CHAPTER 2 - Rider

4 0 0
                                    

"Boyfriend?!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa OA na reaksiyon ng dalawang bakla matapos kong i-kwento 'yung nangyari kagabi.


"Pwede ba?" Saway ko sa kanila. Nakaka-stress sa showbiz pero mas nakaka-stress yata 'to.


"Pero baks sa totoo lang, hindi madaling maghanap ng disenteng lalaki na suwak na boyfie for a day ha." Frances said.


"Tomooo! At ihaharap mo pa sa Papa mo." Pinalobo ko ang mga pisngi ko. Hilig kong gawin 'to kapag na-s-stress na 'ko. And I am super stressed right now.


"Bahala na nga! Medyo matagal pa naman. Whatever happens, I guess I'll just have to roll with it." Tumayo ako sa pagkakahiga ko. "Sa ngayon, focus muna ako sa upcoming movie namin ni Creed."


"Kailan ba ulit taping niyo? Gusto ko na ulit siya makita para happy na ulit ang heart ko." Lumalandi na naman si Angel jusko. Malaki kasi ang pagnanasa niya kay Creed eh.


"Bukas. The whole day." Sagot ko at nagningning naman ang mga mata niya.


"Baks, whatever you do, hindi ka papansinin no'n. Eh ito ngang si Leina na tatlong taon niya ng ka-trabaho at ka-loveteam pa ha, wala siyang pakealam. Sa 'yo pa kaya na rainbow ang kaluluwa." Pang-aalaska ni Frances kay Angel. At ako pa talaga ang ginawang example ng baklang 'to?


"Alam mo Frances, may mga pagkakataon talagang ang sarap mong idispatsa." Tinaasan ko siya ng kilay. 


"Sorry baks, honest lang." Depensa nito at itinaas pa ang dalawang kamay.


"I don't care kung may pake siya sa 'kin o wala. Sa movie lang kami may connection, but off cam? None." 


"Whoa, it's raining ampalaya." Komento ni Frances.


"Oh baka naman na-hu-hurt 'yang pride mo dahil siya lang ang lalaking binabalewala ka." Gatong pa ni Angel.


Napataas naman ang kilay ko.


"Are you girls on drugs? You're too high you're already hitting the ceiling." Inirapan ko sila. Puro kasi kalokohan!


Kung hindi ko lang talaga kaibigan 'tong dalawang 'to matagal na silang walang trabaho sa 'kin eh. Alam naman nilang una pa lang wala na talaga kaming kahit anong attachment ni Creed sa isa't isa, unless it's on cam. Especially Creed, he's an egocentric guy.


"By the way, continue blabbering your hearts out. I'm going out for ice cream." Paalam ko.


"At hindi mo kami isasama?" Tinaasan ako ng kilay ni Angel.


"Gusto ko muna ng tahimik na buhay, please lang." I flipped my hair and sashayed out of my house.


Ginamit ko na lang ang motor ko dahil hassle mag-park ng kotse sa favorite ice cream parlor ko.


It's fine kung wala akong susuoting disguise dahil wala rin naman masyadong tao ro'n. Ewan ko nga ba kung bakit hindi siya ganun kasikat sa tao, eh gustong gusto ko nga 'yung ice cream nila.

I FELL IN LOVE WITH MY CO-ACTORWhere stories live. Discover now