ALORA POV
"Hoy, magsigising na kayo!" Malakas na sigaw na sa tingin ko ay guwardya.
Dali dali akong bumangon, tiningnan ko si Audrie na nag uunat na, si Alexa naman ay masarap pa rin ang pagkakatulog.
"Ayusin na ninyo ang inyong mga sarili, at lumabas na kayo ng kwarto. Sa labas na kayo kumuha ng pagkain para sa agahan. " bilin ng guwardiya bago nilisan ang kwarto.
"Alexa, gising na" Dinig kong sabi ni Audrie.
"Hmmm, good morning" Alexa.
"Good Morning, sabi ng guwardiya sa labas daw tayo kukuha ng pagkain" ako,
Tumayo na ako at dumiretso sa cr, nagsipilyo at ginawa ang morning routine. Nagpalit na din ako ng damit.
Maluwang na jagger, tshirt na medyo fit saakin at tsinelas na maayos tingnan.
Buti nalang at may dala ako.
Matapos mag ayos sa sarili ay naggayak na rin ang dalawa.
Sabay sabay kaming lumabas ng kwarto napag-gigitnaan nila ako. Pareho silang nakaangkla sa braso ko.
Namangha ako dahil sobrang dami ng pinto na makikita kapag lumabas ng kwarto, ang daming pinto ng kwarto. May malalaking paskil na numero para madaling hanapin. Nasa pangalawang palapag pala kami ng building.
Nakita ko na din naglabasan sa kani-kanilang kwarto ang ilang kababihan. Pansin ko ang pamamaga ng mata ng ilan, marahil ay magdamag na umiyak.
"Alora" napalingon ako sa biglang pagtawa saakin ng kung sino. Nang lingunin ko ay kaagad kong nakita si Kriss na kalalabas palang ng kanyang kwarto, naka short siya ng maluwang, tshirt at tsinelas, nakapusod din ng kanyang buhok na nagpaangas ng kanyang dating.
"Oh, Kriss dun ba ang kwarto mo, ? "Tanong ko ng makalapit siya sa gawi namin.
"Oo kayo dito" turo niya sa pinto ng kwarto namin. Tumango lang ako .
"Nga pala, si Alexa at Audrie. Mga kaibigan ko. " pakilala ko sa dalawa kong kaibigan.
"Hi, My name is Kriss nice to meet you Alexa and Audrie. " si Kriss
"Ahmm, kami din" sabay na sabi ng dalawa.
"San kayo?" Tanong ni Kriss
"Ahh sabi ng guwardiya kanina ay sa baba daw kami kumuha ng pagkain para sa agahan. "
"Ahh oo nga. Pasabay ako sa inyo ha. "
"Oo sige lang, wala ka bang kasama"
" ang totoo ni wala nga akong kakilala dito eh, bukod sayo. Sa inyo Alora."
"Ah, okay join kana samin. Okay lang naman eh."
"Talaga thank you. "
"Teka matanong ko lang Kriss, mag isa ka ba sa kwarto?"
"Oo, mas gusto ko solo ko ang kwarto eh"
"Ahhh okay.."
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa makita namin ang pila para sa buffet. Marami na ang nakapila.
Tahimik na ang lugar.At halatang sobrang lungkot ng lahat.
Nagkuha na kami ng aming mga pagkain at tahimik na kumain.
Nang matapos ay dinala kami ng mga guwardiya sa labas ng building.
Kaagad akong nasilaw sa sobrang liwanag at tindi ng sikat ng araw. Nakita ko ang sobrang lawak na field.
Na napalilibutan ng malalaking puno.
BINABASA MO ANG
MOST PAINFUL VICTORY
De TodoKWENTO NG TATLONG MAGKAKAIBIGAN NA NASIRA AT NAPUTOL DAHIL SA ISANG MAHIRAP NILANG PAGDARAANAN. MATUTUNGHAYAN AT MABABASA KUNG ANO ANG MAARING MANGYARI KUNG ANG MATAGAL AT MALALIM NA PAGKAKAIBIGAN AY MAARI PANG MAIBALIK O MABUONG MULI MATAPOS MASIR...