HBC 04

168 9 2
                                    

Princes

-

"I-I know you," pagbasag sa katahimikan ni Tabitha at bumalik ang takot sa kanyang mukha. "I-I remember y-you."

I blinked and smirked at her. Binitawan ko si Darina at dahan-dahang lumapit sa harapan niya at makahulugan siyang tiningnan sa mga mata.

"I'm your pretend sister's sister, Aiutami Lynslay," pabulong ko pakilala sa kanya at sinulyap si Bryne na katabi niya. Nginitian ko ulit siya bago ibalik ang tingin kay Tabitha. "Are you having fun living with the prince, hmm?"

"Y-Yes..." Kinakabahan at namamaos ang boses niyang sagot.

"Excuse me but you are scaring my wife," pagsali ni Bryne at marahang hinila sa kanyang likod ang babae. Lumaki ang ngisi ko at umatras.

Mahal niya na ba ang babaeng ito? Hindi na ako magtataka pa kung magkakaroon sila ng pangalawang anak.

"Nice to hear that, Prince Bryne," aniya ko sa nangangasar na tono at inilibot ang paningin sa lahat. Saktong dumapo ang tingin ko sa parating na prinsipe.

He's with her little sister. They are both lovely and charming while walking in our direction.

"What we missed?" Nakangiting tanong ni Drivio at uminom sa kupita. Nagkatinginan naman kami ni Larissa.

"Good evening, Princes and Princess," magalang na bati ni Larissa.

They are now complete. The Princes are in one place without hurting each other.

"Good evening," mahinhin kong tugon at patago siyang nginisian.

"Hello, beautiful. May I know your name?" Nakangiting wika ni Drivio at inabot ang kamay ko. Dinala niya ito sa harap ng kanyang labi at hinalikan ang likod ng palad ko.

Sa gilid ng mata ay nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Darina at pagseryoso ni Arnee. Hindi pa siguro siya napapansin ni Larissa.

"Aiutami, your highness," nakangiting sagot ko at yumuko.

"Oh, what a beautiful name. Sabagay, maganda rin ang may-ari." Nakangiti niyang saad at binitawan na ang kamay ko. "Woah, anong kaganapan sa inyong pagtitipon? Mind counting us?"

Tumikhim ako at ngumiti.

"Can I talk to the four princes?" I said while directing my eyes to each of them.

"What's for?" Tanong ni Dharyx.

"Let's go," walang pagdadalawang isip na anyaya ni Darina sa lahat para iwan kaming lima. Wala nang nagreklamo pa at sumunod nalang sa prinsesa. 

Unang tumalikod si Larissa kaya hindi niya nakita si Arnee pero alam kong magkikita rin sila mamaya. Bago umalis ang lalaking mahal ko ay hinalikan niya muna ako sa noo at sumunod na kay Darina. Ang batang prinsipe naman ay kinuha ni Tabitha kay Dharyx bago umalis.

Nang ibalik ko ang pansin sa apat ay sineryoso ko ang mukha at tiningnan ulit sila isa-isa bago magsalita.

"Anong kailangan mo sa amin?" Pangunguna ni Emovere. Seryoso ito, nakangiti naman si Drivio, at pagtataka naman ang tingin sa akin ni Dharyx at Bryne.

"Kumusta kayong apat?" Paglumanay ko sa boses at pinagmasdan ang kanilang reaksyon.

Pagkagulat at pagkagulo ang aking nakita. Are they confused because of my unexpected question or my familiar voice?

"W-why are you asking?" Tanong naman ni Drivio at kumunot ang noo.

Kailangan ko na sabihin ang totoo para sa akin. Para sa amin ni Arnee.

Her Breakable CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon