THIRD PERSON POV
Gabi na ng magising ang mga kababaihan na dinala sa kagubatan, Nang mawalan ng malay lahat ng mga kababaihan ay dumating ang malalaking truck at isinakay doon ang lahat ng walang malay.
"Gisingin na ninyo ang mga babae" utos ni Shara sa kanyang mga tauhan.
Ang mga kababaihan ay dinala sa isang gitna ng tagong kagubatan. May malaking building na itinayo doon si Shara. Ang building ay may ilang palapag, maraming kwarto. Na maaring tuluyan at tulugan.
"Arhhh ang lamig. King*ina" daing ng isang babae. Matapos bumuhos ang malamig na tubig sa kanilang mga katawan. Na nagpagising sa kanilang mga natutulog na kaluluwa.
"Nasan tayo"
"Sino kayo"
"Pakawalan ninyo kami"
"Maawa na kayo"
"Huhuhuhuh, mga hayop kayo"
"Bullshitt"
"Ahhhhh"Reklamo ng ilan sa mga kababihan, tahimik lamang si Alexa at Audrie habang nakatungong umiiyak. Si Alora at Kriss naman ay tahimik na nagmamasid sa paligid.
"Good evening ladies, ang haba ng tulog at pahinga ninyo ha!" Sarkastikong sabi ni Shara na biglang sumulpot sa kung saakin.
Kaagad niyang naagaw ang atensyon ng mga kababaihan, kaya kaagad na umingay ang paligid. Napuno ng masasamang salita at mga reklamo ang paligid.
"Huwag kayong maingay ladies, baka magising ang mga lion at lapain kayo jan " may pag papaalalang tono ni Shara.
Napatahimik naman ang lahat.
"Anong kailangan mo samin" nagsalita na si Alora sa galit na nararamdaman. Sa isip niya ay niloloko at pinaglalaruan sila ni Shara.
"Alora, Alora, Alora. Alam kong sa kanilang lahat ay ikaw ang unang magtatanong saakin niyan. " sabi ni Shara.
"Nandito na po ang ilang kababaihan Madam Shara. " bulong ng isang tauhan ni Shara sa kanya.
"Papasukin na ninyo sila" bulong din ni Shara, sila lamang ang nagkakaintindihan ng kanyang tauhan.
"Papasukin na ninyo sila" sigaw ng tauhan.
Bumukas ang malaking bakal na gate at lumabas doon ng limang babae. Madudungis sila, punit punit ang damit, may mga sugat, at ang ilan ay duguan.
Ang grupo ng kababaihang ito ay matagal ng nakulong sa lugar na iyon. Maari naman silang umalis o lumabas sa lugar na iyon ngunit mas pinili nilang magstay o manatili sa lugar dahil sa pansariling rason. Lahat sila ay may kanya kanyang karanasan sa lugar.Ang mga bagong dating na kababihan ay nagkatinginan at muling nabalot ng takot.
"HHAHAHAHHHAHAHAHA, " Nabalot ng nakakatakot na tawa ni Shara ang buong gusali.
Tuluyan ng napaiyak ang karamihan sa mga kababaihan.
Nabalot na ng takot ang lahat ng sumilay ang nakakatakot na tingin at ngisi ni Shara, naawa naman ang mga datihang babaeng nabuhay na sa lugar na iyon. Dahil alam nilang ang tingin at ngisi sa ganuong paraan ni Shara ay senyales ng simula ng hindi magandang gawain ni Shara.
"Alam kong galit na galit kayong lahat saakin" panimula ni Shara.
"Hahahahah, pero wala na kayong magagawa, dahil hawak ko na kayong LAHATT" dagdag pa ni Shara."HAYOPP KAAAA" sumigaw ang isa sa mga babae.
BANGGGG
Lalo pang nanginig ang lahat ng biglang barilin ni Shara ang babaeng sumigaw at tinawag siyang hayop.
"Wala na kayong magagawa, hawak ko na kayo. Ang magagawa na lamang ninyo ay sundin ako. Hahahahah" kasabay niyon ang nakakarinding pagtawa muli ni Shara.
BINABASA MO ANG
MOST PAINFUL VICTORY
RandomKWENTO NG TATLONG MAGKAKAIBIGAN NA NASIRA AT NAPUTOL DAHIL SA ISANG MAHIRAP NILANG PAGDARAANAN. MATUTUNGHAYAN AT MABABASA KUNG ANO ANG MAARING MANGYARI KUNG ANG MATAGAL AT MALALIM NA PAGKAKAIBIGAN AY MAARI PANG MAIBALIK O MABUONG MULI MATAPOS MASIR...