Prologue

15 8 0
                                    

Revenge

Gusto kong gumanti.

Gusto kong iparamdam sa kanya yung sakit na ipinaranas niya sa akin.

Nakaplano na sa utak ko kung paano ko gagawin yun. Kung paano ko siya papaasahin at biglang iiwan katulad ng ginawa niya sa akin.

Alam kong malabo na magawa ko yun. Hindi dahil mahal ko pa siya at ayaw ko siyang masaktan, kundi dahil baka hindi niya naman talaga ako babalikan. Baka hindi niya talaga ako minahal. Baka panakip butas lang talaga ako.

Pero sa kabilang banda, paano kung minahal niya talaga ako? Paano kung dumating yung panahon na mapagtanto niyang ako talaga ang gusto niya? Gugustuhin ko pa kayang gumanti?

Kung ngayon ko yan kailangang sagutin, oo. Oo gustong gusto kong maranasan niyang maging kawawa. Dahil mas nananaig yung galit at pagkamuhi ko sa kanya.

Alam kong masamang hilingin na pagbigyan ako ng tadhana na gumanti, pero sa tingin ko yun ang kailangan para maging malaya ako.

Happy Lane (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon