KABANATA 6

64 7 0
                                    

Nag aayos ako nang aking gamit nang may nagpatong ng paa sa aking mesa. Umikot ang aking mata.

Sino pa ba naman iyon? Siya lang naman ang mahilig gumawa nun pati ang kaibigan niyang si Dan.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag aayos ng aking gamit. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga kasunod ng pagsipol ni Neon at tikhim ni Langit.

Tumingala ako kay Zack nang matapos mag ayos ng gamit. Matalim ang tingin niya sa akin. Tulad noon laging nakabuntot sa kaniya ang mga kasama niya.

"Tara na Hope, andiyan na yung payatot na buntot nang buntot sa iyo" napatingin ako kay Neon na tumayo habang nakatanaw sa labas ng room.

Sumulyap ako sa labas naroon na nga si Lenmar. Akmang tatayo na ako nang hawakan ako sa balikat ni Zack dahilan para mapaupo ulit ako.

"Binibini" sumulyap ako sa kaliwa kung saan nakaupo si Langit. Kinapitan ako ni Zack sa panga at hinarap sa kaniya. Hindi na ako nagulat sa sobrang lapit ng mukha ni Zack sa akin.

Ganoon naman na kasi ang ginagawa niya simula elementary. Kapag hindi niya ako pinagtitripan, ilalapit niya sa akin ang kaniyang mukha.

Naramdaman ko ang marahang paghila ni Langit sa manggas ng aking uniform. Bigla na lang dinakma ni Neon ang mukha ni Zack at nilayo sa akin.

Kamuntikan pang matumba si Zack sa biglaang ginawa ni Neon. Mabilis akong nahila patayo ni Neon at tinago sa kaniyang likuran.

Tumingala ako sa kaniya. Nanlilisik ang kaniyang mga matang nakatingin kay Zack na masama rin ang tingin sa kaniya.

Bumababa ang aking tingin sa aking kamay nang may maramdamang kumapit roon. Wala akong nakikita ngunit alam kong si Langit iyon.

"Problema mo?!" Sa angas ng pagtatanong ni Zack nahuhulaan ko nang magkakagulo lalo pa at seryosong seryoso si Neon ngayon.

"Tara na" mariing sabi ni Neon, nagtitimpi. Humigpit ang kapit niya sa aking pulso. Hindi pa rin inaalis ang matalim na tingin kay Zack.

Muntik pa akong madapa nang hilahin ako bigla ni Neon, mabuti na lang at kapit ako ni Langit sa kabilang kamay ko.

Alam ko nang hindi kami tatantanan ni Zack lalo pa dahil sa ginawa ni Neon sa kaniya kaya inaasahan ko nang haharangin nila kami bago pa kami makarating sa pinto.

Hindi sila pinansin ni Neon at nahdirediretso lang. Nakaabang naman sa amin si Lenmar sa labas. Pero hindi talaga nila kami palalampasin.

Napaatras si Neon nang bigla na lang siyang sapakin ni Zack, pero nanatili ang kapit niya sa aking pulso.

Napakapit siya sa kaniyang panga. Sa sobrang lakas nun ay napatabinge pa ang kaniyang ulo.

Hindi na nakapag pigil pa si Lenmar pumasok na siya at lumapit sa akin.

"Ang yabang mo ah!!! Bakit sino ka ba?!!!" Dahan dahan nag angat ng ulo si Neon.

Bigla akong kinilabutan nang makita ang mabilis na pag itim ng buong mata ni Neon at bumalik rin kaagad sa dati. Napakurap kurap ako, umaasang namalikmata lamang ako.

"Mabuti pa siguro, binibini na lumabas na kayo ni Lenmar" hindi ko pinansin ang sinabi ni Langit kahit pa hinihila na niya ako papalayo kay Neon.

"Lumabas na tayo dito, Chantal" bulong sa akin ni Lenmar pero hindi talaga mawala ang aking atensyon kay Neon.

Padarag na binitawan ni Neon ang aking kamay at dali daling lumapit kay Zack at kinuwelyuhan ito.

Demon Blood ( El Paraiso Series 1 ) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now