HBC 17

99 5 0
                                    

Sudden

---

"Joey Deanlico?" Pagbanggit sa lalaking nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Kagigising ko lang at siya kaagad ang nakita ko. Nakasandal ito sa kanyang upuan habang nakapikit ang mga mata at nakahalukipkip. Hindi ako sigurado sa aking sinabi dahil minsan ko lang makita ang mukha niya sa akadamya kahit na kakaunti lang kami.

Paanong nakalabas siya ng kaharian? Except if he didn't enter their kingdom. Pero sa anong rason?

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Gawa sa kahoy ang silid at may iilang lamparang nakasabit. Hindi gaano kaganda, hindi rin gaano karumi. May bintana pa nga sa kanang bahagi ko kung nasaan nakadikit ang kama.

Tumunog ang pintong kahoy at pumasok ang isang hindi pamilyar na babae. Nang magkasalubong ang mga mata ay ngumiti siya sa akin.

"Hi," pagbati at napasulyap sa lalaki. "Kanina ka pa gising?"

"Hindi, kagigising ko lang."

Mabilis kong pinagmasdan ang hitsura niya. Mahaba ang itim niyang buhok at may side bangs na tinatakpan ang kanang mata. Maamo ang mukha, hindi ganoon kaputian, pero maganda naman siya. Nakikitaan ko sa kanya si Arianna.

Tumango siya at nilapitan ang kaharap ko 'saka tinapik sa balikat. Namumungay ang mga matang nagmulat ang lalaki at nang magkatinginan kami ay napaupo siya ng maayos.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong niya kay Joey. "Bakit dito ka natulog?"

"Maingay sa kwarto kaya pumunta ako rito," inaantok na sagot at ibinalik ang tingin sa akin. "Do you still remember me?"

"Oo?" Patanong kong sagot. "Joey Deanlico, tama ba?"

"Ako nga,"

"Ako naman si Ysa Deanlico, pinsan niya."

Tumango ako at sinabi ang kanina pang katanungan. "Umalis kayo ng kaharian? Bakit at paano?"

"Hindi mo ba muna itatanong kung paano ka namin nakilala?" Saad ni Ysa.

"P-pwede..."

"First of all, we're half-blood. Ang mga ina namin ay galing sa Draguana Kingdom at dahil sa batas ninyo ay hindi na pwede sila bumalik pa. Kahit na hindi na kami tinanggap pa, tinuruan parin nila kami na tulungan at gabayan kayong mga prinsesa. Hindi ko nga alam kung bakit kasalanan ang magmahal ng hindi taga-Draguana. Second, sinabi sa amin ni Aiugami ang tungkol sa katauhan ninyo noon, kung hindi lang niya sinabi ay baka hindi ka na namin natulungan magising." Mahabang salaysayin niya.

"Hindi kami umalis ng kaharian dahil hindi naman kami bumalik," malumanay na sambit ni Joey.

"Kung ganoon, dalawang taon na kayong naninirahan dito?" Tanong ko.

"Ganoon na nga," pagtango ni Ysa.

"Bakit?"

"Hindi kami nababagay sa kaharian na 'yon at hindi rin kami nababagay sa kaharian ninyo. Kaya napagdesisyunang dito na lang manirahan."

Mangha akong napatango sa kanyang sinabi pero agad ding napakunot ang noo. "Ano ang ibig mong sabihing tinulungan magising?"

Isang mabilis na imahe ng prinsipe ang pumasok sa aking isipan. Si Dharyx! Anong nangyari sa prinsipeng iyon?

"Hindi ka na humihinga nang dalhin ka namin dito pero mabuti na lang at mabilis kang napainom ng gayuma ni Taino."

"Taino is a half black and half white witch," dagdag ni Joey. "He helped you to recover."

Her Breakable CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon