Flashdrive

34 0 0
                                    

Nagmamadali akong nag-eencode ng reaction paper para sa isang lesson namin. Bat pa kasi kailangan to?

"Yes! Natapos rin!" Sinave ko na sa flashdrive ang ginawa ko at nag-inat. Kailangan ko pa tong ipa-print. Ang hassle naman. Bigla kasing inagahan ng professor namin ang deadline, worse ngayong araw pa. Bitter ata si Sir. Valentine's na Valentine's pinepressure kami.

"Psst. Natasha!" Lumingon ako sa katabi ko. "Peram ng flashdrive. Hindi ko kasi nadala yung sa akin. Please?" Isa rin pala siya na nagrush. Ineject ko muna ang flashdrive bago ibigay sakanya.

"Dalian mo. Magpaprint pa ako." Nagmamadali naman niyang sinave ang gawa niya at ineject. "Thanks Tash. Ngayon ka na magpaprint?"

"Ay hinde. Bukas pa, matagal pa naman ang deadline eh. Bakit?" Sarkastiko kong sagot

"Tss. Nagtatanong lang naman. Pwedeng paprint na rin yung sa akin?" Aba, gagong to. Inutusan pa ako.

"Wow naman. Ikaw na nga nanghiram ng flashdrive ako pa uutusan mo magpaprint? Bat hindi na lang ikaw? Ikaw naman ang lalaki?" Pagtataray ko sakanya.

"Sige na Tash. Please? May gagawin pa kasi ako." Nagpacute pa siya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil naaapektuhan ako. Oo, may gusto ako sakanya. Ay mali. Mahal ko na pala tong gagong to

"P-pano kung ayaw ko?" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap sakanya. Nagsi-akyatan ang dugo ko sa mukha.

"Please? Ililibre kita mamayang break." Alam kong pulang pula na ang mukha ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin.

"Oo na. Basta ililibre mo ako ah?" Hindi ako makatingin sakanya.

"Basta talaga libre. Tsk. Tsk. Oo." Inirapan ko na lang siya para magpigil ng kilig.

Nagmamadali akong naglakad palabas ng school para magpaprint sa malapit na computer shop.

"Ate paprint." Inabot ko sakanya ang flashdrive ko.

"Etong dalawa?" Tumango na lang ako. Yun lang naman ang laman nun. Habang naghihintay, nakipagchikahan muna ako sa kaklase kong magpapaprint din.

"10 pesos." Inabot ko sakanya ang bayad at kinuha sakanya ang pinaprint ko. Napakunot ang noo ko dahil tinitignan ako ni ate ng nakakaloko. Tibo ba to? Creepy.

Nagmamadali akong bumalik dahil magtatime niya. Nakita ko naman si Louis na nasa harap ng room namin. At may kausap na babae. Tss

"O! Maraming salamat ha! Ikaw napagod e." Padabog kong binigay sakanya ang bondpaper. Yun pala ang gagawin niya ha

"Thanks." Inirapan ko siya ng bonggang bongga at nagmartsa papasok ng room.

"Teka lang Natasha!" Naiirita akong lumingon sakanya. "Ano nanaman? Uutusan mo nanaman ako? Bat hindi yung kasama mong babae ang utusan mo?!"

"Alam mo kung hindi lang tayo magkaibigan, aakalain kong nagseselos ka." Tinignan ko siya ng masama. Ano yun? Nice way ng pagsabi na friendzoned ako? Tss "Biro lang. Pero, ano na?"

Nagtataka ko siyang tinignan. "Anong ano na?"

"Anong reaksyon mo dito?" Tinaas niya ang paper. Ha? Anong pinagsasasabi neto?

"Nagbibiro ka ba?"

"Hindi ah! Anong nagbibiro? Totoo lahat ng nakalagay dito!" Pagtatanggol niya.

"Ha? Ang ibig kong sabihin, nagbibiro ka nung tinanong mo kung anong reaksyon ko dyan. Diba nga reaction paper yan?" Teka, bat parang ako ang nagjoke? Tae, korni.

"Ha?" Nakakunot ang noo niya

"Ewan ko sayo! Ang gulo mo!" Akmang aalis na ako nang hinablot niya ang kamay ko.

"Hindi mo to binasa?!" Galit niyang tanong

"Aba, bat ko babasahin yan? Akin ba yan? Tsaka malelate na ako, wala na akong oras basahin yan." Paliwanag ko. Bat ba ako nagpapaliwanag?

"Ni hindi mo tinignan nung piniprint?!" Nakasigaw pa rin siya. Ano bang problema nito?!

"Hindi, may kausap ako. Bakit ba?!" Sumigaw na rin ako

"Ugh! Eto, basahin mo!" Inabot niya sa akin yung papel. Kinuha ko na lang para matapos na. Kainis

Binasa ko naman ang reaction paper niya. Ano bang meron dito? Icocompare ko ang ginawa niya sa ginawa ko? Tss. Inilipat ko sa ibang page. Biglang nanlaki ang mata ko.

I love you so much Natasha. Do you love me too? If no, I'll make you love me too. If yes, will you allow me to court you?

I looked at him. Is it real?! Nananaginip ba ako?! Sana hindi!

"So, ano?" Tanong niya habang nakangisi

Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng tili. "Mahal mo rin ako?!" Bulalas ko

"Rin? So may nararamdaman ka rin sa akin?" Nakangiti siya ng maluwag. Omg, omg. It's real. I can't believe it.

May nag-abot sakanya ng medium size na teddy bear at chocolates, yung babaeng kasama niya kanina. Nakangiti siya sa akin. "Mila nga pala, pinsan ni Louis." Bigla naman akong nahiya. Nagselos pa ako kanina, pinsan pala niya.

Inabot sa akin ni Louis ang teddy bear at chocolates nang hindi pa natatanggal ang ngiti sakanyang mga labi. "Sorry walang flowers. Malalanta din naman e. Kaya teddy bear na lang. Magtatagal pa, katulad ng pagmamahal ko sayo." He's blushing! Ang cute. Binasa ko ang card na nasa taas ng Chocolates.

Matatamis na tsokolate para sa iyong matatamis na ngiti. I love you! Happy Valentine's!

Shit kinikilig ako. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. He held my hands.

"Natasha, can I court you?" He asked me while smiling. Sunod sunod akong tumango. Pinatayo ko siya. "Of course! Magpapakipot pa ba ako?" And with that, bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I love you."

"I love you more."

*ehem *ehem Agad kaming humiwalay sa yakap ng may biglang umubo.

"Alam kong Valentines ngayon pero utang na loob tigil tigilan niyo muna yan. Pumasok na kayo sa loob at magtuturo pa ko. Saka niyo na lang ituloy yan pag wala na ako." Pumasok na sa loob ang professor namin. "Mga bata talaga. Kung ano ano inaatupag, hindi na lang mag-aral. Puro pag-ibig." Narinig naming bulong niya. Nagtinginan kaming dalawa at sabay na natawa. Bitter nga si Sir.

Flashdrive (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon