In Vain

77 0 0
                                    

Alam niyo yung feeling na ramdam na ramdam mo yung sakit sa dibdib mo?

Yung feeling na gusto mong umiyak? Pero wala naman lumalabas na luha?

Yung natatawa ka kasi nagdradrama ka, eh wala naman dapat dramahan kasi wala ka naman karapatan.

Unrequited love? One-sided love?

Parehas lang naman ng meaning yan eh.

Simple lang yan.

MAHAL MO MAY MAHAL IBA.

Napakasaklap. Worse plot ever sa isang love story.

Teka, teka matatawag mo nga bang Love Story niyo yun kung hindi ikaw yung bida?

Kung hindi ikaw yung leading lady niya? Kung hindi ikaw yung kapartner niya?

Dahil sa love story niya isa kalang dakilang pilit na umeextra.

So I guess hindi diba?

Gas-gas na plot na sa mga love stories ang Unrequited Love at One-sided love.

Pero bat palaging ganun nalang palagi diba?

Alam niyo kung bakit?

Kasi Totoo.

Reality.

It hurts like hell.

Palagi naman eh, pagmagmamahal ka palaging may mahal na iba.

Tanggapin na natin yun.

Kung hindi ka gusto ng mahal mo, may dalawang rason yan.

Una, ayaw niya sayo, siguro ay dahil may mali sayo. Oo. Merong mali.

Pangalawa, may mahal siya. Kaya hindi niya pwedeng magmahal pa ng iba.

Eh, paano kung pareho yan yung rason? Aray diba? Saklap! <\3

Leaving you BrokenHearted.

Hay buhay, kailan kaya darating yung oras na, mahal kita? mahal mo ko?

Siguro hintayin ko na lang noh? Siguro pag okay na ang lahat?

Kapag nawala na yung pagmamahal mo sakanya noh? Kapag wala ng mali sakin?

Tanga ko noh? Inaayawan mo na nga ko, eto parin ako.

Nakakatawa at the same time nakakadurog din ng puso. Baliw na ata ko.

Bakit kasi ganun?

Ang sakit sakit na. Pero immune na naman ata tong puso ko sa mga pananakit mo. Paulit-ulit ba naman eh.

Masokista ata ko. Martyr. Langya yan.

Okay andrama na?

Okay lang yan.

Makapaglabas lang ng sama ng loob. Masakit na kasi eh.

Eto lang masasabi ko.

TANGINA NIYA

Talagang Putangina niya.

Dadating din ang araw na, makakalimutan kita.

Yung klase ng limot na kilala parin kita pero wala na kong pakielam sayo.

Dadating din ako diyan.

Pero sa ngayon hayaan mo muna ko ah? Mamahalin muna kita.

Pag sawa na ko masaktan tsaka dun nalang ako titigil.

Pero alam mo natatawa talaga ko eh, may mahal ka kasi di ka naman mahal iba mahal niya.

Hahahaha! Galing noh? Sabi ko sayo eh. Palaging ganyan.

Mahal mo, iba mahal.

Pero at least, quits tayo. Parehas tayo ng sitwasyon.

Ang pinagkaiba lang natin, Lalaki ka, babae ako. Ikaw pwede pang gumawa ng paraan para mahalin niya.

Eh ako? Wala nga-nga. Kaya pakyu ka talaga.

Walastik na pag-ibig yan.

Pero kung may hihilingin lang din ako, ayun ay yung mahalin ka na rin niya.

Para at least alam ko na kung kailan ako titigil sa pagmamahal ko.

Paalam mo sakin ah?

Para kahit papano hindi na ko magmukhang tanga.

One last say.

Mahal kita. Sana kahit papano maging aware.

So, hanggang diyan nalang ah?

I'm still waiting IN VAIN.

* * * * * *

( Aliyah's Point of View)

Napahawak na naman ako sa dibdib ko, hanggang ngayong ramdam na ramdam ko parin yung kirot. Yung hapdi. Yung sakit.

"Ayan ka na naman eh, umiiyak ka na naman." Inabutan ako ni Rainer ng panyo, tinanggap ko naman to at pinahid sa mga luha sa mata ko.

"Salamat."

"Tss, kaw naman kasi iyakin masyado."

I smiled at him bitterly.

"Masakit dito eh." Sabi ko habang hawak-hawak yung kaliwang dibdib ko.

"Lika nga dito." Hinigit niya ko papalapit at niyakap.

Napaiyak naman ako lalo sa ginawa niya. Hinigpitan niya lalo yung pagkakayakap niya sakin.

Nung medyo kaya ko na, kumawala na ko sa yakap niya.

"Thank you Rainer." I said almost whispering.

He smiled at me... "Wala yun, mahal kita eh.."

Mahal niya ko....

Mahal ako ni Rainer, Im very aware of that.

Naiinis ako sa sarili ko.

Bakit kasi hindi nalang siya yung minahal ko? Bakit?!

Tanga-tanga ka na naman Aliyah.

Alam naman nating lahat na kapag may mahal ka mahal nito iba. Kaya ganun nga hindi ko mahal si Rainer kasi may mahal akong iba at may nagmamahal din sakanya pero di naman niya mahal kasi ako mahal niya.

How ironic right?

[A/N: May pinanghuhugutan ang Author. Period. Joke! Wala kaya. XD Salamat sa magbabasa ng kadramahan na yan. :,,P]

Short Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon