Sabi nila mahirap daw kalimutan ang first love, mukhang hindi naman. After several months from my first heart break, okay na ako. Natatawa na nga lang ako kapag naaalala ko yung pag iiyak ko tuwing hating gabi. Nanggigigil din ako sa sarili ko kapag naaalala ko kung paano ako naghabol sa kanya. Nakakacringe din kapag naiisip ko yung mga ginawa at regalong binigay ko sa kanya. Ipinangako ko talaga sa sarili ko na hindi ko uulitin yun."Welcome back Yna! Pasalubong namin?" Ako agad ang nilapitan ni kuya Hashim ng pumasok siya sa office ng department namin. Siya ang assistant head ng Photography and IT section ng D'PIRE Events na pinagtratrabahuhan ko bilang event organizer. Sa likod niya ay may isang lalaki na umupo sa bakanteng upuan katabi ng sa kanya. Mukhang bagong employee dahil ngayon ko pa lang siya nakita.
"Wala hindi ka kasali haha. Biro lang na kay Ate Rose, papunta na daw siya." Sagot ko.
Galing kasi kaming Butauanan Island para sa isang beach wedding. Halos tatlong gabi din kaming nagstay doon.
"Miss, excuse me. Sa tingin mo ba okay na to?" Maya maya pa lumapit sa akin yung lalaking kasama ni Kuya Hashim. Ipinakita niya sa akin ang laptop niya. May nieedit siyang invitation para sa isang kasal.
"Medyo idark mo pa yung kulay violet para mas nakikita yung letra." Suhestyon ko. Nagpalinga linga ako at napansing kami na lang pala ang nasa loob ng opisina. Marami kasing events ngayon kaya busy halos lahat. "Umalis na si kuya Hashim?"
"Oo na, may photoshoot daw. Hindi nga ako sinama sayang." Nagkakamot ulong sabi niya.
Madalas na dito naglalagi si kuya Hashim sa opisina naming mga event organizer lalo na kapag may photoshoot, kaya din siguro dito niya iniwan ang trainee niya.
"Event organizer?" Kaswal niyang tanong sa akin. Tumango ako bilang tugon.
"I'm Mill Braxid Atienza. Just call me Xid. Ikaw?" Nakangiting tanong niya.
"Yna. Graphic artist ka?" Tanong ko.
"Oo pwede din photographer."
Madaldal siya kaya marami kaming napagkwentuhan. Napag alaman ko na ako pa lang pala ang nakakausap niya ng ganito sa opisina. Si kuya Hashim daw kasi masyadong strikto. Bilang baguhan marami siyang tanong tungkol sa trabaho namin.
"Kumakain ka ba ng streetfoods?" Tanong sa akin ni Xid bago kami mag out sa trabaho. Tumango ako.
"Tara happy lane tayo." Aya niya. Wala naman din akong gagawin kaya sumama na lang ako.
Matangkad siya pero hindi ko naman kailangang habulin ang paglalakad niya dahil mabagal siyang kumilos.
Pagdating sa happy lane ay sinalubong agad kami ng bango ng mga iniluluto at iniihaw na pagkain.
"Dalawang hotdog po." Yun muna ang kinain namin dahil hindi ako makapagdecide kung ano ang gusto ko. Pumasok kami sa maliit na kainan sa likod ng tindera.
"So sa University of Cerecas Avenue ka pala nag aral ng college. Bachelor of Science in Business Management." Nakangiting sabi niya bago isinubo ang hotdog.
Mainit pa kaya hindi ko muna kinain ang sa akin. May kaingayan ang lugar dahil uwian na at dito ang punta ng ilang mga estudyante at empleyado pagkatapos ng trabaho. Tuwing hapon at gabi lang kasi bukas ang happy lane.
"Stalker." Natatawang sabi ko.
Nakatanggap ako ng friend request sa facebook mula sa kanya nung nakaraan kaya hindi na ako nagtaka na alam niya ang impormasyon na iyon.
"Iniistalk ko lang yung magaganda." Napairap ako at iwas ng tingin sa kanya. Pero napangiti ako, hindi dahil kinilig ako sa sinabi niya. Madali akong mapangiti tuwing pinupuri ako. Hindi ako marupok, I just appreciate compliments.
BINABASA MO ANG
Happy Lane (Completed)
Short StoryINIWAN SA ERE Ano ba ang mangyayari kapag iniwan mo ang isang bagay sa ere? Babagsak. Maaari itong mawasak at hindi na mapakinabangan. Paano kung tao naman ang iniwan sa ere? Babagsak din siya. Pero hindi siya pwedeng masira na lang basta. Babangon...