Nagising ako dahil sa lakas ng ingay na nag mumula sa labas, hobby kasi ni Papa na mag patugtog every time na uuwi siya.
Kinusot ko ang aking mga mata, at nag inat-inat.
"Panibagong araw na naman" sambit ko na sinundan ng buntong hininga. Bumangon na ako at inayos ang aking higaan.
Lumabas ako sa kwarto at nakita kong nag aayos ng motor si Papa, si Mama naman nakaupo lang at nakikipag kwentuhan kay Papa. Hindi ko pa nakikita ang dalawa kong kapatid, siguro tulog pa ang mga iyon.
Dumiretso ako sa kusina upang mag timpla ng kape at kainin ang tinapay na binili ni Mama sa mag titinapay kaninang umaga.
Wala kaming pasok dahil sabado, pero dahil maraming kailangang gawin, doon ko maibubuhos ang buong oras ko.
Habang nag titimpla ako ng kape, biglang pumasok si Mama.
"May tinapay diyaan sa may lamesa" sambit niya.
Tumango na lamang ako, at lumapit sa lamesa para kunin ang tinapay.
"Walang pasok si Papa?" Tanong ko kay Mama, habang nag hahanap siya ng kung ano ano sa tools ni Papa.
"Mamayang gabi"
Napatango na lang ako at dumiretso sa sala, pinakikinggan ko lamang ang tugtog habang kumakain.
"Lumilipas ang panahon
kasabay ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pag kakataon maibabalik pa ang kahapon"Pag tapos ng kanta ay siyang pag tapos ko rin ng aking pag kain. Iniligpit ko ang aking pinag kainan at nilagay iyon sa ligpitan.
Dumiretso ako sa aking study table para masimulan ang mga ang activities, assignments na kailangang kong sagutan.
Ang ibang mga tanong ay hindi ko alam, kaya minsan nag tatanong ako sa mga classmates ko kung paano.
I admit, hindi naman ako sobrang talino, pero hindi rin naman bobo. Kung baga sa gitna lang, may mga pangyayari lang talaga na minsan hindi ko naiintindihan yung mga lessons.
Dumating ang tanghalian, at tahimik na ang paligid. Pinatay na ni Mama ang tugtog.
Kanina habang nag sasagot ako ay nag luto siya ng kinamatisang galunggong para sa tanghalian.
"Keila, kakain na" anyaya sa akin ni Mama.
Nagising na rin ang mga kapatid ko at dumiretso na sa hapagkainan para kumain, nag linis din muna si Papa dahil puro grasa ang kamay niya.
Inayos ko muna ang aking mga gamit sa mesa, tumayo ako sa pag kakaupo at dumiretso sa kusina.
Kinuha ko ang nakahandang plato, kutsara't tinidor sa lamesa at sumandok ako ng kanin at kumuha ng ulam.
Bumalik ako sa sala para buksan ang TV.