Sabi nila masaya raw mabuhay, enjoy enjoy lang. Gawin lahat ng nais ng puso mo. Mayroong mga taong gagawin lahat matamasa lang ang sayang gusto nila. Mag susugal ng kahit ano makuha lang ang sayang hinahanap nila.Pero may mga taong mas gustong mawala na lang, mga taong napagod mabuhay at gustong sumuko na lang.
Masayang mabuhay ng walang iniisip na kung ano-ano, masayang mabuhay ng tahimik lang, at lalong masaya kung ang mga taong nasa paligid mo ay tunay na nag mamahal sa'yo.
Ganyan ang paulit-ulit na senaryo ang pumapasok sa isip ko.
Kahit sino namang tao nanaisin na mabuhay ng masaya at walang iniisip na problema.
Ako, hindi ko alam kung masaya ba ako. Masaya ba ko? Paulit-ulit ko na lang yan tinatanong, pero hindi ko naman masagot.
Hindi, hindi siguro ako masaya. Kahit pilitin ko, parang walang sense kung mag panggap pa ako, ni hindi rin naman pabor ang tadhanang maging masaya ako.
Huminga ako ng malalim pilit winawaglit ang mga isipin, bumangon sa pag kaka higa, at naisipinang mag liwaliw sa labas.
"Ma, alis lang ako" pag papaalam ko.
Hindi ko na inantay na sumagot si Mama, umalis ako habang suot ang jacket na binigay ni Papa. Hapon na, at kulay orange na ang langit, ngayon ko pa naisipang umalis kung kailan pagabi na.
Nag lakad-lakad ako at dinama ang simoy ng hangin, eto ang gusto kong buhay, tahimik lang. Huminto ako at umakyat sa malaking bato, tinanaw ko ang papalubog na araw.
Masarap, kay gandang tignan ng ganitong tanawin.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata.
"Hanggang kailan ba ako mag hihirap?" bulong ko.
"Nakakapagod na"
Binuksan ko ang aking mga mata, at tinignan ang tanawin, madilim na, nag mimistulang mga alitaptap ang ilaw na nanggagaling sa ibaba.
Bahagya akong napangiti. Hindi namalayang tumulo na pala ang luha.
Gusto kong sumigaw, gusto kong magalit. Pero wala na rin namang halaga 'yon para mawala ang sakit na nararamdaman ko.
Patuloy na bumuhos ang aking luha habang dinadama ang malamig na hangin.
'Hanggang dito na lang siguro'
Unti-unti nang nandilim ang aking mga mata.