TWO WORDS
- - - - - - - - - - - - - - -
"You know it's love when your either hurt by the person you love or the SITUATION you have"
- - - - - - - - - - - - - - - -
Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung paano kami humantong sa ganito.
"J-joshua..ayoko na...." Agad ko siyang hiniwakan sa kamay. Hinawakan ko ng sobrang higpit yung kamay niya.
"Gem...you promised me, sabi mo walang bibitaw satin...you promised..." Pinunasan ko yung mga luha niya sa mata.
Nasasaktan siya, it hurts me more na makita siyang masaktan.
"P-pero mali eh, hindi to dapat..palagi na lang ganito Joshua...palagi nalang ako yung masama.."
Tanginang buhay to. Kailan ba ko liligaya?
Bakit kung kailan alam ko na dito ko masaya tsaka maraming tutol? Palaging mali.
"Dont say that Gem..hindi mo kasalanan..walang may kasalanan satin..naiintindihan mo ba ko?"
Umiling siya... "H-hindi Joshua...tayo ang mali....tayo..hindi to dapat...mahal ka ni Daphne..mahal ka ng kaibigan ko..."
Isa pa si Daphne, nasasaktan ko rin siya...
Anong klase akong lalaki? Wala akong kwenta nagawa kong manakit ng dalawang babae.
Pero kasalanan bang magmahal?
Kasalanan bang mahulog ng puso ko sa iba?
Kahit may hawak-hawak pa kong ibang puso?
"A-aalis na ko Joshua..." Tumayo si Gem, naglakad siyang papalayo.
Agad din akong tumayo at niyakap siya mula sa likod.
I don't want to loose her...
"Gem..dont go please...mahal na mahal kita...." Naramdaman kong mas lalong napaiyak si Gem sa ginawa ko pero hinawakan niya yung mga kamay kong nakayakap sa kanya at pilit niya itong tinatanggal..
"Joshua naman....dont make it so hard for me...please...."
"Gem, mahal mo ko diba?" I asked her.
"I do love you.. I will always do Joshua..i will...."
"Then dont let go...."
Natanggal niya yung pagkakayakap ko sa kanya at humarap sakin...
"Mahal kita Joshua....so if you really love me....Two Words Joshua...two words...LET GO....."
Pagkasabi niya nun ay tuluyan na siyang umalis at ako naiwang nakatulala.
Did I just lose the girl I loved the most?
Napapikit ako sa sobrang sakit...
Paano ba ko humantong sa ganitong sitwasyon?
Bakit sakin pa to nangyari?
* FLASHBACK *
(Before 4 months....)
"Daphne MyLoves! Pumunta ka nga dito! Baka matapilok ka diyan sa suot mo!" Agad-agad kong nilapitan ang pinakamamahal kong babae.
Si Daphne Elise Mojica.
"Hehehehe! Eto naman! Masyadong concern! Nakaheels lang naman ako eh!" Nginitian niya ko.
"Tsk, baka matapilok ka kasi! Eto oh, suotin mo tong slippers..." Tinignan niya yung slippers at ngumiti sakin. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at kinurot.
BINABASA MO ANG
Short Stories (Compilation)
Fiksi RemajaMy Heart? Scattered and broken. The boy I love? Is in love with someone else. Why cant I be the One? </3 Compilation of Different short love stories. :)