Chapter 18: Jolo's Welcome Back Party

42 18 0
                                    

Chapter 18: Joloʼs Welcome Back Party

Czarinaʼs Point Of View

Nasa kuwarto ako ngayon, pumipili ng masusuot ko mamaya para sa party na magaganap tonight. Susunduin rin ako ni Red dito. Narinig ko namang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at nakita ko doon si pinsan. “Hindi ka man lang kumatok,” sabi ko sa kaniya.

Napasimangot siya at muling lumabas ng kuwarto ko, at kumatok.

Seriously?

“Anong ka-syungahan ʼyan, Ihya?”

Muli niyang binuksan ang pinto at pumasok dito. “Sigurado ka bang sasama ka sa party na iyan? Tsk! Paano kung mapahamak kayo?” sabi niya.

“Sumama ka na rin kasi para lahat tayo nandoon, kung may mangyayaring gulo at si Micka nanaman may pakana, ikaw ang lalampaso sa kaniya.”

“Kaya na iyon ni Karyl, mas amazona siya kaysa sa akin.” Tiningnan ko siya, hindi naman siya nakatingin sa akin at nakatingin lang sa may closet ko. “Ano bang bumabagabag sa ʼyo, Ihya? At saka, bakit hindi ka sasama ng party? Invited ka rin naman doon,”

“I already told you, Rina,” she said, but I rolled my eyes kahit hindi niya nakita.

“Hindi naman magiging bored ang gabi mo doon, siyempre nandoon si Win.”

“Anong gagawin ko kay Win?”

“Huwag ka nang magkunwari, Ihya. Alam kong may gusto ka pa rin sa kaniya,”

“Sinong nagsabing may gusto ako sa kaniya? Hindi ba puwedeng crush lang?!” Ayan na naman, beast mode agad si pinsan. At least, inamin niya rin na hanggang ngayon ay may crush pa rin siya kay Win. “Defensive agad?” sabi ko.

“Ang tagal mong pumili ng masusuot? Kahit ano nalang isuot mo, okay na ʼyon. Hindi naman ʼyan prom o debut a-attendin mo,” giit niya.

“Alam mo, pakialamera ka talaga, Ihya. Umalis ka na nga dito, ginugulo mo ʼko eh. Siyempre, kailangan ko pa rin magmukhang galante ʼno, malay mo ganoon pala ka-garbo ʼyong party.”

“Tss, parang kaibigan lang ng twins?”

Kung alam mo lang, Ihya, pero hindi ko puwedeng pangunahan si Win. Siya na lang magpapaliwanag sa iyo ng lahat. Mas mabuti na rin ʼyong hindi ka nalang sumama doon, mapapahamak ka lang.

Napansin kong bumuntong hininga siya at tinignan ng seryoso. “Mag-iingat kayo mamaya, ah.” sabi niya.

“Alangan namang hindi mag-ingat ʼno? Trust with Win together the Sheavʼn. Hindi naman nila hahayaang may masamang mangyari sa ʼmin eh,”

“I know, kaya nga hindi ko na kailangan sumama.” sabi niya at akmang aalis na.

“Saan ka pupunta?” tanong ko.

“Babalik na sa kuwarto ko,” sabi niya at napasimangot naman ako.

“Anong kaartehan ʼyan?”

“Wala, sige na. Alis na,” sabi ko.

She rolled her eyes at isinarado ang pintuan ng kuwarto ko. Ibinalik ko ang atensyon sa pagpipili ng aking mga dress nang tumunog ang aking cellphone. I received Redisonʼs text message.

Hey, sure na akong susunduin kita, ah. Sinabi na sa amin ni Win kung saan ang venue,”

“Saan?” tanong ko.

Avellan Village daw, Iʼm sure na alam mo na iyon, pero susunduin pa rin kita.”

Crush Me Back, SSG PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon