I'm Savannah Madrigal, 16 years of age. Height 5'2, weight 45 kilos. Daughter of Sere and Evan Madrigal. Grade 11 student at — oh crap, enough with those shitty introductions.
Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng daan na kinatatayuan ko. Kasalukuyan akong nasa may waiting shed kalapit lang ng school na pinapasukan ko. Nakahawak sa strap ng bag habang hawak ang lollipop na malapit ko nang maubos sa kabilang kamay.
Muli akong napatingin sa relong nasa palapulsuhan ko. Malapit na, ilang minuto na lang. May hinihintay kasi ako. At ilang minuto na lang din at late na naman ako sa klase ko, pero bahala na.
Madalang lang ang mga taong dumadaan dito since hindi naman dito ang main road. Tanging mga katulad ko lang na palaging huli sa klase ang malimit na dumadaan sa eskenitang ito.
Napaayos ako ng tayo ng tumunog na ang relong suot ko tanda na oras na. Sinuot ang mask na palaging dala ko saka hinugot mula sa bulsa ng palda ko ang isang pares ng sintas.
Pumikit muna ako saka nagbilang hanggang tatlo, “isa, dalawa, tatlo” at saktong pagkasabi ko ng tatlo ay ang pag alingawngaw ng sigaw ng isang babae sa may 'di kalayuan.
“Snatcher! Tulong 'yong bag ko! Snatcher!”
Aligagang hinahabol nito ang isang lalaki na kumakaripas ng takbo papunta sa may direksyon ko. Ni-hindi na inalintana ng babae na nakasuot pa siya ng high heels habang pilit na hinahabol ang lalaki.
Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko, naghihintay ng tamang tiyempo.
“Help! Kinuha 'yong bag ko, tulungan niyo ako!”
Ilang dipa na lang ang layo ng lalaki sa pwesto ko at saktong dadaan siya sa harap ko. Napangisi na lang ako ng wala sa oras.
Kailangan ko nang bilisan dahil sa mapapagalitan na naman ako ni Miss Dominguez nito. Saktong dadaan na sa harap ko ang snatcher nang itinaas ko ang kanang paa ko.
Agad na natalisod ang lalaki sa biglaang ginawa ko. Narinig ko pa ang paglagapak ng noo niya sa sementadong pathway. Wala sa sariling napangiwi ako dahil do'n. Tiyak bukol ang kakalabasan niyan mamaya.
“P-Putangina!” mahinang daing nito saka akmang tatayo pero bago pa niya magawa 'yon ay agad ko nang sinakyan ang likod niya at idinagan ang bigat ko para hindi siya makatayo.
“H-Hoy bata! Tangina ano ba! Gusto mo bang masaktan?!”
Sa halip na sagutin siya ay mabilisan kong hinila ang kanang kamay niya saka ibinuhol ang kaliwang paa nito doon. Siniguro kong mahigpit ang pagkakatali ko.
“A-Ano ba! Kapag ako nakawala rito patay ka sa'kin! Putangina!”
Nagkakawag-kawag ito na tila ba bulate na binudburan ng asin. Napairap na lang ako.
“Napakadumi naman ng bibig mo, Kuya.”
Tumayo muna ako sa pagkakadagan sa likod niya saka pwersahang hinila ang kaliwang kamay niya kung saan hawak pa rin niya ang shoulder bag no'ng babaeng ninakawan niya Gaya ng ginawa ko sa kanang kamay at kaliwang paa niya, itinali ko rin ang kaliwang kamay niya sa kanang paa nito.
Para siyang ile-letchon na baboy sa pwesto niya. Nagkakawag pa rin ito sa pag-aakalang matatanggal niya ang pagkakatali ko. Pero bigo siya.
Umupo ako sa harap niya katapat lamang ng kan'yang mukha.
“Alam mo, Kuya. Masama ang magnakaw, baka karmahin ka at ikaw naman ang manakawan. Kaya magbagong buhay ka na ha?”
Marahan ko pang tinapik ang ulo niya na tila ba para siyang alagang tuta na kailangan paamuhin. Kinuha ko ang shoulder na kinuha niya roon sa kawawang babae at marahang pinagpagan ito para maalis ang iilang dumi na kumapit.
Pawisang lumapit sa'kin ang babae. Hingal na hingal ito at tila ba naghahabol pa ng hininga. Agad ko namang iniabot sa kan'ya ang shoulder bag niya.
“S-Salamat, maraming salamat ha.” Napasandal siya sa haligi ng waiting shed at tila ba roon siya kumukuha ng lakas. Nginitian ko lamang siya pero alam ko naman na 'di niya kita dahil sa mask na suot ko.
Nag-umpisa na akong maglakad paalis nang mapalingon ulit ako sa kawawang babae.
“Ate, sana next time mag-ingat ka na. Iwasan mo na rin ang pagsusuot ng mga mamahaling alahas. Takaw disgrasya ka e.”
Naglakad na ulit ako pero sandali akong napatigil nang makaramdam ng biglaang pagkahilo. Agad akong napapikit dahil do'n. Biglang lumabas ang tila ba malaking relo sa utak ko kasabay ang isang tagpo. Alas otso ng gabi, 'yong babaeng tinulungan ngayon lang. Siya 'yong nakikita ko, isinisilid siya sa isang malaking bagahe. May papasok sa kwarto niya. Hindi ko alam kung kakilala niya o ano, basta ang alam ko may mangyayaring masama sa kan'ya base na rin sa nakita ko.
Napahawak ako sa may sentido ko nang bumalik na ako sa huwisyo. Nilingon ko ulit 'yong babae na hindi pa rin nakakabawi sa pagod ng itinakbo niya.
“Ate, huwag ka na muna umuwi sa condo mo. Makituloy ka muna sa isa sa mga kaibigan mo. Saka, tumawag ka na ng pulis para makuha na 'yang si Kuyang snatcher. Ingat ka po palagi.”
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay pinagpatuloy ko na talaga ang paglalakad papunta sa paaralan na pinapasukan ko.
Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong may super powers ako? Hindi nga lang kasing astig ng mga napapanood niyo sa mga movies. Sabi ng lola ko normal na ito sa pamilya namin. Sa bawat limampung taon na lumilipas ay may isa sa pamilya namin ang nabibiyayaan ng kakayahan na ito.
Noong una ayoko ng kakayahan kong ito, sino ba naman ang gugustuhing makakita ng mga tagpo tulad ng mga aksidente. Pero kalaunan natanggap ko na at hindi ko lang basta tinanggap, gumagawa rin ako ng paraan para hindi mangyari o maiba ang mga magiging resulta ng mga nakikita ko.
Seer ang tawag sa amin. Mga taong may kakayahang makita ang mga maaaring mangyari sa hinaharap. Maaaring maganda o maaaring delubyo ang aming makikita.
Mahirap paniwalaan, 'di ba? Pero ngayon kailangan mo nang maniwala.
Because I'm Savannah and I'm a seer at ito ang kwento ko.
Note: Yep! Another story, salitan akong maga-update nito. Update sa "Untold story of a Prosti"(USOAP) saka sa On-going ko rin na “Tasha” Prologue muna sa ngayon at sana hindi lang basta hanggang prologue lang.
PS. Inspired from the KDrama "Strong Girl Do Bong Soon" and "While you were sleeping"
![](https://img.wattpad.com/cover/262136976-288-k964171.jpg)
BINABASA MO ANG
Savannah
FantasíaSa bawat pagsapit ng ika-limampung taon. May nabibiyayaan sa aming pamilya ng isang kakayahan. Kakayahan na kung saan makikita mo ang hinaharap. Maaaring maganda, maaaring isang delubyo. Ang tawag sa ami'y mga seer, mga taong may kakayahang makita a...