan niya ulit yung kamay ko.

“Kaya natin to.” I smiled at him.

“Oo nama---”

“Gem, pinapatawag ka ni Mr. Principal sa office niya.” Napalingon ako sa kaklase kong tumawag sakin.

Short Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon