KABANATA 12

51 8 0
                                    

Mukhang hindi na napigilan ni Neon ang sarili. Bumulalas siya ng tawa. Hindi man lang niya naisip na maaari siyang marinig sa labas.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay humahalakhak na para bang walang katapusan.

Habang palakas ng palakas ang tawa niya ramdam ko rin ang unti unting pag inip ng aking pisnge sa kahihiyan.

Ang nilagay kong unan ay nahulog na maging ang damit kong pinatong sa kaniyang dibdib at tiyan sa kakatawa niya. Halos malaglag rin ang maliit na paso sa ibabaw ng mesa sa kalikutan niya.

"Pasensiya na, pfft" at muli siyang humalakhak. Namumula na siya sa kakatawa. Pawisan na naman siya.

Hindi ba niya alam na nahirapan akong punasan siya ng pawis tapos tatawa lang siya para pagpawisang muli.

"Teka" hindi na yata siya makakatapos pa ng isang pangungusap dahil sa pagtawa niya.

Sinubukang niyang pakalmahin ang sarili pero nang medyo kumalma na ulit siya nang tingnan niya lamang ako ay muli siyang natawa. May nakakatawa ba sa akin?

"Teka lang" mukhang napagod rin kakatawa ang baliw na iyon. Hingal na hingal siya at pawis na pawis.

"Naku Hope" iiling iling niyang sabi at napatampal pa siya sa kaniyang noo. Tinitigan niya ako dahilan para mag iwas ako ng tingin. Hindi ko pa rin malimutan ang nakakahiya kong ginawa kanina. Gising na pala siya kanina bakit hindi man lang siya umimik.

"Sasabog na ang kaibigan ko sa selos" hindi na siya matigil sa pag iling. Tiningnan ko lang naman siya. Bakit hindi niya hayaang sumabog? Kung totoo nga ba ang sinasabi niya.

"Seryoso ako, Hope selos na selos ang kaibigan ko" tumayo siya para mag unat ng katawan. Sa ginawa niyang iyon mas lalong nadepina ang kaniyang muscles at abs. Iniwasan kong tingnan ang kaniyang maskuladong katawan.

"Kesa naman hayaan kitang matuyuan ng pawis edi nagkasakit ka pa kargo de konsensiya ko rin yun, 'no!" Ismid ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako at lumapit sa akin. Napaatras naman ako.

"Hindi ako nagkakasakit pero dahil sa ginawa mo hindi lang sakit ang makukuha ko, sakit sa katawan lahat" pinitik niya ako sa noo matapos sabihin iyon. Pilit ko namang iniiwasang tingnan ang kaniyang katawan. Bakit hindi pa siya magdamit?

"Kasalanan ko pa! Ako na nga 'yung natulong eh" bahagya ko siyang tinulak papalayo sa akin. Masyado niyang nilalapit sa akin ang kaniyang katawan.

"Owss, talaga? Kailangan ko nang maghanda para sa isang malakas lakas na sapak" napatingala ako sa kaniyang sinabi. Gagawin ba talaga ni Langit iyon sa kaniyang kaibigan.

"Oo naman" sagot niya at muling nag inat ng katawan sa aking harapan. Naiirita ko naman siyang tinulak.

Nang aasar ba siya? Dahil kung oo, asar na asar na ako sa kaniya.

"Nagbibiro ka lang diba?" Natawa siya sa akin.

"Owss, talaga? Pero hindi talaga, binibini. Hindi man niya ako sapakin siguradong hindi ako nun kakausapin. Siguro mga-" nag isip siya. Nakatingin lang naman ako sa kaniya habang siya ay nakatingala at nag iisip.

"Mga limang oras o anim" tatango tango niyang sabi. Napangiwi naman ako sa kaniya.

"Magalit man kasi yun hindi naman tumatagal ng taon, oras lang tinatagal nun lalo pa sa mga bagay na tulad ng selos" hindi ko maiwasang humanga sa kanilang pagkakaibigan. Siguro kung ibang magkaibigan iyon, matagal nang sira ang pagkakaibigan nila.

Demon Blood ( El Paraiso Series 1 ) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now