CHAPTER 7 - Family Dinner

3 0 0
                                    

"He's not answering my calls! I'm pretty sure he's gonna ditch me." 


(Calm down, I'll try to call him. Wala siya rito sa bahay eh.) 


Napasabunot ako sa buhok ko. Creed has been ignoring me since the day he got late at our taping. I mean, okay, I get it! Nainis siya sa ginawa ko but is he really that shallow? Getting mad just because I bruised his ego? Huh!


"No thanks, Rider. I'd rather be roasted by Papa than to beg him one more time." I heard him sigh from the other line.


(Leina, my brother's not the type to go back to his words you know.)


"Oh yeah? So this is the first then?"


(Hays! Para kayong mga bata.)


I scoffed. "Baka siya! Alam mo Rider, hindi ko alam kung anong kaplastikan ang pinapakita sa'yo ng kapatid mo but I can assure you that it's all just an act. Saksakan ng sama 'yang Creed na 'yan." Magsasalita pa sana siya pero pinatigil ko siya nang may narinig akong bumubusina sa tapat ng bahay namin. Hindi ko na sana papansinin pero tuloy-tuloy ang busina nito at ang sakit na sa tenga.


"Hold it, Rider. May parang tangang nag-eeskandalo sa harap ng bahay ko." Lumabas ako ng kwarto at bumaba para komprontahin kung sino man 'yung maingay na 'yon.


I'm pretty sure na hindi siya tiga rito sa village dahil may strict community guidelines dito at clearly, hindi siya aware sa mga 'yon. And if that is the case, paano naman siya nakapasok eh sobrang higpit ng mga guards sa entrance. Kung ano-ano pang identification ang hihingin sa'yo kung hindi ka tiga rito at bibisita lang. 


Pagbukas ko ng gate, tumambad sa'kin ang isang gray convertible Audi R8. Woah, kaya naman pala ang lakas ng loob mag-ingay. Sumisigaw din pala sa kasosyalan 'yung mismong sasakyan. 


Isinantabi ko muna ang pagkamangha ko at sinugod ang aroganteng sosyal na 'yon. Hindi naman porket ganito ay hindi na siya rerespeto sa mga tao sa paligid niya. 


"Hey!" Tawag ko kaagad. 


Kinatok ko ang tinted nitong bintana at sumenyas na ibaba ito na sinunod niya naman. I was about to throw a fit sa driver pero napako ako sa kinatatayuan ko nang makitang si Creed ang nasa loob.


"What..." I trailed.


Pinagmasdan niya ako mula ulo pababa at saka ako tiningnan ng may halong irita.


"You're not yet ready?"


"Huh?" I asked, still clueless.


"Are we going to your family dinner or what?"


Saka ko lang na-realize na mag-a-alas syete na pala at hindi pa ako nakakaligo to prepare for the family dinner. Kasi naman! Busy akong i-badmouth si Creed kanina tapos biglang nandito siya ngayon para sunduin ako? What the hell?

I FELL IN LOVE WITH MY CO-ACTORWhere stories live. Discover now