Hindi agad ako nakatulog ng gabing iyon, maraming gumugulo sa isip ko. Since graduating na ako, mahirap para sa akin na mag decide what course I should take in college. Hindi pwedeng basta-bastang desisyon ang gagawin dito, dahil ang desisyon na 'to ang mag s-save ng future. Deciding for you future will never been easy, kailangan mong mag isip ng mabuti at mag desisyon ng maayos.
Sa binabalak kong mag BS Hospitality Management, alam kong magastos ang course na 'to, pero ito talaga yung dream course ko. Pero, at some point gusto ng parents ko na mag Bachelor of Secondary Education, my parents want me to become a teacher, kasi ganon din ang course ng kapatid ko.
Mahirap mag decide kung kalaban mo yung status niyo rin sa buhay, hindi kami ganon kayaman kaya nag dadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang BS Hospitality Management or hindi na lang.
"Saka ko na lang iisipin 'yan, mahaba pa naman ang oras at may ilang buwan pa para mag isip-isip" bulong ko sa sarili.
Inayos ko ang aking higaan, pinatay ang ilaw at binuksan ang electric fan. Bumalik ako sa pagkakahiga at kinumutan ang aking sarili. Nag dasal muna ako bago tuluyang matulog.
Maaga akong nagising, inayos ko muna ang aking higaan at chineck kung anong oras na.
"6:00 am palang, ang aga ko naman nagising"
Lumabas ako at pumunta sa sala.
"Ma, si Papa?" tanong ko kay Mama.
"Pumasok na" sagot niya.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita.
May pasok pala si Papa ngayon, Security Guard kasi siya kaya minsan nag iiba-iba ang schedule, minsan pang umaga siya, minsa pang gabi naman.
Dumiretso ako sa kusina para mag timpla ng gatas.
"Mama, may pandesal?" sigaw ko kay mama dahil nasa balkonahe siya.
"Wala, bumili na lang pag kabalik ng Tito mo" sagot niya pabalik.
Nag titinda ang Tito ko ng pandesal, kaya tuwing umaga wala siya dahil inilalako niya ito sa barangay namin, inaantay na lang namin siyang bumalik kung sakaling may matira sa tinapay na tinda saka namin bibilhin, minsan tumatawag siya sa bahay para tanungin kung gusto namin ng tinapay.
Pag katapos kong mag timpla ay dumiretso ako sa balkonahe at umupo sa mahabang upuan. Inilagay ko sa aking tabi ang aking gatas at saktong dumating ang Tito ko, he asked me if we want to buy pandesal and umoo si Mama, kumuha siya ng pera sa wallet at inabot sa akin ang forty pesos. Sampu kada balot at nag lalaman iyon ng limang pandesal, forty pesos lang kasi apat lang naman kami sa bahay dahil wala sa bahay.
"Ikaw na bumili" sabi sa akin ni Mama.
Kinuha ko ang pera at dumiretso sa bahay ng Tito ko.
"'To pabili ng pandesal, forty pesos" aniya ko.
"Ilan?" tanong ng Tito ko.
"Forty" ulit ko sa kanya.
Kumuha siya ng plastic at nilagay doon ang pandesal, pag katapos ay iniabot sa akin.
"Thank you!" sabay naming sabi.
Patakbo akong bumalik sa abahay at iniabot ang tinapay kay Mama.
Ang sampung piraso ay itinira para dalawa kong kapatid at ang natirang sampu ay pinag hati namin ni Mama.
Isinawsaw ko ang tinapay sa aking gatas at kinain iyon.
Naubos ko ang tinapay at gatas, ito na ang mag sisilbing umagahan ko dahil mabigat na rin naman sa tiyan ang tinapay. Nilagay ko sa lababo ang gamit na tasa at platito at bumalik na muli sa aking kwarto upang buksan ang laptop at simulan na rin ang pag gagawa ng assignment.
Binuksan ko na rin ang aking cellphone at nakita ko ang mga message ng aking mga kaibigan at messages sa group chat ng aking section.
Pinatay ko muli ang aking cellphone at nag focus na sa pag gamit ng laptop ng saganon ay masimulan ko na ang pag sasagot ng activities.
Dumating ang tanghalian, nakatapos ako ng dalawang subject nag pahinga ako saglit at lumabas ng kwarto para kumuha ng pag kain, saktong pag kalabas ko ay katatapos lamang din ni Mama mag luto ng ulam. Nag sandok ako ng kanin at kumuha ng ulam, bumali kulit ako sa kwarto para doon na lamang kumain.
Binuksan ko ang aking cellphone at nabasa ko ang chat ng aking kaibigan.
Mara: Be, paabala naman saglit, itatanong ko sana kung lahat ba ng activities sa Media and Information Literacy ay sasagutan?
Ako: Hindi sis, nag tanong kami kay Ma'am, ang sabi niya ay yung Learning Task 1 to 3 lang daw.
Mara: Yown, oki oki! Thank you so much!
Ako: Oki oki, sagot well!
*Mara reacted heart to your message*
May ibang nag tanong pa, at sinagot ko iyon isa-isa habang kumakain.
Natapos akong kumain, lumabas ako sa kwarto at nilagay ang aking pinagkainan sa lababo, yung bunso namin ang nakatoka na mag ligpit ngayon. Uminom muna ako ng tubig saka bumalik sa kwarto.
Inayos ko ang aking laptop, at nag sagot muli ng panibagong activity. Ang goal ko kasi ay makatapos ng tatlong subjects ngayong araw, since nakakadalawa na ako isang subject na lang at pahinga na ulit.
Binasa ko ang direction ng activity at ng maintindihan ko ay agad akong nag sulat ng pangalan at sagot sa aking notebook. Kakaunti lang ng activity, at mabilis ko rin iyon natapos.
Tinago ko na ang aking notebook, pati ang ballpen na ginamit. Nag close na ako ng tab sa aking laptop at pinatay ito. Nilagay ko ang laptop sa bag at nilagay ito sa ibabaw ng aking lamesa. Inimis ko ang mga dumi at mga pirapirasong papel na gimamit ko kanina sa pag sasagot. Nag unat ako ng katawan.
"Ahh, ang sakit ng likod ko"
Nag unat unat pa ako bago tuluyang tumayo sa upuan at inayos ito. Mabilis tumakbo ang oras.
Hapon na naman.