Chapter 13

1 0 0
                                    

 
3 Months Later

     "Mae" tawag saakin ni Zoe

     "O bakit?" Tanong ko habang may tinatapos sa laptop ko.

      "May sasabihin ako" sa pagsabi niyang iyon ay napahinto ako. Humarap ako sakanya .

     "Ano yun?" Takang tanong ko

     "Ka-si a-ano" parang naiiyak na sabi niya

     "Niloko ka nanaman?" Gulat na tinignan niya ko

      "T-teka bakit?" Tanong niya.

      "Zoe magkaibigan tayo walang sekretong hindi  na bubunyag okay?"

       "Pano mo alam?" Takang tanong niya. "Hindi ko naman sinasabi sainyo ehh?"

       "Bakit?, bakit hindi mo sinasabi saamin?" Medyo inis na tanong ko. "Zoe kaibigan mo kami. Sabihin mo saamin kung ano yung problema at kung anong nararamdaman mo"
Hindi siya nagsalita. "Kung hindi pa kita sinusundan hindi kopa malalaman na may boyfriend kana"
napaangat ang tingin niya saakin.

       "Pano?"

       "Zoe napapansin naming wala ka ng oras para samin. Lagi kang wala sa tuwing aalis tayo. Lagi kang may kausap sa selpon mo. Lagi kang umiiyak sa habang kaharap mo selpon mo. Nagtataka kami kung bakit ka ganyan, kaya naisip kong sundan kita kung saan ka pumupunta at kung sino ang kasama mo."
Nagsimula ng tumulo ang luha niya hindi siya nakapagsalita.
"Nung nakaraang buwan nakita ko kayong dalawa na magkasama. Nakita kong umiiyak ka. Habang yung lalaki walang ginagawa kundi ang sigawan ka.!" Tuloy parin siya sa pag iyak. "Nakita korin yung lalaki na may ibang kasama sa isang restaurant malapit sa village namin. Hindi ko sinabi sayo kasi ayaw kong sabihin na niloloko ka nya kasi ayaw kitang masaktan."

     "Sorry" yun lang ang sinabi niya at nagpatuloy parin sa pagiyak.

     "Sinusundan ko yung lalaki, kung Sakali mang nakikita ko siya ng hindi sadya ay may kasama siyang panibagong babae. Nalaman ko din ang pangalan niya dahil aksidente kong narinig sa babae niya. Ryan Ion ang pangalan niya. Tama ako diba?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya. "Dakilang babaero, manggagamit at manloloko yung hayop nayun Zoe." Inis na sabi ko

      "Mahal ko eh" iyak na sabi niya.

     "Mahal mo kahit ginagago kana?mahal mo kahit nasasaktan kana?mahal mo kahit ginagamit kana?mahal mo kahit niloloko kana? Hindi ka naman siguro bulag para hindi mo mapansin yan!? Hindi ka din naman manhid para hindi maramdaman yan?" Wala siyang sinabi nakayuko lamang siya at humihikbi. Pati ako ay nasasaktan dahil nasasaktan na siya.
"Zoey ikaw ang ate ko pero bakit mas ate pakong umasta sa kakasermon sayo? Wala pa akong naging nobyo pero dahil sa mga nasa paligid ko nagiging matured na ang utak ko."

     "S-sor-ry kasi hindi ko sinabi sainyo, sorry talaga" niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak.

     "Sa susunod magsabi kana? Sa susunod na magmamahal ka siguraduhin morin na mahal ka. Siguraduhin morin na iingatan ka, at hinding hindi niya gagawin yung mga ginawa sayo nung nauna." Pagpapa-alala ko sakanya.
"Ayaw kong nakikita kang ganyan na nagtitiis sa sakit at nagbubulagbulagan sa panggagamit sayo, nasasaktan ako nasasaktan kami" mangiyak ngiyak na sabi ko.

     "Pangako"

     "Hushhhhh tama na naiiyak na ako." Pagpapatahan ko sakanya sabay haplos ng likod niya

     "Naniwala ako sa mga sinasabi niya hindi niya magagawa sakin na saktan ako,  naniwala ako na titigil na siya sa dating pagiging babaero,  naniwala ako kasi sabi niya  mahal niya ko. Pero nagkamali ako-" patuloy parin siya sa pagiyak niya."nagkamali ako ng pinaniwalaan at pingkatiwalaan." Hinagod ko ang kaniyang ligod para mapatahan siya pero hindi tumatalab. Biglang dumating sila Max at napansin niyang umiiyak si Zoe

YOU CHANGED MEWhere stories live. Discover now