KABANATA 19

46 7 0
                                    

"Gising ka na" hindi man lang ako sinulyapan ni Neon nang sabihin niya iyon. Bumangon ako at kaagad na hinanap ng aking mga mata ang aking sinta.

Nakita ko siya sa tabi ng ilog. May ibon sa kaniyang palad na mukhang kaniyang pinapakain. Nakangiti habang pinapanuod ang ibon.

"Si Lucy?" Tanong ko kay Neon na nakatulala lang sa apoy sa kaniyang harapan, nang mapansin kong wala si Lucy.

"May nakikita ka ba?" Malamig nitong tanong sa akin hindi man lang ako tinitingnan kahit saglit. Nanatili siyang nakatitig sa apoy na nagsisilbing liwanag sa paligid maliban sa buwan na natatabunan pa ng ulap. Umikot ang mata ko sa kaniya.

"Hindi pa ba siya bumabalik?" Sa pagkakataong ito nilingon na niya ako. Matamlay at walang kabuhay buhay ang mga mata niyang malamig na nakaktitig sa akin.

"Kung. May nakikita ka ngang Lucy dito?" Mariin niyang tanong sa akin. Umismid ako sa kaniya at inirapan siya.

"Wala" ismid ko. Umismid rin siya at binalik ang tingin sa apoy.

"'Yun naman pala eh, tanong ka pa ng tanong" rinig ko pang bulong niya. Muli akong napaismid at tumayo na upang lapitan si Langit.

"Binibini" tumaas ang kilay ko nang lumipad papalayo ang ibon nang ako'y lumapit kay Langit. Naupo ako sa tabi niya.

"Nakakausap mo ba si Neon, binibini?" Humarap siya sa akin at marahang sinumping ang ilang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Bahagya siyang ngumiti.

"Puro pabalang ang sagot niya" bahagya siyang natawa sa aking sinabi.

"Nanggaling na dito kanina si Lucy natutulog pa nun si Neon" nakanguso kong sinulyapan si Neon na abala sa pagtitig sa apoy.

"Bakit umalis kaagad siya?" Lumingon ako kay Langit. Nagkibit balikat lang naman siya. Humilig ako sa kaniyang balikat.

"Hindi mo ba aalamin ang problema ng kaibigan mo?" Ilang segundong katahimikan bago siya sumagot sa aking tanong.

"Tinanong ko na siya kanina binibini ngunit hindi siya sumagot at nanatiling tahimik" yumakap na ako sa kaniya. Bahagya siyang natawa at pinulupot ang braso sa aking bewang.

"Eh si Lucy? Tinanong mo ba?"

"Nagawa ko na ngunit sinabi niyang si Neon raw ang aking tanungin"

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Wala nang umimik pa matapos ng kaniyang sinabi.

Pareho lang kaming nakatingin sa ilog. Pareho ring malalim ang iniisip. Sabay ang ginawa naming malalim na pagbuntong hininga.

Nagkatinginan kami at sabay na natawa sa isa't isa. Natigil lamang ako nang sumeryoso siya.

"Wala bang ginawang masama sa iyo ang pinsan ni Lucy?" Seryoso niyang tanong. Marahang hinaplos ang aking pisnge habang ako'y nakatingala sa kaniya. Umiling ako bilang sagot.

"Hindi ka ba niya sinaktan?" Marahan niya akong kinapitan sa magkabila kong balikat at bahagyang inilayo sa kaniya upang suriin ang aking katawan.

"Hindi ko naman pababayaan ang aking sa—" hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang mahigpit niya akong niyakap. Ramdam ko ang kaniyang palad sa likod ng aking ulo at ang isa sa aking bewang.

"Sobrang pinag alala mo ako, binibini" ramdam ko ang pagpatong ng kaniyang baba sa ibabaw ng aking ulo. Naririnig ko ang malalim niyang paghinga.

Demon Blood ( El Paraiso Series 1 ) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now