Ikalawang Kabanata

5 0 0
                                    


Natapos na kaming kumain ng tanghalian, kaya ang aming pinagkainan ay nilagay na sa ligpitan. Si Ate ang nakatoka ngayon upang mag ligpit ng pinag kainan. Lahat kami ay may kanya-kanyang gawain dito sa bahay, para makita rin nina Mama at Papa na gumagalaw kaming mag kakapatid.

I have two siblings, pangalawa ako sa mag kakapatid at lalaki naman ang bunso namin. Grade 12 na ako ngayon at konting buwan na lang ay gagraduate na ako. Actually hindi pa talaga ako ready for college, kasi bagong environment na naman and for sure maninibago talaga kami.

Natapos ko na rin lahat ng activities ko para makapag pahinga na rin, hindi rin naman siya ganoon ka tambak kaya natapos agad. 

Nang matapos ko ang aking mga activities ay nilikom ko na ito at nilagay sa bag, inayos ko ang aking lamesa at kinuha ang cellphone para mag liwaliw. Simula ng mag ka kwarto na ako ang dalang ko ng lumabas ng kwarto, kung lalabas man ay saglit lang kukuha ng pag kain, maliligo, at mag lilinis ng bahay. Hindi ako magaling makisalamuha sa mga tao, siguro dahil na rin sa kinalakihan kong pamilya? hindi kami vocal sa isa't-isa at sobrang dalang mapag usapan ang mga bagay-bagay sa  buhay. Maunti lang din ang kaibigan ko, hindi ko kailangan ng sobrang dami, sapat na sa akin ang maunti pero mapagkakatiwalaan.

Sa pag c-cellphone ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

Madilim na nung nagising ako, lumabas ako ng bahay, naupo sa duyan at pinagmasdam ang kalangitan. Sobrang ganda, kulay orange ang langit na may halong pink at violet, kitang-kita ang araw na pababalubog. Nakakagaan sa pakiramdam tanawin ng araw. Pakiramdam ko nabuhayan ulit ako. Hindi madaling mag panggap na maayos sa buong mag hapon. 

Napatingin ako sa aming pintuan ng kumalabog iyon, nakita ko si Papa. Tinitigan ko siya habang papunta siya sa kanyang motor. Tinitigan ko lang siya, hindi niya ako pansin. We used to be close, what happened?  'yan ang mga salitang pumasok sa isip ko, nalungkot ako sa isiping hindi na kami ganon nag uusap ni Papa, nararamdaman ko sa sarili ko na lumalayo na ang loob ko sa kanya, hindi ko alam kung bunga ba ito ng pag dadalaga ko, ewan ko pero ganon talaga yung nangyare e. 

Natatandaan ko, everytime na makakatulog ako sa sala, mararamdaman ko na lang na lumulutang na ako at pag katapos mararamdaman ko na ang malambot na kama, there are times na nag kukunwari akong tulog para mabuhat niya ako at ihatid sa kwarto, nakaka miss lang yung ganong bonding. I used to be a papa's girl.

Binawi ko ang titig kay Papa at tumingin na lamang sa papalubog na araw, pinag masdan ko iyon hanggang sa mawala sa aking paningin.

Sa pag lipas ng panahon, marami talagang mag babago. Hindi lang sa paligid mo pati na rin sa sarili mo. Hindi mo mamamalayan pero mapapansin mo. 



FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon