HBC 10

140 9 0
                                    

Against

---

I stopped walking when I felt an unfamiliar presence. Arnee also noticed it so he prompted our friends to stop as well. They looked at us with worried and questionable faces but I didn't answer them instead I moved my chain in my hands.

Before they could speak, Arnee threw his dagger in my sister's direction which widened her eyes in fear and she bent down so she could avoid the weapon.

Isang malakas na sigaw ang narinig naming lahat nang magpakita ang lalaking may malaking sungay katulad ng toro. Nagulat ang mga kasama ko at mabilis na napalayo kay Aiugami pero hinila rin siya ni Sweet. Muntikan na ako madikitan ni Arnee at Avidita kaya bigla akong napaantras.

"What the--?!" Bulalas ni Blaze.

Tumarak sa dibdib ng lalaki ang punyal ni Arnee kaya nang hilahin niya iyon ay umagos ang kulay berdeng dugo.

"Oh no!" Usal naman ni Sweet at napasinghap.

Bulag ang isang mata ng lalaki at maluma ang kasuotan. Nang magkatinginan kami nito ay may boses akong narinig sa'king isipan.

"Don't let your guards down! I'm not alone!"

What?

Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto at mabilis na binuksan ang koneksyon namin ni Arnee.

"Make a barrier now!"

Mabuti na lamang at sinunod niya ako bago pa kami tamaan ng iba't ibang punyal na may lason. Tumama iyon sa kalasag at bumagsak. Naging maalerto ang mga kasama ko hawak ang kanilang mga sandata.

Kasali sa mga nabigyan harang ang lalaking may sungay habang nakaupo na sa lupa at tinatakpan ang kanyang dibdib na dumudugo. Nagsilabasan ang mga kauri ng lalaki at sila ay may mga hawak na spear. Kung ano ang ayos ng lalaking duguan ay ganoon din ang ayos ng lahat.

Wait... is he...

Bigla akong nakaramdam naman ng pagdududa at nilingon ang lalaki. Bago pa ako makapagsalita ay mabilis na kumalat ang kulay pulang usok sa kapaligiran. Natulala ako at pinanood magsibagsakan ang mga kasama ko. Gusto ko man saluhin si Arnee ay hindi ko nagawa at pinanood lang din siyang bumagsak sa lupa. Nawala na ang kalasag para protektahan kami.

"Magaling, Juvi."

Bakit hindi ako naapektuhan ng pampatulog?

"May gising pa," aniya ng isa sa mga kasama nila at ngumisi. "Isang napaka gandang dilag ang hindi naapektuhan ng pampatulog na ginawa mo, Gion."

They're not from the Draguana Kingdom... so who are they?

"Itali n'yo na sila bago pa magising," utos ng kanilang pinuno na si Gion. Alam ko at nararamdaman ko dahil sa paraan ng kanyang pananalita.

Bumalik sa katawan ko ang katinuan at mabilis na pinakalat ang kadena. Napaantras sila at napalingon sa akin nang palibutan at takpan ko ang mga tulog na kasama. Nag-iisa na lang ako ngayon at lalaban para protektahan ang mga kaibigan.

"Bakit ninyo ito ginagawa?" Malamig kong tanong sa kanilang lahat at huminto sa kinikilalang pinuno. "Anong kailangan ninyo sa amin?"

"Malakas at matapang ang binibining iyan, Gion. Hindi lang isa ang kanyang abilidad dahil marami pa ito. Mag-ingat tayo." Pahayag ng nag-iisang babae sa kanila habang mapanuri akong tingnan.

"Hindi ka ba natatakot sa amin, binibini? Mag-isa ka lang at marami kami. Kahit na marami ang abilidad mo, may kakayahan naman kami salagin iyon." Taas-noong sambit ng lalaki sa kanan ko.

Her Breakable CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon