"Bakla ka, hindi mo pa rin ba kami papansinin ha?"
"Oo nga baks. Ganiyan mo na ba kami ka-hate?"
"Sige, okay lang. Tara na Frances, iwan na natin 'yan tutal GALIT naman siya sa 'tin."
Mabilis naman akong humarang sa pintuan ng bahay bago pa man sila makalabas nang tuluyan.
"Tamo 'tong baklang 'to. Pa-tweetums!" Sinabunutan ako ni Angel.
"Eh kayo naman kasi! Bakit ba wala kayo kahapon? Bukod sa hindi ako komportable ro'n sa dalawang chismosang make-up artist na ipinalit sa inyo, wala rin ako nakasamang mag-shopping after taping." Reklamo ko.
"Eh kasi naman baks, urgent matter nga 'di ba? Hindi kami forever nasa tabi mo okay? Walang forever, maghihiwa-hiwalay din tayo." Pagtapik sa 'kin ni Francisco a.k.a Frances.
"Tumpak ka diyan ng malaki bakla! Kaya kung ako sa 'yo, humanap ka na ng Fafa para may ka-forever ka na." Inirapan ko naman si Angelito a.k.a Angel.
Sila ang dalawang bakla kong LEGIT make-up artists slash bestfriends.
"Not in my mind." Komento ko naman. Which is true. Kasi for me, career always comes first before anything else.
"Ang pait!" Hinampas pa ako ni Angel sa balikat kaya hinampas ko rin siya pabalik. Lalaki pa rin siya kaya mabigat pa rin ang kamay niya 'no!
"Saan ang awra natin ngayon mga bakla?" Tanong ni Frances.
"Wait, I'll ask Tita B first." I grabbed my phone and dialed my Manager's number.
"Tita B!" Bati ko.
(Yes, baby girl?)
"What's my schedule this afternoon?"
(Hmm, nothing.. except for the dinner with your family tonight.) Oo nga pala. Every Sunday sabay-sabay kaming nag di-dinner lahat.
'Yung mga kapatid ko kasi ay may sari-sarili nang career sa buhay as well as my parents kaya we were always busy. Hindi rin naman kami nakatira sa iisang bahay because we're all raised to be independent at a young age.
But it is a must to attend the family dinner every Sunday night. It has become the family's golden rule.
"Got it! Thanks, Tita B." Then I hung up.
"Soooo?" Nakaabang na kaagad sina Frances at Angel sa magiging balita ko.
"Let's go shopping!" I said at nagtilian naman sila. "But I need to be back before 7. Today is Sunday, remember?"
"Yes baks, noted 'yan. Let's gora!"
"Uh, uh, uh, wait," Natigilan kami ni Frances nang harangan kami ni Angel. "Disguise." Napa-ooh naman kami kasi nakalimutan na namin ang tungkol do'n sa sobrang excitement.
YOU ARE READING
I FELL IN LOVE WITH MY CO-ACTOR
RandomWe are love teams. In front of the camera. We're all lovey dovey. In front of the camera. But then my feelings started to show. Off camera. But this time, it's just me. We are both actors indeed. He act as if he has feelings towards me. And...