ALORA POV
Alas singko pa lamang ay nagising na akong muli, maagang binuksan ng guwardiya ang pinto ng aming kwarto. Mahimbing pang natutulog ang dalawa, habang ako ay ginagawa ang morning routine at nagpalit ng damit.
Short na maluwang, t shirt at sapatos ang isinuot ko. Tatakbo kami ngayon kaya mas maganda kung nakasapatos.
Ang mga madudumi naming damit ay kaagad din naming nilalabhan para matuyo kaagad. Wala kasi saaming binibigay na damit pamalit. Mabuti na lamang dahil lahat kaming naririto ay may kanya kanyang baong damit.
Matapos ayusan ang sarili ay ginising ko na ang dalawa, mabilis silang nagising at kaagad inayos ang mga sarili.
Mabuti na lamang at hindi sila mahirap gisingin. Hindi sila tulog mantika.
Alas sais ay lumabas na kami ng kwarto, mangilan-ngilan pa lamang ang nakita ko sa labas. May pila na din ang buffet para sa agahan.
Dinaanan muna namin ang kwarto ni Kriss, bukas na ang kanyang kwarto, sumilip kami sa loob at nakita namin si Kriss na mahimbing pang natutulog. Hindi na muna namin siya ginising sa pag aakalang napagod siya ng husto kahapon sa pag eensayo.
Napagpasyahan namin na magsimula munang tumakbo bago kumain, dahil kapag mamaya pa kami tumakbo ay aabutan kami ng matinding sikat ng araw.
Sa una ay jogging lamang, hanggang sa kaunting bumibilis. Hindi pa namin naiikot ang field eh pagod na pagod na kami.
Sumuko kaagad si Alexa, at sinabing kumain na kami.
Pumila na lamang kami sa buffet, kumuha ng pagkain at kumain。
Matapos kumain ay nagtungo na kami sa pwesto kung saan kami ay nag ensayo kahapon. Nadaanan pa namin ang dalawang kwarto na tinutuluyan ng datihang babae.
Ang isang kwarto ay malaki dahil apat ang tumutuloy doon. Ang kwarto naman ng solong datihang babae ay hindi gaanong malaki.
"Heyyy girls" sumulpot sa kung saan ang sa tingin ko ay apat na datihang babae. Nakasuot sila ng pang sexy.
Nandito na kami ngayon sa pinag ensayuhan namin kahapon. At magsisimula pa lamang sana kami ng biglang dumating ang apat na datihang babae."He-hello po" Si Alexa.
Mataray na sinusuri kami ng apat na babae lalo na yung may kulay na pula ang ilang side ng buhok.
"Kamusta naman ang pag-e-ensayo ninyo" taas kilay na tanong ng may kulay ang buhok.
"A-ahm, ma-maayos naman po." Si Audrie. Parang takot na takot ung dalawa.
"Okayyy, ang totoo nandito kami para sabihin hindi tama ang ginagawa ninyo. Hindi kayo tatagal sa ganitong lugar kung ganyan ginagawa ninyo, mamamatay kayo ng maaga hahahaha" mataray na sabat ng isa sa naka blue na damit.
Dahil sa sinabi niya ay nagpantig ang tenga ko. Huh, ang lakas ng loob mong magsalita ng ganyan. Bakit nilalait mo kami, bakit hindi mo na lamang kami turuan.
"Ma-mali po" Alexa na parang paiyak na. Nilapitan ko si Alexa at pinandilatan ng mata. Binigyan ko siya ng (bakit naiiyak ka? Wag kang iiyak) look.
"Omg, bat pinaiyak mo siya Diane " biglang tili ng isa sa kanila na naman.
Umiyak na ng tuluyan si Alexa, pero hindi iyak na humahagol-gol.
Tahimik siyang umiiyak at nagpapahid ng luha."Mga ate, pede po bang umalis na po kayo. Hindi po namin alam kung paano ang tamang pag eensayo dahil wala naman pong nagtuturo saamin. Kung wala naman po kayong maitutulong o sasabihing maganda saamin ay umalis na lamang po kayo. " dire-diretsong sabi ko. Naiinis ako sa mga ito.
BINABASA MO ANG
MOST PAINFUL VICTORY
RandomKWENTO NG TATLONG MAGKAKAIBIGAN NA NASIRA AT NAPUTOL DAHIL SA ISANG MAHIRAP NILANG PAGDARAANAN. MATUTUNGHAYAN AT MABABASA KUNG ANO ANG MAARING MANGYARI KUNG ANG MATAGAL AT MALALIM NA PAGKAKAIBIGAN AY MAARI PANG MAIBALIK O MABUONG MULI MATAPOS MASIR...