Chapter 7: Gray Skies and Rainfall

76 7 0
                                    

"Maganda yata ang umaga mo," usisa ni Nay Carmen matapos ko siyang batiin ng magandang umaga.

Was there something wrong with how I look? Hindi naman siguro weird ang suot ko dahil sa color combination. Naka-neutral colors nga lang ako palagi.

"Abot-tenga ang ngiti, eh. May nobya ka na?"

Was I smiling from ear to ear, really? I didn't notice that. Since Rainbow and I became friends officially, maybe an ounce of her cheerfulness rubbed off on me.

"Wala po akong girlfriend, Nay. You know that I don't have time for that. Naisip ko po lang 'yong pinakamakulit na babaeng nakilala ko," matapat na sagot ko habang kumukuha ng plato at kutsara. I felt comfortable sharing that to Nay Carmen since she's always been like a mother to me. "She pestered me almost every day. Tapos no'ng isang araw, sabi niya, she only did it because she wanted to be my friend. So that makes her my girl friend now."

"Naku, baka iba na 'yan," pang-aasar ni Nay Carmen. Inihain niya na ang pagkain sa  dining table. May itinimpla na rin siya sa aking kape. "Ganyan din kami nagsimula ng asawa ko."

I said my thanks to her for the food she cooked as well as for the coffee. I was tempted to invite her but I knew she would decline. Pumuwesto ako sa may hapag-kainan.

"Crush na crush ko 'yon, eh." Napangiti si Nay Carmen habang inaalala ang kanilang kwento. "Pero 'di niya alam. Wala akong ginawa kasi may iba siyang nililigawan sa klase namin," she continued to share.

"Kaso 'di niya nakuha ang matamis nitong oo. Naging magkaibigan kami mula nang maging partner ko siya sa isang sayaw. Dahil palagi kaming magkasama, mas nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam na gano'n din pala siya sa'kin. Nagulat nga ako nang umamin siyang gusto niya ako at nagtanong kung pwede daw ba akong ligawan. Pinayagan ko siya kasi, bakit naman hindi?" Nay Carmen chuckled, remembering things as if they just happened yesterday. "At kahit kailan, hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko."

A smile of gratitude curved her lips. From those words and the way she narrated their love story story, the love for her late husband had never been lost.

I met Tatay Ben— as he would like to be called— several times already before he passed away. Matagal nang hindi stay-in si Nay Carmen sa bahay. Pero may nakalaang kwarto sa tuwing gusto niyang mamalagi dito. Natatandaan ko na madalas ay sinusundo siya ni Tatay Ben kapag hapon. Minsan pag-uwi ko ng bahay galing sa eskwelahan, makikita kong may dalang bulaklak si Tatay Ben para kay Nay Carmen. Binigyan niya pa ako ng advice: para magtagal ang isang relasyon, dapat hindi magtapos sa courtship stage. Araw-araw nga raw ang panliligaw at suyuan. His words, not mine. Mapapa-sana all ka na lang dahil sila ang ultimate relationship goals.

"Kaya kung ako sa'yo, 'nak, buksan mo lang ang puso mo para makapasok ang taong mamahalin mo at magmamahal sa'yo. Pero, bilib din ako dito kay—ano nga ang pangalan niya?"

"Sophia Lorraine Bo," sagot ko kahit medyo puno ang bibig.

"Bo?" paninigurado ni Nay Carmen kaya marahan akong tumango. "Pang-Intsik, ah. Maikli ang apelyido niya sa ngayon. Pero mapapalitan 'yon ng mahabang apelyido 'pag kinasal kayo," pagbibiro niya.

"Whoa, iba din ang mga banat niyo, Nay. Courtesy of Tatay Ben po ba 'yan?"

"Naku, sinabi mo pa," pagsang-ayon ni Nay Carmen. "Marami 'yong baon na ganyan. Kung nandito pa sana siya, nag-tutor na 'yon sa'yo."

"Baka nga ho." Tumango ako sa kanya. Pagkatapos ay kumain ng sinangag at uminom ng kape.

"Pero ang lakas ng loob niya. No'ng panahon namin, bawal ang ganyan. Lalaki dapat ang mag-fi-first move. Ah, basta bilib ako sa kung sinuman ang Sophia na 'yan. Pero 'wag dapat siya sumobra ang pagpapansin. Sakto lang para hindi magmukhang maharot," saad ni Nay Carmen, ibinulong sa 'kin ang salitang maharot.

When Everything Turns to GrayWhere stories live. Discover now